Chapter 17

793K 20.1K 5.9K
                                    

Chapter 17


INIHATID AKO NI KYO SA BAHAY NAMIN. Nakapasok na ako nang paandarin nya ang kanyang kotse. Hinintay nya na makapasok talaga muna ako, hindi lang sa kawayan naming bakod, kundi sa mismong bahay. Pero nang wala na sya ay lumabas ako ulit. Bawal kasing tumili sa loob dahil baka magising ang mga tao roon, kaya ito, dito ako impit na nagtititili sa loob ng bakuran.


Simula na ito. Simula na ng isang magandang pagsasama. Unti-unti, babaguhin ko sya. Magbabago sya para sa ikabubuti. Magiging normal na tao sya. Magmamahalan kami nang normal. Mabubuhay kami nang normal. Matutupad na ang mga pangarap ko sa aming dalawa. Sa sobrang saya ko ay nayakap ko tuloy ang bansot naming aso. 


Nabura lang ang aking tuwa na nadarama nang biglang may sumitsit sa akin sa labas ng kawayan naming bakod. Madilim pero natatamaan ng sikat ng buwan ang lalaki na doon ay nakatayo. Nang makilala sya ay nabitiwan ko si Bayug. "Ariel?"


Baka may magising sa pamilya ko at makita sya, kaya dali akong lumabas ng bakod upang sa labas sya kausapin. Mabuti at medyo malayo kami sa mga kapitbahay kaya walang makakakita sa pag-uusap namin dito sa kalsada.


"R-Ruby, bakit mo iyon ginawa sa kapatid ko?" agad na tanong nya nang magkaharap kami. 


"Ha? Kapatid mo? Si Breeze?" buong pagtataka kong tanong sa kanya.


Hindi maipinta ang kanyang mukha. Namumutawi sa mga mata nya ang muta. "B-bakit mo sya ipinakulong?"


"Ano? Hindi ko siya isinuplong sa mga pulis! Wala akong alam sa sinasabi mo!" At takot ko lang na gawin ang bintang nya. 


Napahilamos sya ng palad sa kanyang mukha "Kung hindi ikaw, ay sino, Ruby?!"


Todo iling ako. "Ewan ko! Pero hindi ako! Wala akong lakas ng loob na kalabanin si Breeze, lalo pa at nasa likod sya ng isang malaking tao! Takot ko lang na mabalikan ako at ang pamilya ko!"


"Hindi ako naniniwala sa 'yo!" bulyaw nya sa akin. "Kaya sya nahuli ay dahil na-set up sya! At alam mo na ikaw ang huling nagbigay sa kanya ng pera! Nag-iwan ka ng sulat na naubos mo na ang droga na nasa 'yo, kaya dadalhan ka nya dapat ng bago, pero mga pulis na pala ang naghihintay sa kanya pagdating nya sa tagpuan nyo!"


"Hindi ko iyan alam, Ariel!" Hinawakan ko sya sa braso subalit umiwas sya. "Maniwala ka, please!" 


Tinalikuran nya ako bago sya napasuntok sa hangin. Bahagya lang syang kumalma bago humarap sa akin. "Hindi mo kilala si kuya Breeze, Ruby. Kapag nakalaya sya, ikaw at ang pamilya mo ang pagbabalingan nya." pagkuwan ay naglakad na sya palayo sa akin.


Napalugmok ako sa semento nang wala na sya. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam ang ibinibintang nya. Ni hindi ko nga alam na nakakulong pala kuya nya. Nakaramdam ako nang matinding takot. Paano kung ilaglag ako ni Breeze? Paano kung ikanta nya sa mga pulis na nagbebenta ako ng epektos? O di kaya naman ay nakalaya sya at ipapatay nya ako kasama ng buo kong pamilya?


Ano ba itong gulo na pinasok ko? At bakit naliligo sa laway ang mukha ko?


Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon