After the wedding dumerecho na kami pabalik ng hotel para sa reception. Pinareserve namin ang exclusive garden venue para sa araw na ito.
The newlyweds went to a small room para magretouch and sumubo na din kahit kaunti dahil for sure di na sila makakain dahil magiging busy din sila sa program at mga bisita.
Kaming mga abay naman pinapila ulit sa labas dahil kailangan naming sumayaw pagpasok namin sa reception.
Umalingawngaw ang masayang tugtog at isa isa kaming pumasok habang sumsayaw. Kuya Yuan loves to dance kaya yun ang naging request nya sa amin. Dahil nakalive feed ang event napapanood nila ito sa loob ng maliit na silid.
Malapit na kami ng mapansin ni Borj na kanina ko pa inaalalayan ang pagtayo ko. Dahil sa mataas na heels na suot ko feeling ko malapit na magkapaltos ang paa ko.
"Gusto mong magpalit ka muna ng sapatos?"
"Hindi na Borj. Huhubarin ko na lang to para makapahinga ang paa ko. Mahaba naman ang gown ko kaya hindi naman mahahalata."
Lumuhod sya at inalis ang pagkakastrap ng sandals ko. Akala ko iaabot nya sakin pero hawak nya lang ito. Biglang tinawag ang pangalan namin kaya pumasok na kaming dalawa. Tawa ng tawa ang mga bisita nila kuya dahil humahataw sya sa pagsayaw habang bitbit ang heels ko.Pero ako naman kinikilig. Ang cute nya tingnan. He's sobrang gwapo and eleganteng tingnan pero may bitbit na heels.
"Akin na nga yan. Nakakahiya ikaw pa nagbitbit." Natatawa kong sabi.
"Ano ka ba? It's okay. I don't mind. Are you sure okay lang yang paa mo?"
Maghahagis na ng bouquet ang bride kaya tinawag ang lahat ng dalagang bisita. Tumayo ako ng nakayapak. At nakihalo sa crowd. Confident naman ako na hindi ako ang makakasalo at wala naman akong balak makipag-agawan. I just don't want to spoil the night dahil masaya ang lahat. Ayoko naman maging KJ.
"One. Two. Three!" Inihagis ni Missy ang bulaklak at saktong naglanding ito sa akin.
"Iaabot ko na lang sana sayo to kaso wala ikaw na mismo ang pinili ng flowers ko." Bulong ni Missy sakin pinatabi ako sa kanya ng Emcee.
Turn naman mga boys. Isa-isa silang nagkumpulan sa gitna habang inaantay si Kuya na matanggal ang garter na nakasuot kay Missy.
I saw Borj na panay ang lingon sa gitna habang may kausap sa cellphone. Nagsimula na magbilang ang mga tao pero nasa wala pa din si Borj sa mga kasali. Yumuko ako at pinagkidit na lamang ang mga paa sa ilalim ng gown ko. Mukhang hindi sya ang makakakuha ng garter.
Kasabay ng pagsigaw ng bilang na tatlo, tumingala ako at nagulat na lang na biglang lumabas out of nowhere si Borj. Nakataas ang kaliwang kamay habang hawak ang garter na hinagis ni Kuya. Sa mga oras na to nagwawala na ang puso ko. He was still on the phone but he manages to get the garter from everyone.
He looks at me while he's hanging up his phone. Nung lumakad sya palapit samin itinulaktulak pa sya nila Junjun. I found Jelai and Trisha giggling when I look into their direction. Ganun din ang reaction ni Missy ng lingunin ko. Habang ang mga parents ko ay masayang pumapalakpak sa pwesto nila.
"Alright." Sigaw ng Emcee. "Now that we have the winners may we request the two of you to join the newlyweds on the stage."
YOU ARE READING
Forever with you
FanfictionSo ayun. Since Stefano Mori keeps invading my FYP and gabi-gabi na akong puyat because of him bigla ako nainspire to make a story na sila ang bida. Still use their G-Mik names since mas feeling ko yun yung pinakapasok na personality nila in real lif...