Chapter 40

641K 16.5K 3.8K
                                    

Chapter 40


"ERIKA, ARE YOU LISTENING?" Boses ni Cloud Deogracia na gumising sa naglalakbay kong diwa.

Tapos na ang concert. Tatlong kanta lang at natapos na agad, pero ito at meron pa akong hangover. Lutang pa ako ng tingnan si Cloud. Itim na sando pa rin ang suot nya, may suot syang silver dog ta,g at tadtad ng hikaw na naman ang isa niyang tainga. Humahalimuyak rin ang ang nakakarahuyo niyang pabango, at ang presko nya pa ring tingnan kahit pa pawisan ang kanyang makinis na leeg.


Kanina pa pala siya nagsasalita, kaya lang ay lumilipad talaga ang isip ko kaya wala akong matandaan sa mga nasabi niya. Para lang magtigil sya ay tumango na lang ako.


"Tsk." Umiling-iling naman si Cloud. "You're looking at me like you wanna eat me. But, sorry, Erika, I'm taken. Pwede mo na lang siguro akong maging crush. Pero hanggang doon lang. Tingin pero bawal tikim."


"Thanks, but no thanks, Mr. Deogracia." Ew, ha? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito. Saka kanina lang ay ang harot nya, tapos ngayon ay taken na sya?!


Inirapan ko siya. Maliban sa guwapo, mayaman, at sikat ay wala na akong ibang katangiang nakikita sa kanya na puwedeng hangaan. Kaya nagtataka ako kung bakit nagka-crush sa kanya ang bunso kong kapatid.

Sa kanilang lahat sa BOS ay sya ang wala talagang kakuwenta-kuwentang kausap. Sya ang bunso sa kanila at mukhang pang fetus pa rin ang utak. Ewan ko lang kung magma-mature ito kapag talagang na-in love na. Kawawa naman kung sino man ang malas na babae.

Bumalik ako sa malalim na pag-iisip. Sa aking pagkabalisa. Sa bagay na gumugulo sa aking diwa. Hindi mawala sa isip ko si Kyo Montenegro. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ibang-iba siya nang mga sandaling iyon. Nang mga sandaling pinagsasaluhan namin ang isang kanta habang nasa ibabaw kami ng stage.



PANGALAWANG LINGGO NA WALA NA NAMAN SI KYO.


Nasa rehearsal ako ngayon kasama ang tatlo at wala naman si Kyo. Hindi na naman ito napagkikita kahit saan. Iyong huli ay noong biglaang concert pa sa MOA Arena. Pagkatapos ng concert ay naglaho na agad ito.


"Hey, Erika!" Tinabihan ako ni Macoy. Pero may espasyo. Mukha lang din itong maloko pero mas matino-tino ito kumpara kay Cloud. Inabot nito sa akin ang hawak na phone. "Check this out. Someone took a video of you and uploaded it to YouTube."


Namilog ang mga mata ko. "Is it legal?" Kuha iyon sa mismong concert. Iyong huling song namin.


"Of course it is." Si Cloud ang sumagot. "You should be thankful pa nga dahil dito sa viral video na ito, sikat ka na."


Sikat na agad ako?!


"You are now famous, Erika Montenegro," nakangiti na sabi ni Santi. "Fans are craving to see you again on stage as the new vocalist of the band."


Tulala pa rin ako. Ganoon kabilis akong sumikat at natanggap ng fans?! O baka naman curious lang ang lahat sa akin?! O baka rin nakikita lang akong dahilan ng mga ito upang magka-concert ulit ang BOS?!

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon