On the way to the restaurant nakiusap ako kay Borj na sa Palawan na lang namin sabihin sa barkada ang tungkol samin. Pumayag naman ito sa kundisyon na sasabihin nya sa parents ko na boyfriend ko na sya.
Kung clingy akong girlfriend mas clingy naman na boyfriend si Borj. He's very sweet kahit naman nung nanliligaw pa sya sakin. But I didn't know na mas grabe pa pala sya now na kami na. At aaminin ko kahit na sa maliit na bagay kinikilig ako.
Hawak nya ang kamay ko habang nagmamaneho papunta sa restaurant nila Daddy. Once in a while hinahalikan nya ito. Madalas I caught him smiling habag nagdadrive. Weird talaga nito minsan buti na lang gwapo eh.
Halos ayaw na nya bitawan ang kamay ko kanina kahit na pareho kaming nag-aayos ng ilang mga gamit sa shop.
"Borj let go. Di tayo matatapos sa ginagawa mo. Baka malate pa tayo sa lunch natin sa resto. Lagot tayo sa parents ko. Andun pa naman si Kuya." Natatawa kong sabi sa kanya.
He just smile and shrugged his shoulder ignoring my plea. Kaya nagpasya na lang ako magyaya na.
"Oh Borj kelan ka pa dumating?" Gulat na tanong ni Kuya pagdating namin. Agad nya itong niyakap at gusto pa halikan ng pabiro.
"Kahapon lang pare. Andyan pa parents mo? Gusto ko sana sila kausapin." Natatawang iwas nito kay kuya.
"Nasa office. Bakit di ka nagpunta sa bahay? Andun kami lahat kahapon."
Borj ignore Kuya Yuan at umakyat na sa taas. Gusto ko sana syang samahan kaya lang inulan na ako ng tanong ng mag-asawa.
"Roni bakit di mo sinabi na nakauwi na pala si Borj?"
"Kuya hindi ko din naman alam. Pag-uwi ko galing sa inyo, nadatnan ko sya sa bahay kausap sila Mommy at Daddy. Makapagtanong ka naman akala mo ikaw ang nililigawan. Mas excited ka pa kesa sakin." Pairap kong sagot pero natatawa talaga ako sa reaksyon ng kapatid ko.
"Anong meron bakit gusto nya kausapin sila Mommy?" Tanong ni Missy.
"Hindi ko alam. Baka about sa negosyo. Kanina kasing breakfast yan ang pinag-uusapan nila." Patay malisya kong sagot.
Nagkakasabay na bumaba ang tatlo. Sa hagdan palang kita mo sa itsura ni Borj ang malawak na ngiti. Lumapit sakin si Mommy ng nakangiti at mahigpit ako nitong niyakap. Ganun din si Daddy.
"Grabe naman yun. Parang isang taon nyong di nakita si Roni ah. Kasama nyo naman sa bahay." Simangot ni Kuya.
"Sus selos ka lang eh. Halika dito yayakapin ka din namin Mommy mo Yuan. Di ka na nahiya sa asawa mo." Nilapitan sya ni Daddy at niyakap ng mahigpit habang pinauulanan ng halik sa mukha.
"Kayo talagang dalawa. Mag-tatay talaga kayo. Pareho kayong parang bata." Saway ni Mommy. Nagtawag na din ito ng waiter at sinabing iprepare na ang lunch namin.
Si Borj naman ito pasimpleng nakahawak sa likod ko habang busy sila kay Kuya.
"Pare sa bahay tayo bukas ng gabi. Tawagan ko sila. Nagugulat yun na nakauwi ka na." Yaya ni kuya.
"Di ako pwede bukas. Darating kasi sila Mommy at yung kapatid ko. Susunduin ko sa airport. Kasabay na din nila si Trisha at Tonsy. Magpapasama sana ako kay Roni."
"Eh gabi naman yun. Tsaka lalabas ata ang girls bukas dahil mamimili sila ng ibang dadalhin para sa Palawan trip natin."
Lumingon sakin si Borj.
"Hahabol na lang ako sa mall bukas Kuya. Samahan ko muna sa airport si Borj." Naramdaman kong hinwakan ni Borj sa ilalim ng mesa ang kamay ko.
"May dinner kasi kaming family bukas pare. At invited si Roni." Nagulat ako sa sinabi ni Borj kaya taka ko syang tiningnan. Di ko alam. Kinabahan tuloy ako bigla.
"Yuan tigilan mo na yang dalawa. Magkakasama naman kayo sa Palawan. Kumain ka na lang. Ang dami mong daldal." Sita ni Daddy.
After ng lunch sumunod ako kay Mommy sa office. Naiwan naman si Borj na hanggang ngayon kinukulit pa din ni Kuya. Si Missy naman katulong ni Daddy dahil ang magaling nitong asawa iba ang inaasikaso.
"Ma kinakabahan po ako. Wala naman sinabi si Borj. Ngayon lang. Anong gagawin ko? Anong dadalhin ko sa dinner."
"Kumalma ka nga Roni. Nabanggit na ni Borj samin kanina. Wala din sa plano yung dinner nyo kaya lang sinagot mo kanina kaya ayun gusto nya ipaalam na din agad sa family nya. At naappreciate naming sobra ng Daddy mo yung gesture ni Borj." Nakangiting sabi ni Mommy.
"Pero anong dadalhin ko? Nakakahiya naman kung wala akong bitbit sa dinner."
"Alam mo Roni bakit di mo sila ipagbake ng cake or gawan ng dessert."
Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni Mommy. Nagpaalam na ako para mamili ng mga gagamitin dahil wala ng stock sa bahay. Yung mga ingredients naman na gagamitin para sa shop madideliver pa pagdating namin from Palawan.
Pagbaba ko nakita ko si Daddy na natatawa habang may tinitingnan. Sinundan ko ng tingin nya at natawa na din ng makitang nakasimangot na si Missy habang pinapanood din si Kuya Yuan at Borj na naghaharutan.
"Roni paalisin mo na nga yan si Borj. Di na nilubayan ng Kuya mo. Nakalimutan na ata na ako ang asawa nya."
Lumapit ako sa dalawa at hinila sa braso si Borj palayo kay Kuya.
"Hoy san mo dadalhin si Borj?"
"Kuya aalis na kami. May bibilhin ako. Magpapasama ako kay Borj."
"Umalis na mag-isa. Wag mo na isama si Borj. Nag-uusap pa kami eh."
"Kuya yung asawa mo nakasimangot na. Nakalimjutan mo na daw sya." Natigilan naman sya ng inirapan sya ni Missy ng tingnan nya ito. Mabilis na umalis si Kuya para puntahan ang asawa.
"Thank you baby for saving me kay Yuan. Grabe yung kapatid mo. Ang clingy."
"Mukhang nag-eenjoy ka naman eh. Gusto mo maiwan ka na lang dito." Masungit kong sabi.
"Baby naman." Napakamot ito sa ulo at nagpout pa.
"Biro lang po. Tara sa mall." Aya ko.
"Magdate tayo?"
"Anong date? Magpapasama lang ako mamili ng ingredients para sa gagawin kong dessert na dadalhin sa family dinner nyo bukas. Nambibigla ka naman kasi."
"Sorry na baby. Ikaw din kasi binigla mo ako kanina." Kindat nito.
"Gusto mo ba bawiin ko?"
"Hindi po." Sunud-sunod na iling nito.
"Hahahahahaha! Ang cute mo. Tara na nga. Para makabalik din tayo agad. Marami pa akong gagawin. Di pa din ako nakaimpake para sa Palawan."
Hindi ko na sya hinintay magsalita. Hinwakan ko ang kamay nya at hinila papunta sa parents ko para magpaalam na aalis na kami.
ADVANCE MERRY CHRISTMAS GUYS!
xoxo
YOU ARE READING
Forever with you
FanfictionSo ayun. Since Stefano Mori keeps invading my FYP and gabi-gabi na akong puyat because of him bigla ako nainspire to make a story na sila ang bida. Still use their G-Mik names since mas feeling ko yun yung pinakapasok na personality nila in real lif...