Chapter 24

38.9K 1K 263
                                    

He was a short escape. The three months ended in a swift. I'm back at my inevitable reality.

"Prepare for intubation."

Hindi ko inasahan na magtutubo ako ng pasyente sa unang araw ng pagbabalik ko.

"Nurse Mauve, 'yung pasyente mo sa medical ward, natanggal 'yung suwero. Nagwawala ro'n! Pakitignan naman."

"Sino?!"

"Iyong pasyente! Bilisan mo!"

Hindi pa napapahinga ang mga paa ko sa pagpapabalik-balik sa mga kuwarto ay bumalik ako sa kauna-unahan kong pasyente. When I reached his room, it was as if a lion has escaped its cage.

"Sir, pakibaba po natin 'yan," pakiusap ko.

Tinanggal ng lalaki ang suwero niya. May patalim itong hawak para itutok sa kung sino mang lalapit sa kaniya. Kung saan iyon nanggaling, hindi ko alam. Pero lagot kami—lagot ako.

"Huwag niyo akong pakialamanan, mga mamamatay-tao kayo!" he yelled.

"Sir, hindi po kami mamamatay-tao, nandito po kami para tulungan kayo. Now, sir, I need you to put the sharp down. Please . . ."

"Dinala ko lang ang asawa ko noon rito! Malakas ang asawa ko! Wala siyang sakit! Masaya siya! Pagkatapos, sasabihin niyo sa akin na patay na siya?! Anong ginawa niyo sa asawa ko?!"

The case about his wife . . . It was a cardiac arrest. It was her first and last attack that the family suspected the hospital's service. It was sudden. However, the biopsy result showed that the patient had undiagnosed blockages in the heart.

"Sir, nararamdaman ko po ang nararamdaman niyo. Masakit mawalan ng mahal sa buhay. Sir, wala pong may gustong mangyari no'n. Kailangan niyo po munang ibaba 'yan, mag-uusap po tayo nang mas maayos."

"Hindi na ako makikinig sa inyo!" He neared me a little.

I grew up expecting the worse so I stepped back. "Mag-uusap po tayo nang mas kalmado, sir."

Nang makalabas nang kaunti sa pintuan ay ginamit ko ang kamay para senyasan ang isang nurse sa labas. It happened that it was Erich. I asked for help.

"At ano?! Lilinlangin niyo rin ako? Pagkatapos ng asawa ko, ako naman ang papatayin niyo?! Mga kriminal kayo!"

Sa huli, sinugod niya ako. I had to protect my life before anything else—before my license. I used force to resist his attack.

Mapayat at maliit ang lalaking pasyente kung kaya't madali kong napigil ang braso niyang may hawak sa patalim. I had to twist his arm to have both of his wrist at the back.

"Mga kriminal talaga kayo! Pakawalan niyo ako! Huwag niyo ako patayin!"

"Mauve, sorry. Natagalan."

Not long after I thought I would no longer witness another dawn, help came. Help can come late. Sometimes, it won't come at all. You should be ready to face the disasters alone.

"Mga mamamatay tao kayong lahat! Kayong mga doktor! Mga nars! Sugo kayo ng demonyo!"

People are right. Not all hard work pays off. I mean not every day. We work for some people who don't even see our value. One may ask, why don't you leave? Well, we stay for those who appreciate.

Isa pa, paano ko bubuhayin ang sarili ko kung titigil ako sa pagtatrabaho?

"Thank you kanina, Erich." Sumaglit ako sa nurse lounge para uminom dahil nanunuyot na ang lalamunan ko. Erich has the same reason.

"Ang angas mo nga kanina." Ngumisi siya. "Kung ako 'yon, baka tumakbo na 'ko. Iba talaga kapag naka-three months break." Tinapik niya ang balikat ko. "Pa-seminar naman."

The Heaven's WildcardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon