Chapter 45

621K 19.5K 5.8K
                                    

Chapter 45


RUBY CASTILLO?


Ang babaeng tinutukoy nya ay... ako?


Mabilis na kumilos ang aking kamay at malakas itong dumapo sa pisngi ni Kyo Montenegro. Ito yata ang unang pagkakataon na hindi nya nailagan o naiwasan ang pagsampal ko.


Halos tumabingi ang panga nya sa ginawa ko. Habol ko ang aking paghinga matapos kong magawa ito!


Ang kapal ng mukha nya para sabihin nyang ako ang mahal nya! Putangina nya para banggitin ang pangalan ko!


"How dare you to say her name in front of me?!" singhal ko sa kanya. " How could you - "


Padaskol nya akong sinakal sa braso. "Wala na rin akong balak banggitin ang pangalan niya!"


"B-bakit?!" gigil na tanong ko.


"Because it's killing me." Pumikit siya nang mariin.


Natigagal ako. Nagtatanong ang mga mata. Gusto kong itanong ang mga nararamdaman niya pero pinipigilan ako ng pride ko. Pinipigilan ako ng maraming dahilan na kaparehang dahilan kung bakit galit ako sa kanya.


"I've done a lot of stupid things on her!" tiim-bagang siya. "I've hurt her too much. Kasi ganoon ako, ganoon ako kawalang kwentang tao. Kasi hindi naman ako sanay magmahal. Kasi hindi naman talaga normal ang buhay ko. Hindi ako marunong magmahal nang tama. Kaya noong nasaktan ako, nasaktan ko rin siya. Pero pinagsisisihan ko na, Erika. Mahal na mahal ko siya. Kung makakabalik pa siya sa akin, hinding-hindi ko na siya papakawalan. Gagawin ko ang lahat kahit ang imposible para makabawi sa kanya."

Kumuyom ang kanyang kamao. "It's killing me... Everyday... Everyday of my life..."


Bakas sa tinig nya ang labis na pait at sakit. Na para bang totoo ang lahat at galing sa kanyang puso. Na tila ba hindi si Kyo ang kaharap ko kundi isang nangungulila. Sa wari ko ba'y parang sya ang naagrabyado at hindi ako. Pero hindi iyon ang totoo. Dahil hindi sya, kundi ako ang tunay na biktima rito!


Dahan-dahan syang bumitiw sa akin. Kinuha nya ang aking kamay at inilagay doon ang kanyang lunch box. "Kumain ka na." Pagkatapos ay iniwan nya na ako.


Pumatak sa lunchbox ang mga luha ko. Hindi ako maniniwala sa kanya. Hindi na ako papayag na mabilog nya. Matalino syang tao, mautak, siguro alam nya nang ako si Ruby, kaya niya sinabi ang lahat ng iyon sa akin ay para hulihin ako at ihulog sa bitag niya.


That will never happen! Kung gusto nya ng laro ay makikipaglaro ako sa kanya.


...


Na-miss ko nang sobra ang Cebu. Ang sabi ko sa aking sarili noon, once na makatungtong ako dito, ang una kong pupuntahan ay ang aking pamilya. Na yayakapin ko si Amang at si Mama at sasabihin ko sa kanila na ako ito, ang anak nila. Na ipapaalam ko kay ate Rosenda at Dangdang ang lahat.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon