Chapter 43

578K 18.9K 5.6K
                                    

Chapter 43


TIGAGAL AKO.


"W-what do you mean?" nalilitong tanong ko. "A-anak mo si Kia?" ulit ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Baka naman kasi nabingi lang ako. 


"Yes." Napabuga sya ng hangin. "She's my daughter."


Suddenly I found it hard to breathe. Kamuntik na akong mabuwal sa aking pagkakatayo. Parang lahat ng lakas ko ay lumipad palayo. Paano nangyari iyon? Bakit di ko alam?! 


Namalayan ko na lang na napalingon ako sa batang babae. Hayun ito sa kalayuan at nakapamewang. Nakataas ang isang kilay sa akin at bakas sa mukha ang labis na pagkainip.


May dalawang araw na silang nanunuluyan dito sa aking condo pero ngayon ko lang ito napagmasdan nang maigi. Posible ngang anak nya ang batang ito. She also his his deep, merciless blue eyes. Hindi rin nalalayo ang mukha nito sa kanya. At masakit. Ang sakit lang. Ang sakit lang kasi may anak sya na ganito ang edad. 


May iba pa siyang anak bukod sa naging anak namin! Tangina lang!


Pagak akong tumawa. "Akalain mo nga naman."


"Erika," he called out my name in his low and hoarse voice.


Nag-init ang mga mata ko at nakaramdam agad ako ng takot. Ayaw kong umiyak. Lalo sa harapan niya.


"A-and her mother?" Sinikap kong maging malamig ang tono sa kabila ng paninikip ng dibdib ko.


"Sorry but I won't tell you."


Lumipad pabalik sa kanya ang matalim na mga tingin ko. "And why not?"


"I just don't want you to know." Pagkasabi'y naglakad na sya palampas sa akin.


Maski si Kia ay nilampasan niya.


Napahalukipkip tuloy ang bata. "Daddy?" may pagmamaktol sa tinig ng paslit. "Don't tell me you're leaving again?!"


'Daddy'. Tinawag siya nitong daddy. Pero hindi pinansin man lang ng lalaki ang anak.


Lumabi si Kia at malungkot na sumalampak sa sahig. Nang makita ang nalaglag na throw pillow mula sa couch ay kinuha at saka ibinato iyon ng bata. Tumulis pa ang mapulang nguso ni Kia.


Napakawalang kwentang tatay! Walang pakialam sa anak!


Kung nabubuhay ang anak namin, ganito rin kaya ang magiging trato niya rito?


Nang makalabas na ang lalaki ay nilapitan ako ni Kia. Kinuha ng bata ang aking kamay sanhi para magising ako sa pagkatulala. "Milk, please!" Mainit nyang palad ang nagbalik sa aking sa kasalukuyan. "I'm hungry!"


Nang magtama ang aming mga mata ay may kung anong humaplos sa akin. Umupo ako upang magpantay kami. Ilang sandali pa'y naglandas na ang mga luha ko.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon