Chapter 52

670K 20.9K 8.1K
                                    

Chapter 52


NAPABALIKWAS ako ng bangon. Habol ko ang aking paghinga nang lingapin ko ang paligid. Nasa malambot na kama ako at malamig ang buong paligid.


"Kyo..."  sambit ko.


"Hanggang sa panaginip, si Kyo pa rin ang sinasambit mo." Isang lalaki ang nagsalita sa tabi ko. Hindi ko sya napansin.


"R-Rom..." Pinatulog nya ako. Nilagyan nya ng drugs iyong wine na pinainom nya sa akin.


"Bakit, Erika?" namumugto ang mga mata. "Bakit hindi mo ako magawang mahalin? Bakit ayaw niyo sa akin? Hindi ba ako karapat-dapat na mahalin?!"


Ngayon ko lang nakitang magulo ang kanyang buhok. Baklas din ang mga butones ng kanyang longsleeves. May hawak syang baril sa kanyang kanang kamay. Sa kaliwa naman ay cell phone. 


Nag-ulap ang aking paningin nang maalala ang usapan namin ni Cloud. Si Rom ang amo ni Breeze. Sya pala ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko. Hindi nya ako totoong binuo, dahil sa umpisa pa lang ay sya na talaga ang dahilan ng pagkawasak ko. "R-Rom, bakit mo iyon sa akin nagawa? Anong kasalanan ko sa 'yo?"


Nakatingin lang sya sa akin habang nahihirapan akong bumangon sa kama dahil sa pagkahilo.


"R-Rom, a-akala ko kaibigan kita. Akala ko kakampi kita, pero hindi pala. Nakita mo ang paghihirap ko. Nakita mo kung paano ako nasaktan. Hindi ko maintindihan, bakit mo iyon sa akin nagawa? Ano ang kasalanan ko sa 'yo?"


"Kung hindi ko ginawa iyon, hindi sana ikaw si Erika ngayon." Tumayo sya mula sa pagkakaupo. Doon ako nakabaling sa hawak nyang baril. " Kung hindi ko ginawa iyon, hindi sana kayo nagkahiwalay ni Kyo."


Pumatak na ang mga luha ko. Nasagot na ang mga tanong na gumugulo sa akin. 


"Oo, Erika. Ako ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay ni Kyo."


"K-kahit hindi na lang ako, Rom." Basag ang nanghihinang boses ko pero nagsisikap ako na magsalita. "Wag na lang ako, kundi si Kyo. Paano mo nagawa ito sa kanya? Kahit ampon ka lang, magkapatid pa rin kayo. Itinuring ka nyang kapatid nya." 


"Paano nya ako ituturing na kapatid?" balik nya sa magaspang na tono. "Wala naman syang alam sa mga relasyong ganyan! Pero sa kabila ng pagiging taong bato nya, sya pa rin ang pinili noon ni Erika! Maayos ang buhay namin, pero bigla syang dumating noong ng Pilipinas! At muka noon, sa kanya na nabaling ang atensyon ni Erika! Hanggang sa lumaki kami, sa kanya na lang lahat palagi!"


Sina Rom at Erika ay sabay na inampon ni Ybarra. The two grew up together. Teenager pa lang ay may nararamdaman na si Rom kay Erika na higit pa sa kapatid. Ang kaso, dumating si Kyo. That was the time when Ybarra sent Kyo to the Philippines. Ang dalagitang si Erika ay nagkagusto agad sa lalaki. Ito ang palaging umaalala kay Kyo sa kabila ng puro kalamigan lang ang natatanggap nito. Hanggang sa lumaki na sila, at si Erika mismo ang nagpaalis sa sarili sa family registry. She wanted to marry Kyo, but Kyo rejected her. As a revenge, Erika married Rom instead. I've finally uncovered the real story.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon