Chapter 26

41.9K 1.1K 986
                                    

Warning: R-18

Aking sanggol:
Today, my lips are chipping again. I think I need my lip balm.

His message greeted me a good morning before the birds could.

Me:
Use the one Solen gifted. The one you can carry anywhere.

Aking sanggol:
I don't want it! I need a 5'7 with short, wolf-cut hair, grey eyes, tall nose, and plump lips, fair-skinned lip balm. Preferably a nurse.

Me:
The nurse is busy. Might talk to you later.

I turned off my phone, worried that if I read his reply, I was gonna respond, and the conversation wouldn't end. I have work. I need to get ready.

Ito ang unang beses na hindi ako nagmamadali gumayak. Wala kasi sa oras ang orasan ko kaya maaga nag-alarm. It was a not-so-wanted blessing. Tinignan ko ang kalendaryo para tignan kung may holiday ba para sa buwan na 'to. Pero iba ang napansin ko.

I realized how fast the last few months faded. I haven't given my goal to go abroad much thought. Iyong goal ko na pag-aralin si Clo sa susunod na taon, secured na. Magpapatuloy kahit saan pa ako nagtatrabaho. But my main goal . . . Why am I delaying something I've always wanted ?

"Mauve?"

Ayaw ko mag-review nang hindi malinaw ang plano. Sayang ang mga materyales na bibilhin ko kung hindi pala ako sigurado. Basta. Bahala na muna.

Paalis na ako nang marinig si Tita Carmen mula sa labas. I grabbed my tote bag and skateboard. Problemado ang hitsura ni Tita nang magkita kami kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit po, Tita?"

Hinawakan niya ang batok. "Itatanong ko sana kung may pasok ka ngayon, pero nakagayak ka na kaya . . . hindi ko nga maibibilin si Clo."

"Ano po ba sana ang ibibilin niyo?"

"Ano kasi, eh . . . May sinat si Clo. Walang magbabantay. May inoohan kasi akong kostumer. Kinuha ako para magluto sa birthday-an." She beamed apologetically. "Sayang rin kasi ang kikitain ko kung hindi ako pupunta."

I nodded. Pero hindi rin kasi ako puwedeng umabsent na lang nang basta-basta, kaya hindi ko masabing ako na lang.

"P-Pero may pasok ka pala. Iiwanan ko na lang siguro si Clo sandali. Hanggang tanghalian lang naman ako ro'n. Nakakain naman na si Clo at natutulog ngayon."

"Sabihan niyo na lang po na huwag lalabas at hintayin kayo."

Tumango si Tita. "Siya, sige na. Pumanaog ka na at baka mahuli ka pa sa trabaho."

Sinuklian ko siya ng ngiti. "Mauna na po ako."

I didn't bother to see Clo. Baka maistorbo ko pa ang tulog niya at mahirapan si Tita sa pag-alis. The weather is getting more unpredictable nowadays. Uulan, aaraw. Lalamig, iinit. Lagnat at trangkaso ang uso na walang gustong sumabay. Pero kahit anong iwas, nadadali ang mga mahihina ang resistensiya.

I arrived at the hospital fifteen minutes earlier. The spare time allowed me to think for solutions about Tita Carmen's problem. Wala naman akong ibang kilala na mahihingan ng tulong bukod sa kaniya.

The Heaven's WildcardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon