Maaga kaming dumating ng airport ni Borj. Kanina pa nakalapag ang erolplano nila Tonsy kaya hindi nagtagal namataan din namin sila na palabas. Kanina pa ako kinakabahan at di mapakali.
"Hey baby relax. Ano ka ba? Nameet ka na din naman nila Mommy." Borj pulled me into the hug at hinalikan ako sa sintido.
Bahagyang nawala ang kaba ko dahil sa ginawa nya.
"Hi Ma!" Bati ni Borj ng makalapit ang ina. "Si Roni po." Lumapit ako kay Tita at hinalikan ito sa pingi. Nagulat ako ng yakapin ako nito.
"Finally! Kamust ka na iha?"
"Okay lang po Tita. Kayo po kamusta?'
Hindi na nakasagot si Tita dahil bigla itong nawala sa panginin ko ng bigla sumulpot sa harap ko si David. Mana din sa kuya nya. Parang kabute.
"Camille!" Salubong na yakap nito sakin.
"David, di na makahinga sa sobrang higpit. Bitawan mo na. Ano ba?" Nakasimangot na sita ni Borj.
"Pasensya ka na iha. Kanina ka pa bukambibig nito ni David. Gustong-gusto ka ng makita."
"Okay lang po. Namiss ko din naman po si David. Parang mas lalo po atang tumangkad to."
Hinatak ni Borj palayo sakin ang kapatid. Kaya naman sinalubong na din namin si Trisha at Tonsy.
"Welcome back guys." I hug at kiss them too. Nagtagal lang ang yakap ni Tonsy dahil mukhang inaasar nito si Borj.
"Ano ba? Lumayo nga kayo kay Roni. Kanina pa kayo ah."
"Borj makabakod ka daig mo pa asawa. Eh hindi ka pa nga sinasagot nyan."
Lalong nalukot ang mukha ni Borj dahil sa sinabi ni Tonsy.
"Hay naku tigilan nyo na si Borj. Tara na kasi kanina pa sila inaantay nila Lola. Anyway, Trisha sama ka? Dederecho ako sa mall dahil naghihintay sakin sila Jelai at Missy. May bibilhin kami para sa Palawan trip."
"Camille can I come? I forgot some of my clothes. I need to buy." Singit ni David.
"Hoy anong sasama? Tumigil ka David. Hinihintay ka nila Lolo at Lola sabahay. Marami akong lumang damit yun ang gamitin mo."
Naiiling na lang kami ng magkatinginan ni Tita.
"Borj nakalimutan ni David mga underwear nya. Gusto mo ba ipagamit sa kanya mga gamit mo? Eh nakapaselan mo sa gamit lalo na sa damit. Hayaan mo na si David para makagala. Para may kasama na din sila Roni. Umuwi na tayo."
"Pero Ma!"
"Wala ng pero pero. Umuwi na tayo."
Natatawang kinindatan ako ni David dahil di na maipinta ang mukha ni Borj.
"May papabili ka?" Bulong ko kay Borj ng makababa na kami ng sasakyan. Andito na kami sa parking ng mall. "Wag ka na suminangot. Nawawala kagwapuhan mo. Text mo na lang sakin kung ano kailangan mo. Mag-ingat sa pagdrive. Message na lang kita kapag pauwi na po ako. Kita na lang tayo tonight okay?"
Hindi pa din ito umiimik habang nakatingin sakin. Naglakad ako sa patungo sa kanya at ginawaran ng halik sa pisngi habang abala ang lahat ng kasama namin.
"I love you. I'll see you later." Ngumiti na din ito sa wakas bago nilapitan si David.
"Wag pasaway sa Ate Camille mo. Tsaka wag kang lalayo. Walain ka pa naman. Take care of your ate."
YOU ARE READING
Forever with you
FanfictionSo ayun. Since Stefano Mori keeps invading my FYP and gabi-gabi na akong puyat because of him bigla ako nainspire to make a story na sila ang bida. Still use their G-Mik names since mas feeling ko yun yung pinakapasok na personality nila in real lif...