Chapter 16

29 2 9
                                    

MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lauri nang matapos ang tawag. Nasundan siya ng nagtatakang tingin ni Isaak nang tumayo siya. Gusto pa sana niyang manatili roon at makasama pa ito pero kailangan siya ng mga kaibigan niya.

"I have to go, Isaak."

"What? Why? May problema ba?" aligagang tanong nito habang tumatayo rin.

"Wala. Walang problema, Isaak. It's Hera. Nasa Greenhouse sila."

"Greenhouse?"

"Isang maliit na karaoke bar na malapit doon sa university. Lasing si Daniel at hindi nila mapauwi."

Nangunot ang noo nito. "Bakit kasi naglasing nang husto. Ngayo'y pinoproblema ninyo pang mga babae ang pag-uuwi sa kanya," naiiling nitong ani.

"May problema siya, Isaak," sabi na lamang niya.

Natigilan naman ito. "Oh, I'm sorry! I didn't know."

Ngumiti siya rito. "Aalis na muna ako." Nahihiyang itinuro niya ang rack ng mga regalo. "Ah, 'yong mga regalo, saka ko na lang kukunin?"

"Huwag mong alalahanin ang mga iyon, Lauri. Ako na ang maghahatid sa inyo ng mga iyan."

Tumango siya. "Mauna na ako."

"Sasamahan na kita," agad nitong alok kaya hindi niya nakuha ang humakbang.

"S-Sure ka?"

"Baka kailanganin ninyo rin ng tutulong sa pagbubuhat sa kanya."

"Wala ka bang gagawin?" tanong niya na luminga pa sa kwarto nito. "Work?"

"I'm off duty, Lauri. At wala akong ibang gagawin."

"Ow... okay."

Pumayag na siya sa alok nito. Naisip niya na baka nga lasing na lasing na si Daniel at kailangan ng magbubuhat doon. Sakay ng kotse ni Isaan nang magtungo sila sa Greenhouse.

"Hindi ko alam na may karaoke bar malapit sa university."

"Ang alam ko nito lang sila nagbukas ng karaoke bar. Computer shop at kainan lang talaga 'yon noon."

"Madalas ka ba roon?"

"Hindi naman."

Tumango-tango ito. "Pero sa malalaking bar?"

Nairapan niya ito. Mahina nitong tinawanan ang reaksyon.

"I'm curious about something."

"Hm? Ano 'yon, Lauri?"

"Gumigimik ka man lang ba noong college?"

Nilingon siya nito. Nang makita marahil ang seryoso niyang mukha ay muli itong natawa. "Oo naman. Lalo na pagkakatapos ng exams. Masarap gumimik kapag wala ka ng iisipin."

"Eh, ngayong working ka na?"

"Madalang na dahil busy sa trabaho. Ang nagiging gimik ko na lang ay kapag may party ang pamilya."

Nakalabing napatango siya. Ngumisi naman ito.

"Why?"

Napaismid siya. "Wala kasi sa itsura mo ang marunong gumimik."

Malapad ang ngisi nito. "Really? Do I look stiff?"

"Hindi naman." Kibit-balikat niya. "Napaka-good boy nga lang ng image mo. Na parang kapag gumawa ka ng maski kaunting kamalian ay masasabi na lang ng mga tao na hindi mo magagawa iyon."

Muli itong natawa. "I didn't know that I have that image, Lauri."

"What about girlfriends?"

"I had a girlfriend once. Noong third year high school and we were together for four years."

Keep Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon