Chapter 31

717K 20.1K 10.9K
                                    

Chapter 31


ANO IYONG SINABI NYA? 


Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa. Kaya naman pasimple ko na lang siyang tiningnan sa rearview mirror habang nagmamaneho sya. Tahimik sya, walang kahit anong mapapala sa mga mata nya, walang emosyon na makikita. Walang alam sa tumatakbo sa isip nya.


Bakit parang balik na naman siya sa dati? Parang walang nangyari. Hindi ko talaga siya maunawaan. Sobrang hirap niyang unawain.


"S-saan tayo pupunta?" tanong ko.


And like what I expected, hindi sya tumugon. Nanatili lang ang kanyang mga mata sa daan.


Makalipas ang ilang sandali ay pumasok ang aming sinasakyan sa gintong gate. Ngayon ko lang napagtanto ang pamilyar na mansyong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko agad napansin dahil naging abala ako sa kasusulyap sa kanya. Lumapit sa amin ang mga unipormadong lalaki at pinagbuksan kami ng pinto sa kotse. Pagkababa ko pa lang ay kumakabog na ang dibdib ko. Alam ko ang lugar na ito.


Ito ang main mansion ng mga Montenegro sa Cebu.


Posible ring narito si –


"It's been a while... Ruby." Tinig ng isang lalaking nakatayo sa di kalayuan. May bughaw din itong mga mata at may plakadong kilay. Lumapit ito sa akin at hinagkan ang likod ng aking palad.


Si Ybarra!


Bumaling sya kay Kyo. "Come on in." 


Sa hilatsa ng kanyang mukha ay alam kong nagpapanggap lang sya. Kilala ko na sya. Sya si Ybarra Montenegro: ang leader ng mobster na sumira sa relasyon namin.


Kinuha ni Kyo ang aking kamay na ikinagulat ko. Lumundag ang aking puso sa ginawa nya.


Napatingin si Ybarra sa kamay namin na magkadaop.


Hinila ako ni Kyo papasok sa bakal na pintuan. "I'm not here for a chit-chat." Nilampasan namin si Ybarra.


"Then why the hell are you here..." bahagyang natigilan ang ginoo. "...again?"


Napahinto si Kyo sa paghakbang. "Where's Lander?"


Lander? Sino yun?


"Is this about the abducted princess, daughter of Hendrick Montemayor?" nilingon kami ng matanda. "He told you... he did nothing of the kind."


"Yes, he did." Nagpatuloy sa paglakad si Kyo, hila-hila ako.


Hindi ko na tinapunan ng tingin si Ybarra dahil baka panlisikan nya lang ako ng mata.


Nang makapasok kami sa loob ng malawak nilang solar ay napapaisip ako. Sino kaya itong Lander na pinag-uusapan nila kanina? Nabalitaan ko rin iyong tungkol sa pagkawala ng isang anak na babae ng Montemayor. Ayon pa sa balita, na-kidnap daw ito may ilang buwan pa lang ang nakakaraan.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon