Chapter 15

722 38 4
                                    

                Tumayo na ang boys at nagpunta sa stage. Kaming apat na babae na naiwan ay naghihintay na mapanood at mapangkinggan sila.

                Tonsy went up to the stage with them para ipakilala sila. The band with no name. Yet. Pero dahil sa galing nila, for sure hindi malayo na may makadiscover sa kanila. Junjun and Kuya started it for fun. One time accidentally, out of curiosity sa banda na tumutugtog sa restaurant pinakialaman nilang dalawa yung mga instrument. Dun sila nagsimulang nahilig sa pagtugtog.

                Everybody is dancing along with their song. Infairness ang galing nila. And everyone is having fun.

                "So guys I hope you enjoy their prod. Sorry but I have to say na this is they're last song for the night. Medyo mahal talent fee ng mga to lalo na tong import namin from Italy." Tukoy nya kay Stefano.

                "This song is dedicated to a very special girl. I hope you like it." Nakabibinging sigawan from the crowd ang umalingawngaw. Lahat ata ng babae dun kinilig dahil sa sinabi nya. At kasama na ako dun. Pero sino kaya ang tinutukoy nya.

                Stefano position himself again and start singing Forever by Damage. Wow! Never thought ganito pala kaganda ang boses nya. My eyes are glued to him. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya.

                I felt someone is poking me pero wala akong makialam. Masyadong mesmerizing ang boses ni Stefano kaya hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. Even the crowd is very loud tanging ang boses lang nya ang naririnig ko.

                Hindi ko na Malayan na nakabalik na pala sa pwesto namin at nasa harapan ko na sya kung hindi pa ako itinulak ni Missy at Jelai. Nasubsob na ako sa dibdib ni Stefano. Ene be? Pereng tenge nemen teng delewe. Joke lang guys.

                "Ano ba?" Lingon ko sa dalawa.

                "Asus kunyari pa. Bitaw na Roni." Sigaw ni Missy at hinatak na si Kuya na papalapit sana samin.

                Anong bitaw na?

                "Ehem!" Narinig kong tikim malapit sa tenga ko. Napapitlag ako ng marealized na nakayakap pa pala ako kay Stefano at nasa dibdib nya ang mukha ko. Nakakahiya!

                "Sorry!" Bigla ako bumitaw at maglalakad sana palayo pero naramdaman ko may humawak sa bewang ko.

                "Let's go. Careful." Sabi ni Stefano ng hindi ako nililingon. At buti na lang hinawakan nya ko dahil sumalubong samin ang nagsasayawang crowd.

                "Hoy Borj masyado ka atang malapit sa utol ko. Di naman lampa yan kung makaalalay ka. Sabagay matanda na kasi."

                "Ang kapal mo Kuya!" Babatuhin ko sana ng tissue pero pinigilan ako ni Stefano.

                "Tol naman hindi naman matanda si Roni. Tingnan mo ng parang di lumaki."

                Ah ganun? Siniko ko nga. Nag-apir pa habang nagtatawanan ang magbestfriend.

                "Tara Borj sayaw tayo. Last gmik ko na to bilang single. Sa susunod na alis natin may asawa na ko." Aya ni Kuya. Wala na din nagawa ang mga boys dahil hinatak na sila ni Kuya.

                "Naks naman ang Ronalisa namin. Mukhang magkakalovelife na ulit. We're happy for you sis."

                "Tigilan nyo kong dalawa ah. Nakakarami na kayo sakin."

                "Bagay naman kayo ng pinsan ko eh. Tsaka wala naman girlfriend yun. Panahon na siguro para magkaron sya para di na masyadong seryoso sa buhay. Pero girls maiba ako, may girlfriend ba si Tonsy?"

                Nagtingin kaming tatlo at sabay-sabay na napangiti sa sinabi ni Trisha.

                "Wala!" Sabay-sabay naming sagot.

                "Very much available yan si Tonsy. Napakaworkaholic. Kaya matagal din bago ko sinagot si Juanito kasi kaming tatlo ang nag-aalaga sa kanya. Girlfriend nya kaming tatlo. We're very happy to know na you're interested with our Tonsy."

                "Tama. Pero sana nga si Tonsy na lang pinili noon ni Roni kesa yung walang hiyang Basty na yun." Daldal ni Jelai. May tama na ata tong babaeng to.

                "Nanligaw sayo si Tonsy?" Gulat na tanong ni Trisha.

                Nahihiya akong tumango.

                "Pero I don't see him more than friends eh. Masyado kong mahal si Tonsy na natatakot ako na baka masaktan ko sya. Pero don't worry nalagpasan na ni Tonsy yung phase na yun. We're good." I assured her. Mabuti na din to na nalaman nya agad. To avoid awkwardness at hindi pagkakaunawaan in the future.

                I excuse myself para magwash room. Pabalik na ko ng may biglang lumapit na lalake sakin.

                "Hi Miss. Pwede makipagkilala."

                I don't want to be rude kaya ngitian ko na lang ito bago lagpasan.

                "Can I buy you a drink?" Habol nito.

                "Uhm! Sorry but no. Thank you. Sige una na ko."

                "Can I just get your name na lang?" Ang kulet.

                "Camille." Medyo lasing na ito at para tumigil na sa kakasunod sakin ibinigay ko na ang pangalan ko.

                 He was about to reach for my hand for a shake hand when an arms snake on my waist.

                 "Hey, you okay? May problema ba dito?" Nilongon ko kung sino at nakita si Stefano na matamang nakatitig sa lalake habang nakaigting ang panga.

                 The guy raises his two hands and retreat.

                 "Sino yun?" Bulong nya sakin habang naglalakad kami pabalik sa table namin.

                 "Don't know. Nakikipagkilala lang." Kailangan ko tumingala at sya bahagyang yumuko upang magkarinigan kami.

                 "Di mo naman pala kilala. Bakit mo kinakausap?" His right hand is still encircled on my waist. Hinaharang nya ang katawan nya to protect me sa mga nakakasalubong naming tao sa dance floor.

                  "Bigla ka dumating kaya di na nabigay yung name nya."

                  Hindi na sya sumagot instead nagpatuloy kami sa paglakad hangang sa bigla napalitan ang tugtog ng sweet song. We were in the middle of the dance floor. Stefano slowly let go of me at marahan nya akong ipinaharap sa kanya.

                  "Can I have this dance?" He pulled that charming smile of him na you cannot resist.

                  I smile and nod.

                  He places my hand on his shoulders at sya inayos lang ang mga kamay sa bewang ko.

                  We slowly move. Sumasabay sa saliw ng musika. Bahagya akong dumistansya sa kanya dahil natatakot ako na maramdam nya ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero dahil maraming tao, naitulak ako palapit sa kanya. Lilingon ko sana pero pinigilan ni Stefano ang ulo ko. He placed my head on his chest at humigpit ang hawak sakin.

                  Para akong lalagnatin sa sobrang lapit naming. At dahil nasa dibdib nya ang ulo ko dinig na dinig ko ang kabog ng dibdib nya na para bang kinakabahan.

                  Gumalaw ang ulo ko para masilip ang mukha nya. Naramdaman nya ang pag-galaw ko kaya dimungaw nya ako at inilapit ang mukha sa mukha ko without changing our position.

                   "You okay? Lakas ng kabog ng puso mo. Kinakabahan ka ba?"

                   Hindi sya sumagot. Instead a light kiss on my forehead ang nagging tugon nya. Halaaaaaaaaaa! Bakit naman ganun? Buti na lang nakatago ang mukha ko sa dibdib nya at madilim. Sigura ako na pulang-pula ako ngayon.

                    Habang patuloy kaming nagsasayaw nagging kalmado ako. Ipinikit ko ang mga mata ko ang sumabay sa agos ng musika kayakap ang lalakeng nagpapatibok ng puso ko.

Forever with youWhere stories live. Discover now