Chapter 18

709K 19.5K 7.5K
                                    

Chapter 18

SUMULYAP ULIT AKO SA KANYA. Pang ilang beses na ito pero hindi talaga nakakasawa. Palabas na kami ng mall at tapos na ang movie na pinanood namin. Naka-survive naman sya, habang nagsisisi naman ako kung bakit horror iyong pinili ko. Ayan tuloy, hindi natupad iyong dapat na kissing scene namin. Sa buong sandali kasi nakapikit lang yata sya hanggang sa matapos nang tuluyan ang movie.


Back sa pagsulyap sa pabebe ko. Ang sarap nya lang talagang tingnan. Para syang leading man sa isang hollywood movie. Pwedeng pang-super hero, pang-romance, at puwede ring pang-drama. Minsan napapaisip ako kung bagay ba talaga kaming dalawa. Hindi naman kasi ako ubod ng ganda. Cute lang ako, habang sya ay saksakan ng guwapo. Ni hindi nabawasan ang manliness nya kahit bitbit nya ang bag ko.


Impit akong napangiti at umiwas na ng tingin sa kanya. Oo, sya lahat ang may dala ng gamit ko. Pati na rin iyong binili nya sa aking mga branded na damit ay sya rin ang may dala.


He didn't let me to carry anything. Nagmumukha ko na nga syang alalay dahil nakasunod sya sa akin sa kabila ng marami nyang dala. Mayamaya ay lumapit sa kanya ang kanyang driver. Inabutan sya nito ng cell phone dahil may tawag na naman yata para sa kanya.


"Ah, pabebe ko... saan na tayo pupunta after nito?" I pouted my lips.


"To the chocolate factory."


"C-chocolate factory?"


Nagpatiuna na sya sa paglalakad na may kargadang bitbit hanggang sa mgakabilang mga braso. "I want to give you chocolates."


Hinabol ko sya at humarang sa dinaraanan nya. "B-bumili ka ng chocolate factory para lang bigyan ako ng chocolates?"


"Yeah."


Napabuntong-hininga na ako at kinuha sa kanya ang mga bitbit nya, kahit ayaw nya pang bitiwan noong una. 


"'Lika nga rito." Pagkuwan ay hinila ko sya sa isang sulok. Tiningala ko sya at sinalo ang nagtatanong nyang inosenteng mga mata. 


"Why? Did I do something wrong?" tanong nya na mahina pero kababakasan ng pag-aalala. Cute nya!


Kumalma ako. Hindi ako dapat ma-cute-an sa kanya dahil pangangaralan ko sya. "Listen to me... hindi mo kailangang bumili ng flower shop para bigyan ako ng flowers. Hindi mo rin kailangang dahl ako sa mall mo para lang i-date mo ako. At lalong hindi mo rin kailangang bumili ng chocolate factory para lang bigyang ako ng chocolates."


Bumagsak ang balikat nya. "So I was wrong..."


"Hindi ganoon ang ibig kong sabihin." Humawak ako sa mainit nyang palad. "Actually, sobrang happy ako sa mga ibinigay mo. Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko. Pakiramdam ko ay hindi ko deserve na makatanggap ng mga ganito."


Bahagyang pumaling ang kanyang ulo.


"Kaya para sa akin, ayos lang kahit simple. Kahit bigyan mo lang ako ng bulaklak na pinitas mo sa daan ay okay na. Kahit kumain lang tayo ng fishball sa kalsada ay puwede na. Kahit bilhan mo lang ako ng chocolate sa tindahan ay sapat na. Kahit manood lang tayo ng TV sa kuwarto mo, basta magkasama tayong dalawa. Basta... kasama lang kita... ayos na ayos na..." Natigilan din ako pagkabi ng nga iyon. Really, Ruby? Ganito na ako kasimple ngayon?

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon