Habang nagmamaneho si Borj nagkaron ako ng pagkakataon para titigan ito. Madalas kasi samin dalawa sya ang palaging nakatitig sakin. Kapag naman sasabayan ko sya, di ako nakakatagal. His stare is so hypnotizing. Pakiramdam ko pati kaluluwa ko nakikita na nya. Napakaintense. His expressive eyes na feeling ko lahat ng nasa utak ko nababasa nya.
"Baby I know gwapo ako. Baka matunaw na ko sa titig mo ah. Kanina ka pa. May sasabihin ka?" Nilingon nya ako bago dinala ang kamay ko na hawak nya for a kiss.
"Nothing. Naiisip ko lang pagtagal na ganyan ka pa din? Don't get me wrong. Just random thoughts."
"Roni kakasagot mo pa lang sakin ang layo na agad ng narating mo. Let's enjoy every moment together. I won't promise you a perfect relationship kasi for sure along the way marami tayong pagdadaanan. Pero one thing for sure. Mahal kita. Simula pa nung bata tayo hanggang ngayon. Okay?"
Tumango ako and then kiss his cheek.
"Sarap naman nun baby. Isa pa nga."
"Hay naku. Magdrive ka na nga lang dyan. Puro ka kalokohan." Pabiro kong hampas sa braso nya.
Mabilis lang namin nabili ang mga kailangan ko para sa dessert na gagawin ko. At dahil maaga pa naisipan kong dumaan sa isang boutique para bumili ng dress para sa dinner. May mga dress pa naman ako aa bahay but gusto kong paghandaan ang dinner bukas. Makikilala ko ang family ni Borj bilang girlfriend nya kaya kailangan maging presentable ako.
"Alam mo baby kahit naman anong suotin mo maganda ka. Wag ka masyado magpaganda kasi baka lalo magkacrush sayo kapatid ko."
"Naku selos na naman ang baby ko na yan. Tigilan mo na si David. Ang pikon mo sa kapatid mo. Kaya lalo ka inaasar eh."
"Sus nagsalita ang hindi pikon sa kapatid. Tapos ka na ba? Tara na. I'll pay for that."
"Hindi. Ako na. Gamit ko to. Ako na magbabayad."
"Ako ang lalake. I should be the one paying. Please baby? Let me." Ayan na naman sya sa pouty lips nya. Sarap halikan eh. Kung di lang kami nasa public place.
"Fine! Pero pag-uusapan natin to ah." Dumerecho na kami sa cashier para magbayad.
The sales lady glued her eyes on Borj na bahagya kong kinainis. Si Borj naman walang pakialam at hindi ata aware na pinagtitinginan sya ng mga babae dito.
"Let's go baby." Lihim akong napangiti ng hawakan nya ang kamay ko palabas ng tindahan.
Pagdating namin sa bahay derecho kami sa kitchen para ibaba ang mga pinamili namin.
"Baby uwi ka na muna para makapagpalit ka ng damit. Balik ka na lang po dito."
"Sure ka? Wala kang kasama dito."
"Ano ka ba? Nasa village naman tayo. Wala naman mangyayari sakin. I'll lock the doors. Don't worry about me okay?"
"Fine. Balik ako agad. Magdala na lang ako ng extra clothes para may damit ako dito." He kisses my forehead bago umuwi.
Pag-alis ni Borj naligo din ako at nagpalit. After a few minutes bumalik si Borj freshly showered. Lumapit agad ako sa kanya at inamoy ito.
"Ang bango mo naman."
"So kailangan pala palagi akong bagong paligo para lumapit ka sakin ng ganyan." Natatawang sabi nito sakin.
"Hay naku ayan na naman po sya sa drama nya. Magsimula na kaya tayo gumawa ng dessert."
Nagsimula na akong ilabas sa lamesa ang mga pinamili namin. Isa-isa ko din inilabas ang mga gagamitin namin. Bago ko simulan ang paghahalo ng ingredients itinali ko muna pataas ang buhok ko. Habang abala ako sa ginagawa naramdaman ko na lang na may yumakap mula sa likuran ko.
Borj buried his face on my neck.
"You smell so good too." His stubbles tickled my skin kaya sigurado mamumula ang leeg ko.
"Borj di tayo matatapos. Umayos ka nga. Maya maabutan tayo nila Mommy dito."
"Ito naman naglalambing lang. Mamaya pagdating ng Kuya mo di naman ako makakalapit sayo." Napapakamot ulo itong lumayo sakin. "Hirap naman ng may magandang girlfriend. Gusto ko na lang titigan ka."
"Ang corny mo. Balatan mo na lang yung mga saging para mailuto ko na."
Sumunod naman ito. Inuna ko munang gawin ang leche flan sa mamaliit na lagayan. Para kapag naiuluto na ang matamis na saging mapalamig na din namin ito.
Borj look tired dahil na din siguro wala pa itong masyadong pahinga galing Malaysia kaya hinyaan ko muna itong matulog sa sofa.
Habang pinapalamig ko ang saging, inakyat ko muna sa kwarto ang paper bag naglalaman ng extra clothes nya. Maayos ko itong itinago sa loob ng closet ko.
Iprepare the dessert muna bago ko nilapitan si Borj. Marahan kong tinapik ang hita nito para gisingin."Taste test mo na baby. Nakakahiya sa Mommy mo kung hindi masarap." Inilapag ko sa table ang dessert.
"Wow! Di ko pa natitikmam baby pero mukhang masarap na." Parang batang nilantakan na nito ang minatamis na saging na may leche flan.
After kumain tinulungan na nya akong magligpit ng mga ginamit namin kanina. Tinulungan din nya ako to cook dinner. Tinawagan na lang namin sila Lola Seling at Lolo Miyong na sa bahay na magdinner dahil sobra naman ang niluto namin ni Borj.
Dinaanan na lang nila Kuya sila Lola para di na ito mapagod sa paglalakad. At dahil ang unggoy kong kapatid nagbukas ng ref nakita nya ang dessert na ginawa ko. Hindi na nya ito tinigilan kaya kahit na para ito sa pamilya ni Borj gagawa na lang ako bukas ulit.
Halos maubos ng dalawa ang ginawa. Even ang parents ko and sila Lolo nagustuhan din. I think pwede ko isama ito sa menu ng cafe.
After dinner and konting kwentuhan nagpaalam na sila Lola na uuwi na.
"See you tomorrow baby." Bulong nito sakin dahil nasa malapit lang sila kuya. And speaking of Kuya.
"Hoy Borj bakit kailangan may paghalik ka dyan kay Roni. Roni pumasok ka na nga." Saway ni kuya. Natatawa na lang akong lumayo kay Borj.
"I love you." He mouthed. I wave my phone para sabihin na magtext na lang dahil may asungot sa paligid.
YOU ARE READING
Forever with you
FanfictionSo ayun. Since Stefano Mori keeps invading my FYP and gabi-gabi na akong puyat because of him bigla ako nainspire to make a story na sila ang bida. Still use their G-Mik names since mas feeling ko yun yung pinakapasok na personality nila in real lif...