Chapter 7

887K 27.1K 9.5K
                                    

Chapter 7


KINASAL PALA SILA.


Inampon sila ng iisang tao, pero hindi sila sabay na lumaki. Sa iba't ibang lugar sila lumaki. Nagkita-kita lang noong malalaki na. Nahulog agad ang loob ni Rom kay Erika. Hindi naman tumutol ang ama nila sa kanilang relasyon, dahil nagustuhan din daw nito ang ideya na iisang pamilya pa rin sila. Kumbaga, kabawasan na kaysa may makapasok pang ibang tao sa angkan nila. Oo, crazy.


Ang nakakapagtaka lang ay bakit  sa akin ikinuwento ni Rom ang lahat? Ganoon ba talaga ako kadaling pagkatiwalaan? Pero iyon nga, patay na si Erika. Plane crash ang dahilan.


Kawawa naman tuloy sya. Sayang naman ang hinas nyang buhok na plakado ang linya.


Hanggang sa pagbaba ko ng sasakyang naghatid sa akin dito sa amin ay napapaisip pa rin ako. Marami pa ring tanong ang gusto ko sanang masagot.  Ilang sandali pa'y napapiksi ako nang tumunog ang aking cell phone. Unknown caller ulit pero tanda ko ang number. Kay Lord K ito at hindi ako maaaring magkamali!


O ano na naman ang kailangan nya? Kapag feeling nya ay miss nya ako ay saka lang sya magpaparamdam diyan? Excuse me, hindi kami close! 


Teka at mapag-trip-an nga sya. Kunwari ay akala kong sya si Ariel. Tingnan natin kung totoo ang sinasabi ni Rom na special daw ako sa kanya.


Sinagot ko ang tawag. "Hello, Ariel mahal ko..."


O ano ka ngayon, ha?!


"Nasaan ka na?" nagpatuloy ako. "Mis na mis na kita."


"Get in."


Naintindihan ko lang ang sinasabi nya nang mapansin ko ang kotseng itim sa aking likuran. Kahit dim ang lights sa loob nito ay kitang-kita ko na may bughaw na mga mata roon.


Napalunok muna ako bago ako kandarapang pumasok sa kanyang sasakyan. Umupo ako sa passenger seat kung saan katabi ko sya sa driver seat. Hmn, ang bango. Kainis.


Nagsalita muli ako sa cellphone ko. "Sorry, akala ko si Ariel na ang tumatawag."


"Tot – tot – tot "


Damn, pinatay nya na pala ang linya!


Humarap na lang ako sa kanya. "Sorry, akala ko si Ariel na ang tumatawag. Ikaw. Lang. Pala..."


Seryoso, Ruby? Anong ipinaglalaban mo?


Kalmado lang ang kanyang mukha na nagmamaneho. Bahagya lang gumalaw ang kanyang mga labi nang hindi tumitingin sa akin. "Okay."


Grrrrrr! Hindi man lang ba sya magagalit o magseselos? 


Sabi na nga bang echos lang iyong espesyal na sinasabi ni Rom kanina!


Kinuha ko ang aking cellphone dahil kunwari nga raw ay tumunog. "May tumatawag..." bulong ko. Kahit hindi naman talaga nagri-ring itong telepono ko. "Hello..."

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon