Chapter 23

634K 19.8K 5.9K
                                    

Chapter 23


ASUL NA MGA MATA NA TILA NAKATITIG HANGGANG SA KALULUWA KO. 


Ang parehong aura, ang parehong kaba sa dibdib ko, at higit sa lahat ay ang litrato ni Erika. Nagkataon lang ba? Pero hindi. Hindi puwede. Dahil dapat mali ako. Dahil ayaw ko nang buhayin pa ang sakit ng kahapon. Ang mga binaon na sa limot ay hindi na dapat hinuhukay pa.


Tama. Hindi ang lalaking ito si Lord K. Hindi siya ito dahil magkaiba ang hairstyle nila. Hindi rin sya kasing mestizo na tulad ni Lord K. Mas malapad din ang kanyang dibdib at balikat. Mas matangkad nang kaunti, bagaman magkasing tindig, at may pagkakapareho rin ang kanilang mga tinig. Basta, hindi siya ito. 


Ayaw ko ng pakaisipin. Ang gusto kong paniwalaan ay mali ako. Dapat mali ako. "K-kilala nyo po ako?" tanong ko sa kabila ng pangangapos ng aking paghinga.


Hindi sya tumugon bagkus ay humakbang sya palampas sa akin. Magaan ang mga hakbang. 


"Kilala niyo po ba ako?" nagpapakatatag na ulit ko. Tatapusin ko na ang misyon na ito para makaalis na sana ako. "Nandito ako dahil—"


Bigla syang nagsalita. "What are you doing here?"


Password, Ruby! Say the magic word!


Napahigop ako ng hangin. "P-Papepe." Shit! Bakit kasi iyon ang naisip ni Pabebest na password, eh!


Umangat ang isa nyang kilay. "You are not the president."


Nanlambot ang mga tuhod ko kaya kusa akong napahagilap dito ng mauupuan. Hinawi ko ang aking palda na hindi kaiksian at hindi rin kahabaan, bago ko inupuan ang hawakan ng isang malaking sofa. Buko na ba ako? Hindi ko na ba magagawa ang misyon?


Tatanggi sana ako nang mapaharap sya sa akin at mag napagtanto ako. Kahit ilang hakbang ang layo ko sa kanya ay iyong harap nya pala ay pantay sa aking ulo.


May naglalaro tuloy sa isip ko. Lalo na't may nakaumbok doon na kung ano. "H-hindi nga po ako..."


Ano ba?! Bakit napaamin ako? Yari ako kay Chiechie nito!


Wala naman syang reaksyon, na para bang inaasahan nya nang tama nga sya. Poker-face! Kainis! 


Pero paano nga kaya nya nalaman na hindi talaga ako ang kanyang katagpo?


Okay, since alam nya na, magpapaliwanag na lang ako. "Ang totoo, iyong kaibigan ko po ang presidente ng fans club mo..." Para akong maamong tupa na nagsasalita. "Nagkataon lang kasi na naaksidente siya, eh may usapan na kayo sa meet up na ito. Kaya ako na lang ang pinapunta niya dahil ayaw nyang makasira sa 'yo." May isa pa akong pakay.


Kailangan kong makuha ang autograph nya bilang birthday gift ko kay Chie-chie.


Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon