SO YUN GUYS, SORRY IF MEDYO MATAGAL ANG MGA UPDATES. NAGING BUSY LANG SA CAMPAIGN NG MGA RELATIVES NA TATAKBO THIS BARANGAY ELECTIONS AND SYEMPRE SA WORK. JUST WANT TO TAKE THIS OPPORTUNITY ALSO TO SAY THANK YOU FOR THE LOVE AND SUPPORT.
SO HERE'S A NEW CHAPTER.
ENJOOOOOOOOOOOOOOY!
Nag-alisan na sila Kuya para pumunta sa kanya-kanyang sasakyan. Well kung hindi nyo naitatanong lahat kami naging successful na sa mga field na napili namin. Si Kuya, he's into productions. Directing concerts and others. Naalala ko tuloy noon na aayaw-ayaw pa syang sumali sa school play pero it ends up na sya pa ang nagdirect.
Syempre si Missy, ang soon to be Mrs. Juanito Paulo Salcedo ay isa ng successful na fashion designer. Madalas na din syang maimbitihan sa mga sikat na fashion event sa ibang bansa.
Si Jelai naman isa na ding sikat na business woman. Bata pa lang kami mahilig na sa make up at damit si Jelai kaya ngayon may sarili na syang clothing at makeup line. At isa si Missy sa mga nag-eendorse ng products nya.
Samantalang si Tonsy at Junjun magkasosyo na nagtayo ng isang bar. Junjun graduated in bartending while Tonsy graduated in Business Management course. Kaya bagay na bagay silang magkasama sa negosyo.
At ako, itinuloy ang hilig ko. Sa food industry ako naline up. Ako ang tumutulong sa pagmamanage ng restaurant ng pamilya namin but eventually planning to open my own pastry shop.
At itong lalake kasama ko na successful businessman na din na pasipol-sipol pa habang naglalakad kasunod ko papunta sa sasakyan ko. Hindi ko maiwasan na hindi sya irapan sa tuwing nililingon ko sya.
I click my car key hudyat na bukas na ang sasakyan ko. Derederecho ako sa drivers seat pero bago ko pa mabuksan ang pinto hawak na ni Stefano ang handle nito. Inirapan ko lang sya at pumasok na sa loob.
Binuhay ang makina at binuksan ang aircon. Pagabi na din naman pero bakit ang init. Stefano step inside the car at tahimik lang na pinapanood ang bawat kilos ko. I reach for my phone na nasa back seat ng magring ito.
"Hello Kuya. Yes kasama ko. Nasa kotse na. Paalis na po. Mauna ka na nga. Eh di dapat sayo mo isinabay. Ewan ko sayo. Sige na." Pagsusungit ko.
"Roni."
"Seatbelt please." Sabat ko at pinaharurot na ang sasakyan.
"Easy Roni." He said na nagtaas pa ng dalawang kamay.
"Anong Roni? Roni is for people who are close to me. That makes Camille for you. Di naman tayo close no. Hmmp!" Bahagya ko din naman binagalan yung takbo.
"Sorry na."
"Sorry? You never message me kahit na period lang. Ni hindi mo nga ata binabasa mga text at messages ko sayo. Bigla ka na lang nawala. Nag-alala ako."
"Nag-alala ka sakin?" He sounds so amused kaya lalo akong nainis.
"Ewan ko sayo. Pwede ba wag mo muna akong kausapin." Hindi ko alam kung nang-aasar ba tong katabi ko pero ang lapad ng ngiti at litaw na litaw ang dimple kahit alam nya na inis na inis na ako sa kanya.
Dumating kami sa restaurant at derecho akong pumasok sa loob leaving him behind. Bahala sya sa buhay nya. I went straight to the office at nadatnan ko si Mommy, Daddy at Kuya sa loob.
"Anong mukha yan Ronalisa? Bakit nakasambakol yang mukha mo?" Si Mommy.
"Ang tulis pa ng nguso Dad. Lumayo-layo tayo baka biglang bumuga ng apoy yan."
"Isa ka pa! Bakit ba andito yung lalakeng yun?"
"Teka nga muna ano bang problema anak bakit ba ang sungit mo? Umurong tuloy yang buhok mo. Tingnan mo ang iksi na."
"Naku Dad alam ko na. Si Borj ang kaaway nyan. Sila ang magkasama dumating eh. Hoy Roni kakarating lang ng bestfriend ko ah. Wag mong inaaway. Buti nga umabot yun sa kasal ko."
