Chapter 11

741 30 6
                                    

         Habang nasa sasakyan ako ni Stefano hindi ko maiwasan tanungin ang sarili ko kung ano ang nararamdaman ko para sa binata. Sigurado ako na masaya ako kapag kasama sya. Kinikilig ako sa mga simpleng hirit nya. Natatouch ako sa pagiging caring at protective nya sakin. Masaya ako at the same time natatakot. Natatakot akong sumugal ulit. Pano kung saktan lang din nya ko katulad ng ginawa sakin ni Basty noon? I don't want to experience that kind of pain again. Baka hindi ko na kayanin.

         "Hayyyyyy." Buntong hininga ko.

          "Lalim nun ah. Baka nalunod na kung sino man iniisip mo."

         Napakurap ako at napagtantong nakaupo pala ako paharap sa kanya at kanina pa sya tinititigan. Kaya pala kanina pa to nangiti.

          "Wala. Iniisip ko lang na medyo na nasanay na ako sa palagi kang kasama. Baka hanapin ko pag-uwi ko bukas."

          "So mamimiss mo ko? Pati yung kakulitan ko?"

          "Yung kulit hindi. Simula nung pinanganak ata ako kinukulit na ko ng magaling kong kapatid. Kaya sanay na sanay na ko."

            "Eh ako? Mamimiss mo ko for sure." He stop the car all of a sudden. Andito na ata kami.

             "Ano? Ikaw? Ang kapal mo talaga." Sabi kung nakairap para makaiwas.

           Instead of answering me, he put his right hand on the head rest of my seat. I just watch him as he carefully maneuver the car backward para makapagpark ng maayos. Damn! Why is this gesture so manly and sweet? I never been this kilig habang pinapanood ang isang tao na nag-aatras ng sasakyan at nagpapark.

         Nagulat ako ng biglang magclick ang seatbet ko at sumagi ang ilong ko sa ilong ni Stefano paglingon ko. Sa pagkabigla ko naitulak ko sya kaya tumama ang ulo nya sa bubong ng sasakyan.

         "Sorry. Nagulat kasi ako." Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at inayos ang damit ko. Napabuga ako ng hangin. That was close! Mahahalikan ko na naman sya.

           Naiiling ako sa sarili ko habang sinusundan syang naglalakad at tumatawa.

          "Anong nakakatawa ah?" Habol ko.

         "Wala. Halika na nga." He gently pulled my hand para sabay na kami sa paglakad.

         This guy never fails to surprise me. Lahat ng mga lugar na pinagdalhan nya sakin mamangha ka sa sobrang ganda. Isang mesang may magandang setup ang sumalubong samin.  

          "Ang ganda!" Can't help myself but say it outloud.

          "Ang ganda!" Can't help myself but say it outloud

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                 We here at Venice again. Isa ito sa mga naging paborito kung lugar sa Italy. Bukod sa maganda ang view masarap din ang mga pagkain.  

          Hinila nya ang upuan ko at inalalayan akong maging kumportable bago sya nagtungo sa harap ko.

           "Ang ganda dito. Sana next time makasama ko sila Mommy dito. For sure magugustuhan nila dito."

         "I'm glad you like it. Let's eat. Here try this. Masarap yan."  Inilapag nya ang pasta sa harap ko. Mahiwa na nya din into bite size ang manok na kasama nito.

          "Thank you. Kumain ka na din. Di ka mabubusog kung panonoorin mo lang akong kumain."

         "Kung alam mo lang." 

         "Alam ang ano?" 

         He just shakes his head at nagsimula na rin kumain.

         We had wine during dinner. Kaya naging mas masarap at malasa ang pagkain namin. The wine, pasta and meat compliment each other. Perfect combination kumbaga. Parang kami. Char!

         After dinner niyaya ko sya maglalakad-lakad sa park habang kumakain ng ice cream. Ninanamnam ko ang huling gabi ko sa Italy. Lumingon ako at nakita si Stefano na sumusunod sakin. Both hand in his pockets. He looks sinfully gorgeous habang natatamaan ng ilaw mula sa mga poste. Grabe naman tong lalakeng to. Ang simple lang naman ng suot at hindi na need mageffort. Naglalakad lang pero ang nag-uumapaw ang charisma.

         "Stef come on. Ang bagal naman nito maglakad." Lumapit ako sa kanya dahil umaambon na. Hawak ko ang braso nya habang marahang hinihila para sumilong. 

         Pero ang loko yumapos pa sa poste ng ilaw kaya hindi ko mahila. Nagsisimula ng bumuhos ang ulan at nababasa na din kami. 

        "Bahala ka dyan." I walk a few steps away but stop my tracks. "Magkakasakit tayo nito. Tara na." Pamimilit ko. Pero mukhang nag-eenjoy pa din sya sa ulan habang ako nakasimangot na.

         I bent  down to remove my sandals dahil dumudulas na ang paa ko. Nakakaramdam na ko ng lamig pero napawi yun ng maramdaman ko ang kamay nya sa braso ko.

        He guided me towards one of the benches sa park. Sa tabi ng lamp post. Pinaupo nya ako sa upuang bato habang nakaluhod sya sa harap na inaalis ang strap ng sandals ko.

          "Tara!" Aya nya.

         Tingnan mo tong taong to. Kung kelan basang basa na kami sa ulan saka nagyaya. Nagulat ako ng biglang umangat ang mga paa ko sa lupa.

           Napapikit ako at napayakap sa batok nya ng magsimula syang umikot habang buhat ako.

        Nagtititli ako sa kaba na baka matumba kaming dalawa. Pero nawala ang kaba ko at onti-onti akong nagmulat ng mata ng marinig ang sunud-sunod na tawa nya.

         We smiled at each other. Nagkatinginan kami at nakita ko ang marahan nyang pagtango. At dahil dun bumitaw ako sa batok sya at itinaas ang mga kamay para iwelcome ang ulan. Napayakap ako bigla ng kumulog at kumidlat.

          "It's okay. I'm right here."

         I feel his arms gently rubbing my waist dahilan para kumalma ako. He slowly put me down but never letting go of my waist. He pulled my hands and put it around his nape as he snakes his hands on my waist.

         "Come on dance with me." He smile showing me his cute dimples. So pano ko tatangi?

        Naging musika namin ang mga patak ng ulan pati na rin ang kulog at kidlat. At nakakapagtakang isipin na kalmado pa rin ako. Na wala ang takot ko.

         Napangiti ako at lumapit sa kanya. Ipinatong ko ang mukha ko sa balikat nya habang patuloy pa rin kami sa pagsayaw ng marahan.

         This is definitely a night to remember. Isa to sa mga alaalang babaunin ko pagbalik ko ng Pilipinas.

         Sabi nga nila, find someone who won't leave you under the rain, instead find someone who will dance with you in the rain and walk beside you in the storm.


SPREAD LOVE GUUUUUYS!

         



Forever with youWhere stories live. Discover now