Malakas na tunog at vibration ng cellphone ang nagpagising sakin. Pikit pa ang mga mata ng abutin ko ito upang sagutin.
"Hey yo stronzo." Napadilat ako ng marinig ang boses sa kabilang linya.
"Hello. Who's this?"
"Huh? I'm calling my brother. Who are you?"
"This is my number. Who's brother?"
"Benjamin Stefano Jimenez."
"David?"
"Camille?"
"Yes. Why do you have my brothers phone?" Nagtataka nyang tanong.
Inilayo ko ang phone sa tenga ko para tingnan ito. Same brand. Same model at same color.
"Hold on a bit David. Can you call back in a sec. I'll check on something."
After he hung up, dali-dali kong chineck ang lockscreen ng telephono na hawak ko. Shoot! Hindi akin to. Pero teka bakit picture ko ang nakalagay dito? The phone rings again.
"Nagkapalit kami ng kuya mo ng telepono."
"I see. Can I get your number instead? Para dun ko na lang sya tawagan." I dictate him my number. "Ang sorry for the word. Akala ko kasi si Kuya." Nagkamustahan lang kami saglit bago sya nagpaalam.
After he hung up dun palang rumehistro sa utak ko ang nangyayari.
HOMAYGAWD! Lockscreen ko ay ang stolen picture ni Borj nung gabing naligo kami sa ulan sa Italy. Sheeeeeeet! Anong ginawa mo Ronalisa Camille? Siguradong makikita nya yun. Wala din password ang phone ko.
I dialed my number pero busy na ito. Maybe magkausap na ang magkapatid. It's already 4 in the afternoon. Bumangon na ako at naligo dahil napag-usapan namin na pupunta kila kuya.
Saktong pababa na ko ng dumating si Jelai.
"Sis buti dumating ka. May problema ako." Hinatak ko sya sa may kusina.
"Ano yun? Kumalma ka nga."
"Pano kakalma? Tingnan mo?" Pinailaw ko ang phone ni Borj para ipakita ang lockscreen nito.
"Oh anong problema sa telepono mo?"
"Jelai hindi akin to. Nagkapalit kami ng phone ni Borj."
"Anoooo? Eh di nakita nya."
"Malamang. Nakakahiya. Anong gagawin ko?" Instead sumagot, tumawa ito ng malakas. "Hindi nakakatulong."
YOU ARE READING
Forever with you
FanfictionSo ayun. Since Stefano Mori keeps invading my FYP and gabi-gabi na akong puyat because of him bigla ako nainspire to make a story na sila ang bida. Still use their G-Mik names since mas feeling ko yun yung pinakapasok na personality nila in real lif...