Sa Juno, as usual jammed pack dahil Friday ngayon. Pagpasok pa lang namin sa loob ng bar sumalubong agad samin ang malakas na tugtog at maliliwanag na ilaw. At dahil kilala kami na kaibigan ng mga may-ari ng nasabing pub hindi na namin kailangan humanap ng mauupuan. Junjun and Tonsy made sure that we have an exclusive spot sa bar na iyon.
I felt Stefano's hand on my waist habang papunta kami sa table namin. Hindi ko na lang pinansin yun pero para akong lalagnatin sa kilig. Napatingin sakin si Jelai at sa bewang ko tapos ngumiti ng makahulugan. Kinalabit nya si Missy at ininguso ang nakita nya.
Agad na lumapit sakin ang dalawa. Mga tsimosa talaga.
"Ano?" Tanong ko dahil kanina pa sila nakatingin sakin. Naghihintay siguro na magkwento ako. Hinatak nila ako sa isang sulok bago pa man kami makarating sa lamesa namin.
"Ano yun Roni? Bakit may paghawak sa bewang si Borj?" Tanong ni Jelai.
"Inaalalayan lang ako? Kasi madilim?"
"Inaalalayan?" Wow di ako nainform na dapat duet. "Anong inaalalayan? Eh halos wala ng space sa pagitan nyo. Di ba Jelai?"
"Oo nga. Tsaka napapansin ko bakit parang may something sa inyo?" At nilingon pa nga nilang dalawa si Stefano at nakitang nakatingin din samin. Or sakin? Nakakahiya.
"Alam nyo kayong dalawa napakatsismosa nyo kahit kelan. Tsaka kelan pa kayo naging interesado sa lovelife ko? Di naman kayo ganyan noon kay Basty. Tara na dun. Inaantay na tayo nila Kuya." Nauna na akong maglakad sa dalawa.
Jelai sat beside Junjun. Matagal na ding nanliligaw si Junjun kay Jelai. And hindi ko alam ang real score between them. But they are exclusively dating each other so parang sila na. Hindi naman kasi ako nag-uusisa kay Jelai. Inaantay ko lang na sya ang unang magkwento.
Tiningnan ko ang upuan namin. Ukupado na ang mga coaches maliban sa tabi ni Borj at ni Tonsy. At dahil medyo naiilang ako sa mga tingin ni Stefano sakin, I decided to seat beside Tonsy. Nilingon ko si Stef at bahagyang kumunot ang noo nito.
Sumasabay kami sa music at nag-kukwetuhan while waiting for our drinks.
"Naks naman. Puno na naman tong pub nyo. Congrats Junjun and Tonsy." I said and tap Tonsy's shoulder.
"Thanks Roni. Malaki din naman maitulong nyong mga girls samin ni Junjun. Lalo ka na. Kung hindi dahil sayo noon baka wala ako dito."
"Ano ka ba? Wala yun. Tsaka masipag ka naman noon. Tingnan mo. Isa ka ng magaling na businessman. Kaya deserve mo to." I smiled at him. He said thanks again and kiss my cheek.
Tonsy is my boy bestfriend. May mga bagay na hindi ko nasasabi kay Jelai na sa kanya ko lang nasasabi. Mas naging malapit kami sa isa't-isa nung niloko ako ni Basty. Sya ang naging takbuhan at iyakan ko.
Nagulat kami ng biglang ilapag ni Stef ang bote ng beer ng wala na itong laman. Kahit medyo madilim sa area namin I saw his face. Bakit masyado atang seryoso to?
Tonsy excuse himself para asikasuhin pa ang ibang costumer. Sumunod din sa kanya si Junjun.
Niyaya ko din sila Missy at Jelai na pumunta muna sa washroom dahil di ko kinakaya yung titig sakin ni Stefano.
"Problema ni Borj? Bigla na lang nagseryoso. Nagkukulitan lang sila ni Yuan kanina."
"Eh pano Missy nakita nya na hinalikan ni Tonsy si Roni. Baka nagseselos." Natatawang sagot ni Jelai. "Hindi mo ba talaga sya matandaan sis?"
YOU ARE READING
Forever with you
FanficSo ayun. Since Stefano Mori keeps invading my FYP and gabi-gabi na akong puyat because of him bigla ako nainspire to make a story na sila ang bida. Still use their G-Mik names since mas feeling ko yun yung pinakapasok na personality nila in real lif...