Chapter 6

935K 26.1K 6.3K
                                    

Chapter 6


LORD KA, ISA LANG BA ITONG PANAGINIP?


Dahil sa mga nagdaang buwan ay may mga gabi pa rin talaga na akin syang napapanaginipan. Sinubukan ko naman nang kalimutan sya, pero ang hirap lang talaga. Isinubsob ko ang sarili sa pag-aaral, sa pagiging mabuting anak, kapatid, at kabigan. Pumasok din ako sa isang trial relationship, pero may mga sandali na sumasagi pa rin talaga sya sa aking isip. Para syang sumpa na walang lunas.


Gayunpaman, tanggap ko na sa sarili na hindi na kami muli pang magkikita. Kaya paanong nasa matitigas na bisig niya ako sa mga oras na ito? 


Tila ako babasaging bagay na ingat na ingat sya sa pagkarga. Nasasamyo ko ngayon ang mabangong amoy nya, nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan, at naririnig ang mabilis na tibok ng puso nya. Nakasuot pa rin pala sya ng kanyang itim na maskara sa mga mata nya, subalit hindi iyon hadlang upang hindi makita kung gaano kaperpekto ang kanyang mukha. Mukha na pinangungulilaan ko na muling makita.


Isinara nya ang pinto ng kotse at umikot sya sa kabila upang tunguhin ang driver's seat. Nang makaupo sya sa tabi ko ay humugot sya ng cellphone mula sa kanyang bulsa. Nagtipa sya rito at pagkuwan ay itinapat sa kanyang tainga. Segundo lang at tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay heto na naman ang unknown caller ko na kaninang tumatawag nang kasama ko pa si Ariel.


I looked at Lord K na kalmado sa kanyang hawak na cellphone bago ko ito sinagot. "H-hello."


Kitang-kita ko na kung ano ang bigkas ng lalaking katabi ko ay iyon din ang naririnig ko sa kabilang linya. "Are you all right?"


Kung ganoon ay sya pala iyong unknown caller ko kanina! Pero teka, bakit kailangan nya pa akong tawagan eh narito lang naman ako katabi nya?


I bit my lip at marahan kong sinapo ang aking dibdib. I could hear pa rin ang malakas na pagtibok nito subalit iba na ang dahilan. "O-okay na ako..."


Nakatulong ang aircon sa kotse nya upang makahinga ako, dahil mainit at wala kasing kahangin-hangin sa labas kanina. Kumalma na rin ako dahil sa isiping ligtas na ako.


"Good." Pagkasabi nya ay pinatay na nya ang linya. Ipinatong nya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng dashboard.


Binuhay nya ang makina ng sasakayan at pinaandar ito. Wala kaming imikan habang nasa biyahe kami. It's been six month since he abandoned me. Sabi nya ay kalimutan ko na sya, na sinubukan ko naman. Pero bakit nandito sya ngayon? Alam kong hindi ako dapat mainis, pero naiinis ako. 


Naiinis ako! Hindi pwedeng basta ganito na lang na pwede nya akong balikan kung kailan nya gusto! Na kapag gusto nyang magpakita ay biglaan na lang! Kailangan makausap ko sya!


Kinuha ko ang aking cellphone at nag-call back sa kanya. Lucky me dahil may load ako.


"Your account balance is insufficient..."


Agh, wala nga pala akong load!

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon