Nakapasok na ko ng function hall pero for some reasons ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko maintindihan pero parang somewhere in the room is watching me or naiilang lang ako sa slit ng gown na suot ko. Weird pero kinakabahan ako. Muntik na nga ako matisod pagbaba ng hagdan sa sobrang kaba ko.
"Watch out!"
Nag-angat ako ng ulo at nakita ang isang Benjamin Jimenez sa harap ko habang naghihintay abutin ang kamay nya para maalalayan ako. Hindi ko alam pero feeling ko nagblush ako. Naramdaman kong nag-init tenga ko. Hoy Ronalisa Camille Salcedo teenager? Kumalma ka or else madadapa ka talaga.
"Hey!" He snapped his fingers infront of my face kaya natauhan ako. "Are you okay?" He ask.
I extend my arms para maabot ko yung kamay nya so I can have support pagbaba ng hagdan. I felt a little strange when I touch his hands.
"Sorry! Nagulat lang ako andami kasing tao. Tsaka." Nabitin yung sasabihin ko dahil sa hiya. I glanced on my side and nagets naman nya kung bakit.
He smiled while shaking his head. Pinagtatawanan mo ba ako Benjamin Jimenez?
"It's okay. Bagay naman sayo yung gown. Siguro hindi ka lang sanay." Gumalaw ang mata nya papunta sa slit ng damit ko. Tatarayan ko sana ng bigla sya ulit nagsalita. "Nice keychain." Buti na lang napigilan ko yung dragon eh di sana napahiya pa ko.
"Thanks. Lucky charm ko yan." Sagot ko habang inangat yung hand bag na hawak ko so he can clearly see the key chain. "Cute no?"Tumango ito pero hindi inaalis ang mga mata sa aking munting baboy. Napailing na lang ako at dahan-dahang bumaba ng hagdan.
Naramdaman nya ang paggalaw ko kaya muli syang nag-angat ng tingin sakin.
"Benjamin Stefano Jimenez nga pala." He let go of my hand pero agad din nyang inangat braso nya para kamayan ako.
"Ronalisa Camille Salcedo" I reach for his hand para makipagkamay. "You can call me Camille."
"Nice meeting you Camille. Stefano na lang." We shake hands pero napansin kong parang may binubulong sya.
"May sinasabi ka?"
"Ah wala. Tatanong ko lang sana san table ka nakaassign. Hatid na kita." I showed him my invitation. "Same table pala tayo. Let's go."
Naglakad kami patungo sa assigned table namin. Feeling ko lahat ng tao nakatingin samin because kasama ko lang naman ang pinakabata at pinakasuccessful na restaurant owner sa Italy. Honestly naiilang ako. Lalo na karamihan sa nakatingin samin mga babae. Baka bigla na lang may humila ng buhok ko dito. Buti na lang umalis sya after nya ko paupuin.
I watch him as he greet people one after another. At nakikita ko din kung pano sya bumeso sa mga babaeng pinakikilala sa kanya. Pwede naman shake hands katulad nung samin kanina pero bakit kailangan bumeso? I rolled my eyes.
"Oh bakit nakasimangot ka? Sino kaaway mo?" Di ko namalayan nakabalik na pala sya sa table bitbit ang dalawang pinggan ng pagkain. Nakakahiya!!! "Here I got us food." Inilagay nya sa harap ko ang pagkain. Nagtataka ko syang nilingon. "Di ko kasi alam ano gusto mo so I got you pasta na lang."
"No. It's not that. Nagulat lang ako kasi dinalhan mo pa ko ng food. I can get it myself naman. Besides mukhang sobrang busy mo dahil maraming bumabati sayo." I smiled. Sweet huh in fairness kaso mukhang playboy.
"In this kind of industry nakakahiya naman kasi na di batiin. Kain ka na. Ako nagluto ng pasta na yan. Galing sa restaurant ko."
I twirl my fork ang start eating.
"Ang sarap!" Nakita kong napangiti sya sa sinabi ko. His face lits up na para bang hinihintay nya talaga yung magiging comment ko sa food nya.
I was about to give him his wallet ng may isang magandang babae ang lumapit sa kanya.
YOU ARE READING
Forever with you
FanfictionSo ayun. Since Stefano Mori keeps invading my FYP and gabi-gabi na akong puyat because of him bigla ako nainspire to make a story na sila ang bida. Still use their G-Mik names since mas feeling ko yun yung pinakapasok na personality nila in real lif...