"TANTANAN mo ako, Daniel, pwede?" yamot na ani Lauri.
Ibinaba niya ang hawak na champagne flute na naglalaman ng mimosa, a mixed of orange juice and champagne, ang paborito niya. Iniwan niya ang mga kaibigan at naglakad palayo sa kumpulan na iyon kung saan dalawa nilang schoolmates ang nagmi-mix ng drinks. Hindi nga nagmukhang family meeting ang birthday party na iyon ng kaibigan, pero nagmukha naman 'yong party ng university dahil eighty percent ng bisita ni Alice ay schoolmates nila.
Hindi natatalo ng ingay ng rock song na maririnig saan mang sulok ng resort ang ingay ng mga naroon. Nagkalat ang mga bisita at abalang abala ang mga ito sa pagsasaya. Mayroong nagbababad sa pool habang doon na rin umiinom ng alak, naglalaro ng beerpong, billiard at foosball, samantalang siya ay kanina pa nabu-buwisit sa kaibigan na nangungulit.
"I just want to talk to you, Lauri. Bakit ba hindi mo man lang ako mapagbigyan?" ani Daniel na nakabuntot pa rin sa kanya habang tiinatahak niya ang patungo sa malaking bahay na nasa harap ng malaking pool.
"I told you mag-uusap tayo pero hindi ngayong lasing ka."
Umiwas siya pagilid nang muntik na siyang mabangga ng tumatakbong lalaki. Nakasuot pa iyon ng pambatang salbabida. May tumalsik na tubig sa kanya dahil sa pagtalon niyon sa pool pero binalewala niya lang iyon.
Hinarang siya ni Daniel. "Please naman, oh?"
Umikot ang mga mata niya. Humalukipkip siya. "Sige nga, ano'ng gusto mong pag-usapan natin?"
"T-Tungkol sa atin, Lauri."
"Sa atin? Anong sa atin?"
Inabot nito ang kamay niya. "Pwede bang... ako na lang, ha, Lauri?" nagmamakaawa ang tinig nito.
Namumungay na ang mga mata nito sa kalasingan at pulang pula na ang mukha maski ang dalawa nitong tenga. Kahit ang dibdib nitong lantad na lantad dahil walang suot na pang-itaas. Tanging asul na swim short lang.
Ngayon niya ipinagpasalamat ang maaagang pagtigil ng kaibigan noon sa tuwing umiinom sila. Kung noon nito ginagawa ang ganitong pangungulit ay baka mapalipad niya ang kamao rito.
Napailing siya sa sinabi nito. Tinalikuran niya ito. Hindi na niya ito pinansin kahit patuloy pa rin siya nitong hinahabol. Umakyat siya sa bahay at pumasok sa isang kwartong inokupa nila ng mga kaibigan. Kinuha niya ang cell phone sa kanyang bag. Ipinatong niya ang puting boho cover up sa puti niya ring two piece swimsuit. Habang ginagawa niya iyon ay tinawagan niya si Isaak.
"Hello, love?"
Sumalampak siya ng upo sa kama.
"Where are you na?"
"Narito pa sa police station."
"What?" Mabilis niyang tiningnan ang oras sa cell phone. "Eleven na, ah?"
Tahimik sa kinaroroonan nito kaya naisip niyang nasa office room ng mga ito ang nobyo. Hindi katulad kapag nasa ibaba ito at kasama ang mga ka-trabaho nito na maiingay at minsan pa'y binabatuhan sila ng tukso.
"May inaasikaso lang, love. Wait, are you okay? Why do you sound annoyed? Dahil ba wala pa ako riyan?"
"No, hindi dahil doon." Nilingon niya ang pinto. Nakita niya pa sa ilalim ng pintuan ang aninong kumikilos doon. Nakapikit na napahinga siya nang malalim. "Kinukulit ako ni Daniel," pagsusumbong niya sa nobyo.
BINABASA MO ANG
Keep Me Close
RomanceKung magkakaroon lamang ng pangalan ang salitang hate, that would be Lauri Jade Santillan. She hates everything about Isaak Villavor, ang saksakan sa kagwapuhan na pulis. Ngunit pagkatapos ng isang gabi ng kapahamakan na hindi siya nito iniwan, keep...