Chapter 9

749 37 6
                                    

         Naging tahimik ako sa sasakyan habang papunta kami sa restaurant na sinasabi nya. I don't know pero parang bigla akong nawala sa mood. 

         "Are you okay? Bakit ang tahimik mo?"

         "Wala. Napagod lang siguro ako sa ginawa natin kanina."

       "Naku baka gutom lang yan. Don't worry, yung pupuntahan natin isa sa mga kilalang restaurant dito sa Italy. Siguradong mawawala pagod mo kapag natikman mo food nila."

         "Uhm Stef. Ano kasi? Baka magalit yung girl na tumawag sayo kapag nalaman na may kasama kang ibang babae. Ibaba mo na kaya ako dito? Okay lang naman."

         "What? Bakit ko naman gagawin yun? Tsaka sinong babae? Si Trisha?"

         Nilingon ko sya at pinanood ang reaksyon sya. He seems so amuse sa nasabi ko. Saglit nya akong nilingon at itinoon na ang atensyon sa harap. 

         "Selos ka?"

         "Akoooo? Magseselos? Bakit naman? Ang kapal mo ah." High pitch kong sagot.

         Tumawa lang ang loko habang ako ito ready na magtransform para maging dragon. Humarap pa ako and cross my arms waiting for his answer.

           "Trisha is my cousin. Okay? Kaya you don't need to get jealous of her. Papakilala kita sa kanya mamaya. Sya may-ari nung restaurant na pupuntahan natin." Sagot nya habang maya't maya akong nililingon

           My mouth formed a perfect O. Nakakahiya! Eh bakit ba? I just don't want to ruin someone's relationship no. Dahil alam na alam kung ano pakiramdam. I experienced it first hand.

        "Selos ka pa din?" He teased me. Mukhang nagiging hobby na nya ata asarin ako.

         "Hindi no. Ang kapal mo talaga. Ayoko lang syempre na maging dahilan ng pag-aaway nyo. Coz I know how it feels."

          Biglang naging seryoso ang reaksyon ng face nya. He looks at me as if he's looking into my soul. I feel like he wants to say something pero tinitimbang pa nya kung magtatanong or what.

          "I don't want to be nosy. Pero anong nangyari?"

          "Naku mahabang kwento. Maybe some other time." I smiled but the pain and sadness is very evident to my face.

          Humugot sya ng malalim na hininga and naramdaman kong biglang bumilis ang takbo ng sasakyan. Padilim na at medyo maraming sasakyan kaming nakakasabay.

         "Stef." Marahan kong tawag sa kanya. Hindi nya ata ako narinig. I reach for his hand na nakapatong sa manibela. He's tensed.

          Nilingon nya ako at tiningnan ang kamay kong nakapatong sa kamay nya. Naintindihan nya ata ang nais kong sabihin at bahagya kaming bumagal. I felt him hold my hand and slightly squeeze it. I smiled.

         Hindi na nya binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa restaurant. He immediately went out of the car to open the door for me. Hinawakan nya ulit ang kamay ko habang papasok kami sa loob. HHWW? Kilig yern?

         The staff guide us in a private place sa gilid ng terrace. As if they were expecting us. I roam my eyes on the place. This place looks cozy. Perfect for dating couple. It has the over looking view of the Venice Canal. Napakaromantic.

         I can't help myself but to admire the view. Napapikit ako sa mabihining hangin na umiihip sa mukha ko. Naramdaman ko someone tuck my hair behind my ears. Lumingon ako at natagpuan si Stefano na matamang nakatitig sakin. His stare can make your world stop. Sobrang expressive ng mga mata nya. Mahabang mga pilik. Kilay na mas maayos pa ata sa kilay ko. Matangos na ilong at mapupulang labi. This person infront of me is so beautiful. Hindi ata akong magsasawang titigan mukha nya.

           Isang tikhim ang nagpabitaw sa tinginan namin. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan nito. Tumambad sakin ang isang maganda at meztisang babae.

         "Trisha." Sinalubong sya ni Stefano at hinalikan sa pisngi. He reach for my hand at marahan nya akong hinila palapit sa kanila. "This is Camille. Camille this is Trisha Apple. Pinsan ko. Sya may-ari nitong place." Nagulat ako ng bigla syang lumapit at niyakap ako. Nakipagbeso din ako sa kanya.

         "Hi. Nice meeting you. Nice place." Nahihiya kong sabi. Mas maganda sya sa malapitan. Ang ganda naman ng lahi ng lalakeng to. Parang gusto ko malahian. Char!

        "Tama si Borj. Ang ganda mo." 

          "Borj?" Kunot noo kong tanong. Ngayon ko lang napagtanto na parang marinig ko na dati yung pangalan na yun.

          "Benjamin Stefano Jimenez. Borj sya sa mga taong close nya. And he hates calling him Stefano. Pero sayo pumapayag." Makahulugan nyang sabi.

         "Alam mo Apple." He emphasis her name. "Ang dami mong sinasabi. Nagugutom na kami. Iserve mo na lang kaya pagkain namin." Pagtataboy nya.

          "Oo na! Magsusungit ka na naman. Kaya wala kang maging girlfriend eh. Daig mo pa babaeng namemenopause. Umupo na kayo. Nakaready na din naman pagkain nyo. Ipapalabas ko na lang." She smiled. Uso ata asaran sa pamilya nila. Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan yung keychain. "Teka kilala ko to ah." 

            "Trisha!" Tawag ni Stefano. "Gutom na ko. Anong klaseng service to? Ang bagal. Pinaghihintay mga customer." Sabat ni Stefano bago pa ko makapagsalita. 

         Natatawang umalis si Trisha para kunin ang pagkain namin. Gusto ko sanang itanong kung bakit nya nasabi yun sa keychain ko pero nawala sa isip ko ng biglang may sumabog na makukulay na ilaw sa kalangitan.

         "Ang ganda!" Para akong bata na sobrang tuwa at excited na pinapanood ang fireworks.

           "Ang ganda Borj. Baka matunaw!" I heard Trisha said. Habang natatawang nakatingin kay Stefano. 

           Isa-isang inilapag ang pagkain namin. Amoy pa lang nakakagutom na. 

         "Enjoy your food. Nasa office lang ako if you need anything. And Camille it was nice meeting you." She smiled sweetly to me bago naglakad palayo.

         Stefano put pasta on my place. Grabe naman magsilbi tong taong tao. Baka masanay ako. Baka hanap-hanapin ko pagbalik ko ng Pilipinas. Napakasweet, gentle and caring. 

        "Bakit wala kang girlfriend?" I randomly ask. Pati ako nagulat sa naging tanong ko. 

         "Busy kasi ako sa trabaho kaya siguro walang time. Tsaka may hinihintay ako." He answered while looking at me intently. "Nangako ako sa kanya na babalikan ko sya. At may usapan na din kami ng kapatid nun na paglaki ko papakasalan ko kapatid nya."

         Swerte naman nung girl. Sana ako na lang yun. Hindi na ko ulit nagtanong pa dahil ayoko masira ang gabi namin. Masaya ako na kasama ko sya. Yung klase ng happiness na never ko naramdaman kay Basty noon. Nagugulat din ako sa mga nararamdaman ko. Yung feelings na sobrang familiar pero bago sakin. Ang hirap explain. Pero pakiramdam ko matagal na tong nasa puso ko. Hindi ko lang mapin point.


ENJOOOOOOOOOOY! <3

        

         


Forever with youWhere stories live. Discover now