"ARE you happy, love?" Hindi napigilang itanong ni Lauri sa nobyo.
Humigpit ang kapit nito sa bewang niya at katulad niya ay abot-tenga ang pagkakangiti nito. "Masayang masaya, Lauri. I'm hundred times happier when I'm with you, love."
"Hundred times? Ang O.A. mo naman!" natatawang aniya.
"It's true." Hinalikan siya nito sa sentido at matamang tinitigan."Paanong hindi, Lauri, kung ikaw ang matagal ko ng hinahangad na maging akin? Kaya nga hindi ko na hahayaang mawala ka pa sa akin, Lauri."
"You're being cheesy," natatawa niyang ani habang nakalubog ang labi sa pisngi nito.
Ngumisi ito. "It's your fault."
Mabilis siyang napalayo rito. "My fault?" natatawa at hindi makapaniwalang aniya.
"'Cause I'm in love with you, Lauri! So, so much!"
Napahagikgik siya. "I love you, too, love. And I won't let you go either dahil kaawa ka naman kung mawawala ako sa buhay mo," aniya saka ito pinupog ng halik sa pisngi na malakas na ikinatawa ng binata.
"Yeah, kaawa talaga ako," may bahid ng pagtawa pang ani Isaak. Sinugsog nito ng daliri ang mukha niya. "After your graduation, what's your plan? Plano mo bang magtungo agad sa London?"
"Hmm... I actually waiting for Central Saint Martins' response." Tumango ito. "Yeah... It depends on their reply. Kapag natanggap ako roon-"
"Sigurado iyan."
Mahina siyang natawa. "It's hard to get accepted there, love. Pero dahil iyon ang first choice ko ay doon muna ako nagpo-focus."
"Hindi ba't natanggap ka na roon, kaya hindi malayong matanggap ka ulit."
Nangunot ang noo niya. Wala siyang gaanong napagsabihan ng pagkakatanggap niya noon sa Central Saint Martins kung 'di ang kanyang mga kaibigan sa fashion design, ang kanyang Tito Bryan at ang mga magulang niya lamang. "How did you know that?" taka niyang tanong.
Umangat ang dalawa nitong kilay. Nang maisip marahil ang tanong niya ay napakamot ito sa likod ng ulo. "Actually kay Tito Bryan. Palagi niya akong tinutukso sa 'yo kapag nagkikita kami kaya naman lahat ng tungkol sa 'yo ay nababanggit niya rin sa akin."
Napangiwi siya, sa balintataw ay naninikita ang nanunuksong ngiti ng Tiyuhin. "That old man."
Natawa si Isaak.
"But, why are you asking?"
"Nothing," nakangiti at umiiling nitong ani.
"Sigurado ka?"
"Yes, Lauri."
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Sigurado ka, ha?" Kanina kasi ay ramdam niyang may sasabihin ito. Tumango ito saka muling inabot ang labi niya. Ginantihan niya ang halik nito.
Mabilis na napalayo siyang muli sa nobyo nang marinig niya ang malakas na tunog. Taranta siyang napalinga, huli na ng mapagtanto niya kung saan nagmumula ang ingay na iyon. Malakas siyang natawa matapos siyang layasan siya ng gulat.
"Oh, shit! I forgot that you have a class," ani naman ni Isaak pagkatapos nitong masilip ang wristwatch nito.
Tinatawan niya ito nang nagmamadali itong umayos ng upo. "Hindi naman ako nagmamadali, love."
BINABASA MO ANG
Keep Me Close
RomanceKung magkakaroon lamang ng pangalan ang salitang hate, that would be Lauri Jade Santillan. She hates everything about Isaak Villavor, ang saksakan sa kagwapuhan na pulis. Ngunit pagkatapos ng isang gabi ng kapahamakan na hindi siya nito iniwan, keep...