"Kayong dalawang lalake tigilan nyo nga si Roni. Ang ganda-ganda pa naman sa gupit nya. Pero bakit nga ba galit ka kay Borj? Eh dati naman yun ang takbuhan mo kapag inaasar ka nitong kuya mo."
I look at them confused. Hindi ko talaga sya matandaan. Okay, I get it. Bestfriend nya si Kuya pero pano?
"Alam mo Roni mamaya na lang natin pag-usapan yan. Ipapaalala ko sayo sino si Borj. Meantime itabi mo muna yang nararamdaman mo. Nakakahiya naman sa family nila Missy. Makikita nila ang gwapo ng magiging son in law nila tapos may kapatid na panget. Baka biglang tumutol sa kasal ko yun."
"Mommy si Kuya oh!" Sumbong ko sabay lapit kay Mommy.
"Ang laki-laki na sumbungera pa din." Lakas talaga mang-asar. "Tapos dumating pa yung isang kakampi." Si Stefano? Kakampi ko?
"Tigilan mo na kapatid mo Yuan. Pareho lang naman kayo. Ikaw nga mag-aasawa na pero nakikitulog ka pa din sa kwarto namin ng mommy mo."
"Daddy naman." Sabay kamot sa ulo.
Naiiling at natatawa na lang kaming apat sa tinakbo ng usapan namin. Nagpunta muna ako ng wash room para ayusin ang sarili. Nagretouch na din para naman maganda ako sa paningin ni Stefano. Ako nga pala yung hindi mo nirereplyan. Pero gwapo nya pa din. Mas lalo ata syang naging gwapo.
Roni galit ka di ba? Pero ang gwapo kasi. Pero naiinis talaga ako. Pero ang bango nya. Pero nakakaasar pa din sya. Hay ewan makalabas na nga. Bahala na.
Naging masaya naman ang salo-salo. Masaya kami na tanggap ng buong pamilya ni Missy si Kuya Yuan na kahit na pag ka sinto-sinto minsan.
Dahil maaga pa, nagkayayaan ng grupo na magpunta sa bar nila. Ang Juno. Nagpasya ng umuwi ang mga magulang naming dahil bukod sa mag-aasikaso pa sila ng mga gamit na dadalhin namin sa hotel bukas eh hindi daw nila gusto ang ingay sa bar. Pinagbilinan lang kami na mag-ingat sa pagmamaneho at wag magpakalasing.
"So pano same setup kanina. Kami ni Missy sa sasakyan ko tapos si Junjun at Jelai sa sasakyan ni Tonsy tapos Roni at Borj."
Bago pa ko makatanggi, kanya-kanya na ng pasok sa mga sasakyan ang iba.
"Guess you're stuck with me again." Narinig ko sabi ni Stefano. As usual nakasunod lang sya sakin.
"Can I drive?" Sigurado ba to eh hindi naman nya alam kung san ang Juno. "Sunod lang naman ako sa kanila kaya di naman ako maliligaw."
Dahil masarap yung food kanina at mabusog ako naisip kong wag na magsungit. Baka magutom ulit ako at mapakain eh hindi na pwede dahil baka hindi na magkasya yung damit ko sa kasal nila kuya.
I sigh and give him my car keys.
He opens the car door for me habang nakahawak naman ang isa sa ibabaw ng sasakyan para di ako masaktan sakaling tumama ang ulo ko sa sasakyan. I smiled. Just like in Italy. Kinilig ako bigla. Sweet pa din sya. Napangiti tuloy ako.
Pumasok sya sasakyan pero hindi muna binuhay ang makina. Pinaglalaruan muna nya yung baboy na keychain sa susi ko. Oo nga pala sabi ni Jelai sya daw ang nagbigay sakin nun.
"Finally! It's good to see your smile again."
Naramdaman ko ang init sa pisngi ko dahil sa sinabi nya. Ikaw ba naman, malingunan mo na nakatitig sayo ang isang Stefano hindi ka kikiligin.
"Ang dami mo sinasabi. Maiiwan na tayo. Tara na." Sinungitan ko na lang ng pabiro para di mahalata na kinikilig ako.
"Okay Miss Ma'am. Fasten your seatbelt." Oh how I miss those dimple and sweet smile. Pati na din ang mga mata nya na sobrang expressive.
He starts the engine and drove away.
YOU ARE READING
Forever with you
FanfictionSo ayun. Since Stefano Mori keeps invading my FYP and gabi-gabi na akong puyat because of him bigla ako nainspire to make a story na sila ang bida. Still use their G-Mik names since mas feeling ko yun yung pinakapasok na personality nila in real lif...