Chapter 17

752 31 6
                                    

                Maaga pa din akong nagising kahit na ilang oras lang ang naging tulog ko. Bumangon ako at nag-inat. Nilingon ko ang gown ko na maayos na naka hang sa wall ko. Later ko na ilalagay sa storage bag. Missy insisted na wag muna ipakita sa mga boys ang itsura ng isusuot namin. Gusto nya sa wedding day na mismo. Today, lahat kami mag-check in na sa hotel para hindi na namin need magtravel pa ng ilang oras kahit na sa hapon pa naman ang kasal nila.

                 Bumangon na ako at naligo. Pababa na ko ng hagdan ng maabutan si Kuya Yuan na naka yuko sa may dining table habang sinisermunan ni Mommy.

                  "Higupin mo na yang hangover soup na ginawa ni Borj para sayo Yuan para mawala na yang sakit ng ulo mo. Makinom ka akala mo wala ng bukas." Sabi ni Mommy. Galing na dito si Borj?

                  "Hi Roni. Good morning hija. Umupo ka na. Para makapag-almusal na tayo." Yaya sakin ni Dad. Tuluyan na ko ng bumaba sa hagdan pero nagulat ako ng biglang sumulpot si Borj mula sa kusina. Kanina pa sya?

                  "Good morning Roni. Upo na ka na. I'll set your table." Hinatak nya ang upuan ko at inalalayan akong maupo.

                 "Good morning Dad. Good morning din Borj. Ang aga mo ata."

                 "Kanina pa yan Roni. Naabutan akong nagcheck ng sasakyan tapos tinulungan Mommy mo magprepare ng breakfast. Sya na din ang gumising sa kuya mo."

                 "Oo nga tol bakit ba ang aga mo mambulabog? Natulog ka ba? Hindi ba masakit ulo mo?"

                 "Natulog. Excited lang ako pumunta dito sa inyo." Sabay tingin sakin. "Naisip ko kasi na siguradong may hangover ka kaya ginawan kita ng soup. Kaya kumain ka na andami mo pang satsat."

                  Nagsimula kaming kumain. At mukhang effective yung soup na ginawa ni Borj kasi ngayon ang daldal na naman. Maligalig na uli.

                  I sat on Kuya Yuan's arm rest at inakbayan sya.

                  "Alam mo Kuya ikakasal ka na bukas kaya please lang bawasan mo na pagiging alaskador mo. Mamimiss kita. Wala ng unggoy na maingay dito sa bahay."

                  "Tigilan mo nga ako Ronalisa. Ikakasal lang ako kung makapagsalita ka dyan. Tsaka nasa kabilang street lang bahay namin ni Missy. Baka nga araw-araw ko makita yang mukha mong panget sa pamamahay ko."

                   "Iba pa din syempre kapag andito ka sa bahay. Pero maligo na ka please. Ang baho mo na." Itinulak ko sya pero I end up hugging him. "I'm so happy for you Kuya." I kiss him on the cheeks. "Pero maligo ka na baka masuka si Missy sa amoy ko. Yuck!"

                    Natatawa syang tumayo at umakyat sa taas. Ganito naman kami ni Kuya. Madalas kami mag-asaran at magkapikunan pero love namin ang isa't-isa.

                    "Uhm Tito Charlie, Tita Marite pagpapaalam ko lang po sana si Roni." Ako? Bakit? "Okay lang po ba na sakin na lang po sya sumubay papunta sa hotel? Hindi ko po kasi alam papunta dun. Baka po maligaw ako. " Style nito bulok. Sabay na napatingin sila Mommy at Daddy sakin.

                    "Magkakasya ba kayo sa sasakyan mo?" Daddy.

                    "Love isabay na lang natin sa van si Lolo at Lola. Sila Elsie dito din sasakay para yung mga gamit sa van naman nila Roger natin isakay." Sumang-ayon naman si Daddy kay Mommy. "Para di na din magdala ng sasakyan nya si Roni."

                    "Teka si Trisha?"

                    "Pinagpaalam na ni Tonsy kanina samin. Sila na lang daw ang magsasabay." Aba dumadamoves na ang Tonsy namin.

                    "Gayak na Roni. Wag mo paghintayin sundo mo."

                    "Okay lang Tita Marite. Take your time Roni. Whenever you are ready. Willing to wait."

