Napakamot sa batok si Borj when Dad him to sit beside him sa unahan ng van. Dad volunteered na sya na maghatid sa barkada papunta sa airport para hindi na kami mahassle.
Lalo itong sumimangot dahil na din si David ang katabi ko. On the way to the airport, wala ng ibang ginawa si Borj kundi ang panoorin kami sa rear view mirror. Buti na lang dahil maaga pa tulog ang mga kasama namin.
"Borj iho ayaw mo pa ba akong katabi?" Tanong ni Dad kay Borj kaya naman gulat nya itong tiningnan. "Kanina ka pa nakasimangot simula ng sumampa ka sa sasakyan ko. Gusto mo bang bumaba?" Biro ni Daddy.
"Hindi po Tito. May epal lang po kasi."
David smirk beside me. Isinuot nito ang headphone at humilig sa balikat ko para matulog. Dahilan para mapapalatak ng malakas si Borj.
"Alam mo Borj minsan kailangan mo din humiwalay para naman mamiss mo. Magkamukha na nga kayo dahil palagi kayong magkasama."
"So meaning Tito kamukha na din kita kasi palagi mo sinasabi na ikaw ang kamukha ni Roni."
Napapreno bigla si Daddy kaya naman nagising ang mga natutulog at isa-isa ng nagreklamo.
"Magsibaba na nga kayo. Lalo ka na. Bka bangungutin ako sa mukha mo Borj."
"Tito naman." Kamot ulo nito.
"Andito na tayo kaya bumaba na kayo. Baka mahuli pa kayo sa flight nyo." Sabay tapik sa balikat ni Borj. "Yung anak ko ingatan mo."
Isa-isa na kaming bumaba ng sasakyan at nagpaalam kay Daddy.
"Isama nyo na lang kaya tong kapatid mo Borj. Baka di kami makauwi at sa ospital ang derecho naming dahil dudugo ilong ko dito. Imported magsalita."
"Nakakaintindi naman po ng tagalog yan si David Tito. Hirap lang po magsalita. Pero di po yan pwedeng sumama dahil meron po akong pinapaasikaso sa kanya."
Pagdating sa eroplano kaming mga babae naman ang pagkakatabi kaya naman sambakol pa din ang mukha ng isa.
"Ano ba Borj? Parang di ka masaya na kasama kami ah. Tsaka ayaw mo ba akong katabi." Puna ni Kuya Yuan.
"Hindi naman pare. Makatulog na nga lang. Isinuot nito ang hoodie at pumikit.
"Anong problema nun?" Takang tanong naman sakin ni Missy.
"Ewan ko." Pinili ko na lang din matulog kesa ulanin ako ng tanong ng dalawang to.
Tanghali na ng makarating kami ng Palawan. Pagdating naman namin sa villa na nirentahan nakahanda na ang pagkain.
Excited muna kaming lumibot dahil napakaganda ng view dito. Bukod sa nasa beach front ang villa napakalinaw pa ng tubig ng dagat.
Pabalik na ako sa villa ng makasalubong namin si Borj.
"Jelai kausapin ko lang si Roni saglit."
Tumango lang ito pero tumingin ng makahulugan sakin bago naglakad palayo.
"Baby miss na miss na kita. Kanina pa kita di makahawakan." Inabot nito ang kamay ko at naglakad kami sa lilim ng puno na malapit sa shore.
"OA mo ah. Borj kinakabahn ako. Baka magalit si Kuya."
"Baby andito naman ako. Di ako papayag na magalit ang kuya mo sayo. Tsaka sure ako di naman magagalit yun. Mabibigla kasi ibinilin nya sakin na dapat sya ang unang makaalam. Kaya lang gusto mo naman ngayon natin sabihin sa kanila. Kaya tara na. Nakaready na ang lunch para makapagpahinga na din tayo." He kisses my forehead bago kami nagpasyang bumalik sa villa.
"Oh andito na pala yung dalawa. San ba kayo galing? May sasabihin kami ni Missy. Maupo na kayo."
Tumayo ang mag-asawa at may inilabas na something galing sa bulsa nya si Missy.
YOU ARE READING
Forever with you
FanfictionSo ayun. Since Stefano Mori keeps invading my FYP and gabi-gabi na akong puyat because of him bigla ako nainspire to make a story na sila ang bida. Still use their G-Mik names since mas feeling ko yun yung pinakapasok na personality nila in real lif...