Bitbit ko ang isa sa nga pig stuff toy na nasa sasakyan ni Borj papasok ng lobby ng hotel. Sa sobrang cute naisipan kung hiramin at dalhin sa kwarto namin. Habang sya nakasunod sakin bitbit ang maliit na luggage ko. Nakapatong dito ang duffel bag nya at sa kabilang kamay naman ang mga damit na isusuot namin para sa kasal bukas.
Si Missy at ang pamilya nya kanina pa dumating dito sa hotel. Dahil na din sa matandang kasabihan pinagbawalan ang dalawa na magkita. Kaming tatlo ang magkakasama sa presidential suite na kinuha para sa bride. While si Kuya naman at ang mga boys ang magkakasama.
Masaya kaming nagbibiruan ni Borj habang papasok kami sa lobby ng hotel. I pause my track ng makilala ang lalakeng makakasalubong ko. Napahinto si Borj ng maramdaman nya ang mahigpit kong paghawak sa braso nya.
"You okay?" Narinig kong sabi nya ngunit di ako sumagot. Derecho ang tingin ko harap.
After he cheated on me hindi na ulit kami nagkita. Ilang beses syang nagpunta sa bahay para mag-explain pero never ko syang hinarap. Seeing him in front of me right now, bumalik lahat ng sakit na akala ko nakalimutan ko na.
"Roni." Mahinang tawag ni Basti sakin.
Akmang hahawakan sana ako ni Basti pero mabilis na humarang si Borj sa pagitan namin. Biglang din naglapitan ang buong barkada.
"Ang kapal ng mukha mo para magpakita sa kapatid ko Basti." Itinulak sya ni Kuya kaya napaatras sya palayo sakin.
Pumagitna sina Junjun at Tonsy sa kanila habang dumerecho naman sa gawi ko si Jelai.
"Pare ano yan?" Puna ni Borj. This time binitawan nya ang bags namin at hinawakan ako sa braso at lalong inilayo kay Basti.
"Sya lang naman yung walang hiyang lalake na nanloko noon kay Roni. Ang kapal ng mukha magpakita dito. Di ka naman invited sa kasal ko bakit ka andito?"
"Pare gusto ko lang makausap si Roni. Hindi naman ako mangggugulo." Lalapit sana sya pero hinila ako ni Borj papunta sa likuran nya.
Napansin ko ang pag-igting ng panga ni Borj at pagkuyom ng kamay nito. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya at galit. Kaya bago pa namin maagaw ang attention ng ibang tao nagsalita na ako.
"Wala na tayong kailangan pag-usapan pa. It's been a year Basti. Tapos na. The damage has been done. Okay na ko. Kaya please lang tigilan mo na ako."
"Pero Roni." Lumapit sya sakin at aabutin sana ang kamay ko pero mabilis akong umiwas.
The next thing I know malakas na naitulak sya ni Borj dahilan para matumba sya.
"Sinabi ng ayaw ka ng kausap. Wag mo na ipilit." Mariin na sinabi ni Borj.
"Let's go na guys. Baka marating pa sa mga parents natin. Basti I suggest tigilan mo na si Roni. She's okay now. Wala ka na dapat ipag-alala sa kanya. She's doing great and she's in good hands. Thanks to you. Magkaibigan tayo Basti. Pero dahil sa ginawa mo pati pagkakaibigan natin itinapon mo na din." Inakay na ni Tonsy si Kuya palayo. Ako naman mahigpit na humawak sa braso ni Borj para pakalmahin ito.
"Borj let's go. Baka kanina pa samin nag-aantay si Missy." Nagbago ang ekspresyon nya ng lumingon sakin.
"Alright." Buntong hininga nya. "Just hold on to me. Don't let go." Ngumiti ako at tumango to assure him.
Dahil bawal magkita si Kuya at Missy nagpasya kami na dito na lang kumain sa room namin. Masaya kaming kumuha ng mga litrato habang kung anu-anong pose ang maisipan namin. Just like the old days. Habang ang mga boys naman ay nagswimming.
"Bakit mo alam Roni?" Missy ask curiously.
"Nagtext si Borj. Magswimming daw silang boys." Kibit balikat kong sagot.
"Uyyyy may pag-update. Umamin ka ng sis. Ano bang meron sa inyo ni Borj?" Abot ata hanggang sa subdivision ang ngiti ni Jelai.
"Well, actually to be honest wala naman meron saming dalawa. Pero masaya ako kapag kasama ko sya. I feel secure when he's around me. Kumportable ako sa kanya."
"Eh pano kung gusto ka pala nya? Tapos magtapat sayo." Jelai.
"Oo nga. Tama si Jelai. Madalas namin makita si Borj na nakatitig sayo. Nakakahalata na nga Kuya mo dun. Sagutin mo na agad. Bagay na bagay naman kayo. And we can see how much he cares for you."
"Pero mga sis natatakot kasi ako. Pano kung masaktan na naman ako? Ayoko ng sumugal pa."
"Bestfriend slash sister in law, bilang ate mo, I can say na give yourself a chance. It's about time na maging masaya ka. You deserve it after what you've been through. Ikaw na din nagsabi na you're happy when you're with him. Go na. Support ka namin.
"Oo nga Roni. Whatever happens andito naman kami eh. Malay mo di ba? Kung magwork out eh di good. Kung hindi eh di shot puno." Nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ni Jelai. "If it's worth taking the risk why the hell not."
"We're still in the process of getting to know each other. Ayoko naman magmadali. Gusto ko muna enjoy kung ano ang meron kami. Kayo naman unang makakaalam kapag may development na."
Isang mahinang katok ang nagpahinto sa kwentuhan namin. Ako na ang nagbukas ng pinto dahil yung dalawa nagsimula ng magligpit ng mga kalat namin sa kwarto.
"Room service po para kay Ms.Roni Salcedo." Sabi ng hotel staff.
"Pero kuya wala naman po kaming inoorder na food. Kayong dalawa ba?" Tanong ko sa dalawa pero iling ang naging sagot nila.
"Kanino po galing?" Missy ask habang tinitingnan ang mga nakakatakam na pagkain na isa-isang inaalisan ng takip.
"Mr. Borj Jimenez po." Sagot nito bago nagpaalam.
"Naks naman! Princess treatment." Biro ng dalawa at inumpisahan na namin kainin dahil nagutom din talaga kami sa pinag-gagawa namin.
Kinuha ko ang cellphone ko to text Borj para magpasalamat.
Lumapit ako sa bintana dahil tanaw mula sa room namin ang pool area. Hinawi ko ang makapal na kurtina at sumilip sa labas. I saw Borj looking at our room. Kumaway ito ng makita ako. I wave back pero hindi na nito nakita dahil sinakyan na sya ni kuya sa likod dahilan para lumubog sya sa tubig.
Ronalisa Camille Salcedo is officially having a crush on Benjamin Stefano Jimenez.
YOU ARE READING
Forever with you
FanfictionSo ayun. Since Stefano Mori keeps invading my FYP and gabi-gabi na akong puyat because of him bigla ako nainspire to make a story na sila ang bida. Still use their G-Mik names since mas feeling ko yun yung pinakapasok na personality nila in real lif...