                    "Hay naku Borj. Umuwi ka na muna para matulungan mo sila Lola sa mga gamit nila. Ihatid mo na din dito para maayos na natin. Wag mo antayin yang dalaga ko dahil singkupad ng pagong yan kumilos."

                     "Daddy naman eh. Si Kuya kaya yun hindi ako."

                     "Nagtatalo pa kayo pare-pareho naman kayong mababagal kumilos." Saway ni Mommy.

                     Nagpaalam ako at umakyat na sa kwarto ko. Ang ingay na ng GC namin dahil excited na lahat para bukas. Nag-uusap din kami kung ano gagawin namin mamaya sa hotel.

                     Andito silang lahat sa bahay dahil nag-aayos ng mga dadalhin namin sa hotel. I made a check list last week para wala kaming makalimutan. Tinulungan ako ni Jelai na icheck ang mga gamit. Dahil nasa business trip pa si Tito Cesar at Tita Marla at bukas pa ang dating samin na sasabay si Jelai at syempre si Yaya Medel.

                     Habang busy ang lahat sa pagloload ng gamit sa van nila Junjun dumating si Borj kasama si Lolo at Lola. Lumapit kami sa dalawang matanda at sunud-sunod na ng mano.

                     "Oh Pareng Borj bakit bitbit mo yang gamit ni Roni? Dito mo na isakay yan sa van." Sita ni kuya ng makitang kinuha ni Borj ang bag sa tabi ko. Bitbit din nya ang gown ko. Cute.

                    "Sakin sasabay si Roni Tol. Kaya sa kotse ko na din mga gamit nya."

                     As usual dahil katabi ko si Jelai nakatikim ako ng kiliti.

                    "Ay hindi ako papayag na sya lang ang isasabay mo. Sasama ako. Roni sa likod ka. Angas ng kotse mo Tol. Ngayon ko lang to nakita ah."

                    "Kuya naman eh. Dun ka na sa van or kay Junjun ka sumakay. Epal nito."

                    "Di pwede sa kotse ko yan si Yuan. Kasama ko si Jelai." Protesta ni Junjun.

                    "Ah ganun? So gusto nyo magsolo? Ayaw nyo ko isama pwes pagtapos ng kasal ko magsilayas na kayo. Wag na kayong pupunta sa reception. Andadamot nyo!"

                    "Hoy Juanito sa van ka na. Dito ka sa tabi ko maupo. Tigilan mo na nga yang apat na yan. Malalaki na yan. Love tawagan mo nga si Missy. Sabihin mo yung unggoy nya dito paki kuha na."

                    "Daddy naman!" Napakamot sa batok si Kuya. "Borj yang utol ko ah. Lasing lang ako kagabi pero di ako bulag. Umayos ka. Sisipain kita pabalik sa Italy."

                     "Kuya ano ka ba andito si Lolo at Lola. Mahiya ka naman. Apo nila yan."

                    "Itong mga batang to wala pa rin pinagbago. Makukulit pa din." Tawa ni Lolo Miyong.

                    "Ready na ba lahat? Wala na nakalimutan iload sa sasakyan? Mga damit at sapatos nyo okay na?" Last final call ni Daddy. Nang masiguro na okay na ang lahat kanya-kanya na kaming pasok sa sasakyan.

                     "New car?" Tanong ko pagpasok ko sa loob ng kotse nya. Halos katulad ito ng sports car nya sa Italy. Ang pagkakaiba lang parang loob ng kotse ko dahil sa dami ng unan at pink colors.

                     "Nope. Matagal na to sa garahe. Di lang ginagamit ni Lolo. Pero pinapaandar naman nya every now and then."

                     "Eh bakit ganito ang itsura sa loob? Parang babae may-ari." Pinaglalaruan ko ang cute na pig stuff toy sa kandungan ko.

                      Napapakamot sya sa batok habang nakatingin sakin. Hindi malaman kung ano isasagot. Nag-iisip pa. "Tara na daw." Bumusina si Daddy kaya binuhay nya ang makina para makasunod kami. Nasa unahan naman namin ang sasakyan ni Junjun at Jelai.

                      Naiiling na lang ako habang isinusuot ang seatbelt ko.

Forever with youWhere stories live. Discover now