Chapter 22

637K 18.7K 3.2K
                                    

Chapter 22


"IKAW ba iyong kumakanta?" tanong ni Mama nang makapasok sya sa aking kwarto. I was about to hit my high notes pero nabitin ako. Bigla kasi syang iniluwa ng pinto kaya napahinto ako.


"Po?" Sunud-sunod akong umiling. "H-hindi po."


"Sigurado ka? Parang boses mo ang narinig ko e. Akala ko pa naman ay kumakanta ka na ulit, anak."


"Ma, naman. Hindi na ako marunong kumanta, okay? Ang tagal na nang huli akong mag-videoke, di ba? Saka, hello? May mapapala ba ako kung kakanta ako?"


Mula pagkabata ay hilig ko na ang kumanta. Namana ko ang hilig ni Amang sa pagkanta noong kabinataan niya. Palaging grand winner noon si Amang sa singing contest tuwing fiesta. Pero katulad ni Amang ay nawalan na rin ako ng ganang kumanta. Kung si Amang ay nalulong sa sabong, ako naman ay nalulong noon sa pagiging social climber noon.


"O siya! Kung hindi ikaw ang kumakanta, e di hindi. Defensive ka masyado." Napamewang si Mama matapos nyang lingapin ang paligid. "Lumabas ka at may bisita ka."


Pagkaalis nya ay isinara ko agad ang pinto. Dali kong iniligpit ang ilang mga papel sa na sinulatan ko ng mga lyrics na sarili kong komposisyon. Nakakahiya kapag nalaman nila na nag-iimbento ako ng sarili kong kanta. Tiyak na bubuskahin ako ng bunso kong kapatid na si Dangdang.


Gamit ang aking mga daliri ay pinansuklay ko ito sa aking buhok. Mga palad ko ang nagsilbing panyo nang ipunas ko ito sa aking mukha. Kaunting sampal sa aking pisngi nang harapin ko ang salamin at saka ako tumalima kay Mama. Paglabas ay ganoon na lang ang pagdaloy ng kilabot sa katawan ko. Parang bangungot ang nakikita ko na lalaking nakaupo sa aming sofa.


Na-estatwa ako dahil hindi ako makapaniwala. "B-Breeze?"


"Manliligaw mo ba sya?" singit ni Mama na nasa aking likuran. May dala syang mga bilao ng mga kakanin na ititinda nya sa palengke. Sa ayos nya ay halatang paalis na. 


Hindi ako makapagsalita. Ni hindi ko maisatinig na isang mapanganib na tao itong ngayon na nasa pamamahay namin.


"Hindi po." Si Breeze ang sumagot sa tanong ni Mama. "Kaibigan po ako ni Ruby at aalukin ko po sana sya ng negosyo."


Nagliwanag ang mukha ni Mama. "Negosyo?" Bumaling sya sa akin. "Aba, Ruby, magnenegosyo kayo? Maganda iyan! Pero baka naman mapabayaan mo ang pag-aaral mo, ha?!"


Mabuti at kami-kami lang dito. Isinama ni Amang sina Dangdang at Baby Quiro sa park, kaya si Mama lang at ako ang natira sa bahay. Pero kailangan ko ring mailayo si Mama kay Breeze. Nilapitan ko si Mama. "Ah, m-mauna na kayo sa palengke, Ma. P-pag-uusapan lang namin kung mapagkakakitaan nga ang negosyong sinasabi nya."


"Oh, siya sige, maiwan ko na kayo. Kung talagang mapagkakakitaan nga ang negosyo na yan at legal naman, aba e, patusin mo na." 


Nang makaalis na si Mama ay saka ko hinarap si Breeze. Napalunok ako kasabay ng malakas na kabog sa aking dibdib. "A-akala ko..."

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon