Chapter 55

633K 20.4K 4.2K
                                    

Chapter 55


"ARE you out of your mind, Pabebest?! Bakit mo pinag-iigib si baby Kyo?" singhal sa akin ni Chie-chie.


'Baby Kyo?! Eh kung paduguin ko kaya nguso mo?!' Sa isip-isip ko.


Dumalaw sa akin ang pabebest ko, at shookt ang babae nang makitang nasa amin lang naman ang kanyang bias sa Black Omega Society band na si Kyo Montenegro. Hindi pa buo ang explanation ko sa kanya pero aking itinigil na muna. Para kasing hirap pa syang ma-absorb lahat ang mga nauna. Ngayon ay hinayaan ko na lang muna syang sumilay kay Kyo bilang pambawi sa aking panggugulat sa kanya.


Nakatanaw kami kay Kyo na hingal na hingal dahil nakailang balik na sa poso sa di kalayuan sa bahay namin. Pinupuno nya iyong tangke namin na ang katumbas yata ay sampung drum.


Hubad-baro si Kyo at tanging denim jeans lang ang suot. Wala rin siyang suot na sinturon kaya halos bagsak na ang suot na pantalon kahit bahagyang hapit iyon paibaba sa kanyang matambok na pang-upo at mapipintog na mga hita. Kita na rin halos ang garter ng suot niyang color black boxers.


At dahil walang pang-taas ay lantad na lantad ang batuhan niyang dibdib, braso at tiyan. Sakto lang ang katawan niya sa mataas niyang tindig. Mamasa-masa sa pawis kaya nangingintab ang abs niya pababa sa butones ng suot niyang pants. His body was perfection! Kaya hindi ko masisisi si Chie-Chie kung bakit kanina pa siya hindi kumukurap!


"Pabebest! Look at him, hirap na siya!" Pero ang loka sa abs naman ni Kyo nakatingin!


"Gusto mo ring mag-igib?" asar kong tanong sa kanya.


Biglang tumayo si Chie-Chie at sumigaw. "Go Kyo! I know you can do it!!!"


Napabuga ako ng hangin. Pangatlong araw na pala na naririto si Kyo at ang anak nya. Pangatlong araw na rin na ginagawa nya ang lahat ng sinasabi ko. Walang angal. Wala rin kahit tanong. Nagsisibak sya ng kahoy gamit ang palakol sa umaga at gagawing panggatong. Ngunit ang ending ay magluluto si Mama gamit ang gasul namin. Sa gabi naman ay pupunuin nya ang tangke namin para may tubig kami. Pero ang ending ay gagamitin namin iyong tubig namin sa gripo. Pagod na pagod na sya pero hindi sumusuko. 


Ano pa ba ang kailangan ko? Sapat na ba ang lahat ng ito upang tuluyang magpatawad ako? Wala naman na akong nararamdamang galit sa kanya, pero may sakit pa rin ako na nadarama. Sakit hindi dahil sa mga nagawa naming kamalian noon sa isa't isa, kundi sakit kapag nakikita ko sya na kasama si Kia. Kahit kasi may pagkamaldita ang bata ay sweet ito sa kanya. Kahit din limitado ang ekspresyon nya ay makikitang mahal na mahal nya ang bata. At nasasaktan ako dahil doon.


Dapat ko na bang itigil ang lahat ng ito para hindi na ako masaktan?


So I looked at him. Pawisan si Kyo na sinalubong ni Kia. May dalang towel ang bata upang punasan ang pawis ng ama. "Konti pa, Dad, malapit na."


Napahampas naman si Chie-Chie sa akin. "Ah... they're so cute!" Tanggap na rin pala ng pabebest ko na may anak sa pagkabinata ang kanyang idol. 


Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon