Chapter 7

801 42 10
                                    

Kinabukasan.

         I woke up in a good mood. Tumayo ako ng kama ng may ngiti sa mga labi. I reach for my phone beside and read messages from my parents. I told them na maayos naman ako kagabi despite the heavy rain and thunder and lightning. After replying to them, I open my Spotify and play a music. I stand up and dance to the song playing as I walk towards the window to open the curtains. What a beautiful view to start a good day!

         I never felt this happy and kilig even with Basty before. I don't know, pero alam mo yung feeling na parang matagal na kayong magkakilala. There's this very familiar feeling inside of you na hindi mo alam kung saan galing at kung paano nangyari. I saw my face turns red as I watch my reflection on the mirror. I remember what happened last night before Stefano left the room.

FLASHBACK

        Bahagya akong napapikit at saglit na tumigil ang mundo ko habang magkalat ang mga labi namin. Pareho kaming nagulat ng makarinig ng katok sa pinto. 

        Mabilis kaming tumayo at maagap nya akong naalalayan. 

        "Uhmm. Sorry!" Sabay naming sambit.

         Hindi namin alam pareho ang gagawin dahil sa nangyari. I walk pass him and went inside the bathroom. Hawak ko ang aking dibdib na taas baba dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Then, I heard a knock on the door.

        "Ah Camille." It was Stefano. Wait lang naman di pa nga ako nakakabawi sa nangyari kumakatok na naman. "Balik na ko sa room ko. If you need anything just press 1 on the landline. Direct yun sa room ko." He continued.

         Huminga muna ako ng malalim para ikalma ang sarili ko. Pero di ko talaga kayang magpakita muna sa kanya. I glanced at the mirror at mamumula pa din ang buong mukha ko. "Thank you Stefano. Paclose na lang ng door paglabas mo. Salamat ulit." I heard footstep away from the bathroom. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa labas.

         I found him on my door. But before he close the door I heard someone was teasing him.

        "Oh Sir Borj anong nangyari sayo bakit pulang-pula ka lalo na yang labi mo?"

         "Syempre mestizo ako eh. Tigilan mo nga ako. Magtrabaho ka na." He said habang natatawa. Then he slowly close the door. 

END OF FLASHBACK

         I took a bath and prepare the things I need for today. I pull out the list of the things I need to buy for Kuya's wedding. The wedding will happen in a month and ako at si Jelai, my bestfriend ang nag-asikaso ng kasal nila. At lahat ng barkada excited na sa nalalapit na kasal ng dalawa.

         After making sure that my things are all in my bag, I head out of the room and decided to drop by to the lobby. I hope I can see Stefano para naman personal na magkapag thank you sa kanya sa pagsama nya sakin kagabi. And para na din maipalik ko na din tong card wallet nya.

        "Hi! Buongiorno." I greeted. "I'm looking for Stefano. Is he around?" I ask.

         Sasagot na sana yung babae kaya lang biglang may nagsalita sa likod ko.

         "Boungiorno Camille!" Hindi ko mapigilan hindi maglanding ang mga mata ko sa labi nya. "Are you okay? Nagbreakfast ka na ba? Do you need anything?" Sunud-sunod nyang tanong.

        "Uhm. Hindi pa. And yes, maayos na ko. Kaya andito ako kasi gusto ko magpasalamat ng personal sayo for taking care of me last night. And para isoli sayo to." I hand him the wallet. Nagulat pa sya nung nakita yung wallet sa kamay ko. "Nahulog mo to sa airport nung inagaw mo yung taxi ko." I smiled.

          "Ikaw pala yun? Sorry. Nagmamadali lang talaga kasi ako nun. Tagal ko na tong hinahanap nasayo lang pala." Binuksan nya yung wallet at may check na kung ano. "Tara sa restaurant para makapagbreakfast ka na muna." 

        Habang nakasunod ako sa kanya, yung mga employee kala mo nanonood ng kdrama kung makatingin samin. Anong problema ng mga to? Lahat nakangiti pa na di mo maintindihan kung kinikilig or kailangan lang because of work. 

         "Anong plans mo for today?" 

        "Balak ko sana pumunta sa mga shops dito. May mga kailangan kasi akong bilhin para sa wedding ng kapatid ko. And syempre pasalubong na din. Para yung last three days ko puro gala na lang. Tsaka para hindi ako magahol at baka may makalimutan pa ako. Lagot ako sa kuya kong panget."

        Natawa sya sa sinabi ko. Ay bakit pati yung pagtawa gwapo pa din? At ayun na naman po yung dimple nya.

         He guided mo sa pandalawahang table. He excuse himself at pagbalik nya may nakasunod na empleyado na may dalang tray ng pagkain. Nagtaka ako sa stem ng tulips na inilapag sa lamesa kasabay ng mga pagkain. Para san to?

           Hindi ako makakain ng maayos because I always caught him staring at me. At naiilang ako. I mean there's something in his stare na nakakailang. Hindi ako mapakali kasi pinapanood nya bawat kilos ko.

         "Staring is rude." I said. Di ko na kaya. Baka himatayin na ko sa kilig Lord.

         "Ang ganda mo." Sabi nya ng pabulong.

          Lokong to ah. Binulong pa pero ang lakas naman ng pagkakasabi. Malamang narinig ko. Hirap na naman tyloy akong huminga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. So pano ako kakain ng maayos nito kung sa bawat sulyap ko sa kaharap ko busog na ko?

         "Alam mo kumain ka na lang. Kailangan ko na din umalis dahil hahanapin ko pa kung san ko bibilhin tong mga to." I show him the list.

         "Don't worry wala naman importanteng gagawin dito today. My mum is here also so I'm free. I'll be your tour guide. Samahan kita sa mga shop na yan. Tsaka baka mamaya umulan at kumidlat at kumulog na naman baka kung kanino ka pa yumakap dyan." 

        "Hoy ano ka ba? Sorry na. Takot lang talaga kasi ako sa kulog at kidlat. Pwede naman kasing ulan na lang bakit may ganun pa." I laugh to hide na kinikilig na ko sa mga sinasabi nya.

        "Oo nga pala. I hope you don't mind. Bakit importante sayo yang key chain mo."

         "Ever since binigay sakin to ng kalaro ng Kuya ko naging lucky charm ko na to. Actually di ko na sya matandaan kasi masyado pa kong bata nun. Basta ang alam ko lang sabi nya sakin noon kapag malungkot ako tingnan ko lang daw yung keychain matutuwa na ko at maalala ko sya. Mapacute at chubby kasi nung batang yun. Tsaka may usapan daw silang dalawa ng kapatid ko. Di ko nga lang alam kung ano." Mahaba kong paliwanag.

      Abot hanggang Greece ang ngiti nya. Weird naman nitong lalakeng to. Buti na lang gwapo. 

        "Asan na sya ngayon?"

        "Hindi ko alam eh. Hinahanap nga din sya ni kuya kasi gusto nya invite sa wedding nya. Sana nga mahanap at bumalik na sya kasi miss na miss na sya ni Kuya."

         "Eh ikaw? Di mo ko namiss?" 

         "Anong sabi mo?" Kunot noo kung tanong dahil narinig ko na may sinabi sya di ko lang naintindihan.

         "Ah wala. Sabi ko tapos ka na ba? Para makaalis na tayo."

        Nagkibit balikat na lang ako at tinapos na ang pagkain. This is definetly going to be a good and memorable day. Dahil buong araw kong makakasam ni Benjamin Stefano Jimenez.


HI GUYS! YOUR COMMENTS AND SUGGESTIONS ARE VERY MUCH APPRECIATED. THANK YOU FOR THE SUPPORT. LOVE YOU GUYS!




Forever with youWhere stories live. Discover now