Chapter 26

805 37 22
                                    

                          Sa loob ng isang linggo si Borj ang naging kasama ko. Sya din ang naging katulong ko sa pagcheck ng location at pakikipagmeet sa architect at engineer na gagawa ng bakeshop ko. Sya din ang kasama kong magtingin ng mga gamit na gagamitin ko para dito. 

                         Naging madali sakin ang naging preparation ko sa pagtatayo ng pangarap kong pastry shop. Dahil na din siguro isang magaling businessman si Borj alam na nito ang mga kailangan gawin. Kaya sobrang thankful ako sa kanya.

                          At ngayon ay ang araw ng pag-alis nila ni Trisha. Ayaw ko sanang sumama dahil ayoko syang makitang umalis pero hindi ko naman matiis. Alam nyo naman ang charm ng isang Benjamin Stefano Jimenez. Ang hirap iresist.

                          Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Nakabalik na din sila kuya ilang linggo after umalis ni Borj. Ako ito ngayon naglilinis ng katatapos lang na bakeshop. Isa-isa na kasing naideliver ang mga gamit para dito. Kailangan ko na iorganize para malaman ko kung meron pang kulang. Nagwawalis ako ng biglang tumunog ang windchime sa pinto.

                          "Delivery po for Ronalisa Salcedo." Sigaw ng lalake habang papasok ito ng shop ko.

                          "Ikaw na naman!" Natatawang protesta ko. "Kuya kahit ata nakapikit ka kabisado mo na ang papunta dito samin" Sabi ko habang tinatanggap ang isang bouquet na sobrang ganda.

                          Simula ng manligaw sakin si Borj, he never fails to surprise me. At dahil kailangan nyang bumalik sa Italy para asikasuhin ang sariling negosyo, hindi naman nya nakalimutan ang panunuyo sakin. Kahit alam kong pagod ito sa trabaho hindi nito nakakalimutang tawagan at kamustahin ako. Gumigising sya ng madaling araw para tawagan ko sa umaga. Sya ang nagsilbing alarm clock.

                           I dialed his number at agad naman itong sumagot. Dahil limang oras ang advance ko sa kanya kaya umaga pa lang doon. Half close pa ang mata nito na bumungad sa video call. Half naked din dahil wala itong suot na pang-itaas.

                           "Borj ano ba? Tama na. May balak ka bang gawing flower shop ang bakeshop ko? Hindi na ko makalakad sa dami ng bulaklak. Hindi ko na din alam kung san ko ilalagay ng hindi masisira." Natatawang reklamo ko dito at ipinakita ng buong shop sa kanya.

                           Araw-araw itong nagpapadala ng bulaklak sakin. Minsan tatlong beses pa sa isang araw kaya punung-puno na ng bulaklak ang bakeshop ko.

                          "Para palagi mo kong naalala Roni kapag nakikita mo ang mga bulaklak na yan." Nakangiti na naman sya na nagpapakita ng dimple nya.

                          "You don't have too Borj. This is too much. Ang mamahal pa nitong mga bulaklak na to."

                         "But I want too baby. Besides you deserve it. Kahit bumili pa ako ng sariling flowershop para araw-araw kang may supply ng bulaklak. By the way naglunch ka na ba? Tanghali na ah. Baka nagpapalipas ka na naman ng gutom."

                         Bago pa ako sumagot isang delivery guy na naman ang pumasok sa loob.

                        "Ms. Roni." Nakangiti nitong bati. "Sorry po napag-utusan lang." Kamot nito ng ulo ng ilapag ang dala.

                        Ngitian ko ito habang umiiling. Tiningnan kong muli ang kausap ko sa kabilang linya. Ang ganda ng ngiti nito.

                        "Sige na kainin mo na yan habang mainit pa. Magprepare na din ako papasok sa work. Message na lang kita. Okay? Enjoy your food."

                        "Ikaw talaga. Salamat. Ingat ka."

                        "Para sayo." Nagflying kiss muna ito bago ibinaba ang tawag.

                       Dahil na din mukhang di ko maawat si Borj sa pagpapadala ng mga bulaklak naisipan ko na lang gamitin itong decoration sa bakeshop. Bumili ako ng mga frame kung saan ko idinidiplay ang bulaklak. Pinatutuyo ko muna ito bago ko ilagay sa frame at maingat kong isinasabit sa isang bahagi ng bakeshop.

 Pinatutuyo ko muna ito bago ko ilagay sa frame at maingat kong isinasabit sa isang bahagi ng bakeshop

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                    I made sure na secure ito na upang hindi mahulog at mabasag. Napangiti ako sa naging resulta nito. Ibinaba ko ulit ang puting tela para matakpan ang mga frames. Maalikabukan kasi ito dahil merong pang kailangan tapusin sa shop. Ayoko din na ipakita muna ito kahit kanino.

                   Cam bake with me cafe. Yan ang naisip kong ipangalan sa bakeshop ko. Salamin ang inilagay namin sa bahagi ng kitchen area. Dito makikita ng mag customer kung pano namin ginagawa ang mga ititinda sa cafe. 

                   After ko sa cafe dumerecho ako sa bahay nila kuya dahil pagpaplanuhan namin ang gagawin nila para sa first wedding anniversary nila ni Missy. Yes po. Opo. Mag-iisang taon na din kasal ang dalawa. Ang bilis ng panahon.

                 "Oh andito na pala si Roni. Hi sissy."  Bati ni Jelai.

                Andito na ang lahat maliban kay Tonsy na lumipad galing Italy dahil susunduin si Trisha. Sana all di ba? 

                 "Yuan and I decided to celebrate our wedding anniversary sa Palawan. Okay ba sa inyo? One week lang naman dahil hindi naman tayo pareparehong pwedeng mawala ng matagal dahil sa trabaho natin. Si Roni mag-oopen na din ng business nya." Tanong ni Missy.

                 "Kelan daw ba dating ni Borj Roni?" Tanong ni Kuya.

                 "Baka kasabay na nila Tonsy. Wala naman syang nababanggit sakin. Ayoko naman magtanong dahil busy din yung tao. Pero kasama nyang uuwi ang Mommy at kapatid nya dahil dito nila balak magspend ng Christmas at New Year sa Pilipinas."

                  "At least sure tayo na uuwi si Borj. Tsaka imposibleng hindi. Andito yung nililigawan nya." Asar ni Jelai. Kahit kelan talaga.

                   "So pano ayusin nyo na mga schedule nyo para makaalis tayong lahat. Napareserve na din namin ni Missy yung pagstayan natin at nabili ko na din ang mga ticket natin."

                    Isa-isa kaming nagpaalam para umuwi. All of a sudden bigla kong namiss si Borj. Yes araw-araw ko syang nakikita at nakakausap pero iba pa rin yung nakakasama mo talaga sya. Three days na din kaming di nakakapag-usap dahil nagpaalam ito na may meeting sa Malaysia.

                   "Kelan ko kaya sya makikita? Namimiss ko na sya."

                    Maingat kong ipinark ang kotse ko sa garahe at walang gana na pumasok sa loob ng bahay. 

                    Nagulat ako ng makitang nakaupo sa sofa namin yung taong kanina ko pa naiisip habang masayang makikipagkwentuhan sa mga magulang ko.

                   "Borj."

                        

Forever with youWhere stories live. Discover now