Chapter 1

1.4K 36 5
                                    

          Today is another day! Bumangon na ako at nag-inat para simulan ang araw ko. Maaga akong gumising dahil marami pa akong kailangan asikasuhin. Kailangan ko pa magpunta sa mall para manili ng ibang gamit sa pag-alis ko papuntang Italy. Ako ang ipinadala nila Mommy at Daddy para umattend ng convention para restaurant. Dahil ang magaling kong kuya ayun takot ata sumakay ng eroplano. Pero biro lang. Ang totoo busy talaga sya sa pag-aasikaso ng wedding nila ni Missy.

          Habang kumukuha ako ng damit nahulog sa sahig ang isang maliit at cute na pig keychain.

         "Asan na kaya yung nagbigay nito?"

         Bigay to sakin ng kalaro ni kuya nung bata pa sila. Nasira kasi ng Kuya Yuan yung laruan na bigay ng bestfriend kong si Jelai kaya para matigil ako sa pag-iyak ibinigay nya yung keychain nya sakin. Kaso di ko natandaan itsura nya at pangalan dahil sobrang bata ko pa nun.

          After ko maligo bumaba na ko at naabutan kong kumpleto na ang pamilya ko sa hapag kainan.

         "Good morning Roni!" Si Dad. 

        "Salamat naman at nakangiti na ang prinsesa ng bahay na to?" Dugtong nito.

       "Oo nga! Kala ko forever ka ng magmukmuk sa kwarto mo. Kaya ka pumapanget lalo eh." Biro ni Kuya.

       "Tseh!" Irap ko.

       "Ano ba tigilan nyo na si Roni. Buti nga okay na sya eh. Pumayag na nga sya umalis para sa seminar di ba? Dahil ayaw mong iwanan si Missy." Si Mommy na palagi akong pinagtatanggol sa pambubully ni Daddy at Kuya.

          Simula ng lokohin at saktan ako ni Basty nakalimutan ko na ngumiti. Nakalimutan ko na pano mabuhay. Until one day narealise ko na hindi pwedeng tumigil ang mundo ko dahil sa kanya. Laking pasasalamat ko sa pamilya ko na sa halos isang taon kong paghinto sa buhay eh di nila ako iniwan. Inunawa at hinayaan nila akong maghilom.

         "Kuya pwede mo ba kong ihatid sa casa. Kukunin ko sasakyan ko. Nagtext si Manong Delfin na maayos na daw yung kotse ko." Sabi ko habang sinisimulan mag-almusal. 

          "Punta ako sa mall para bumili ng ilang gamit na dadalhin ko sa Italy."

          Natigilan ako sa pagsubo ng mapansin na lahat sila nakatingin sakin. Problema nitong mga to?

          "Natutuwa lang kami na maayos ka na. Masaya kami na bumabalik na ulit sa dati yung anak namin." Mommy.

          "Ma ayoko na po pag-usapan. Gusto ko na po magsimula ulit. Kaya nga naisip ko magvolunteer sa convention. Baka dun po tuluyan ko ng mahanap at makumpleto sarili ko."
Ngiti lang ang isinagot nila sakin. Alam nila na ayoko na pag-usapan yung ginawa ni Basty. Qouta na eh.

         Nang makarating kami sa casa agad ibinigay sakin ni Mang Delfin ang susi ng sasakyan ko. Pinapanood lang ako ni Kuya habang ikinakabit ko yung keychain.

         "Di ba bigay ni ano sayo yan? Ano nga ulit pangalan nun? Nasayo pa pala yan?"

         "Hindi ko na matandaan. Sobrang bata ko pa nun. Tsaka bakit ako tinatanong mo eh ikaw ang kaibigan nun. At ano naman yang nginingiting aso mo dyan? Nasisiraan ka na naman." 

         " Wala Roni. Naalala ko lang yung sinabi nya sakin bago nya ibigay sayo yang keychain na yan." Sabay tawa.

        " Alam mo ikaw umalis ka na nga at puntahan mo na si Missy. Sya na lang kulitin mo wag ako. Pwede?"

        Bago ko pa mahampas si Kuya tumakbo na sya papunta sa sasakyan nya.

      " Hey little sis!" Tawag nya kaya natigil ako sa pagpasok sa kotse. "I'm just glad you're back. Namiss kita." He said and drove away.

     Nkangiti akong sumakay sa kotse at nagdrive papuntang mall. Namiss ko din sila. Namiss ko ulit mabuhay. Kaya pangako mag-eenjoy ako sa Italy. Papasyalan ko lahat ng magandang lugar dun. Tapos na umiyak ang isang Ronalisa Salcedo. Panahon na para mahalin ulit ang sarili ko at maging masaya.


Forever with youWhere stories live. Discover now