Chapter 50

703K 19.4K 11.6K
                                    

Chapter 50


PIGIL na napapangiti si Santi, hindi ito makatingin sa akin. Halos gumulong naman sa kakatawa ang magkaakbay na sina Cloud at Macoy. Bigla ring nawala ang mga kapulisan na kanina'y akala mo na totoong nag-iimbestiga.


Even Kyo was grinning.


Tiningnan ko sya nang pailalim. Nangangapal ang aking mukha sa hiya.


"What?" naka-angat ang sulok ng bibig ni Kyo. Hindi ko malaman kung nang-aasar ba sya o ano.


Ang tarantadong ito, napaamin ako! Akala ko kasi totoo ang lahat. Iyon pala acting lang. Hindi lang iyon. Kasabwat pa nila si Ybarra!


"You, liar!" Tumayo ako at pinaghahampas ko sya sa dibdib.


Lalong nagtawanan naman ang mga walanghiya nyang kaibigan.


Hinwakan ni Kyo ang magkabila kong pulso nang mariin. "Hahalikan kita kapag hindi ka tumigil."


Nakakawala ako sa kanya kaya nasampal ko sya. "Eh, di halikan mo!"


Mabilis nyang ikinulong ang aking mukha gamit ang kanyang mga palad. Siniil nya ako ng halik. Mariin.


Itinulak ko sya at muling sinampal. "Buwiset ka!"


"I wanna hear it again, Ruby," mapupungay ang mga mata na sabi nya sa akin.


"Ano bang sinasabi mo?!" singhal ko.


"Iyong mga sinabi mo kanina."


"Iyong mga sinabi mo kanina habang umiiyak ka, Ruby." Singit ni Ybarra. Lalo yatang lumawak ang kanyang noo ngayong wala na ang kanyang kilay.


"Shut up! Baka gusto mong ipaahit ko rin sa'yo iyang buhok mo!"


"That is not going to happen. Baka nakakalimutan mo? Pinirmahan mo na ang papeles ko. Nasa akin na ulit ang mga kayamanan ko."


"Don't worry about Breeze, Ruby." Si Santi. "The Black Omega Society Brotherhood will take care of him. Ihaharap namin sya sa'yo one of these days."


"We're not your enemies," ani Cloud. "We are here to help you."

Nagpahid ako nang luha. "Not an enemy?" Itinuro ko si Kyo. "Eh, sinaktan ako ng lalaking ito noon! Paanong hindi enemy?!"


Nagtutulele si Cloud at tamad na tumingin sa aming dalawa ni Kyo. "Sinaktan mo rin naman sya ngayon. Hindi pa ba kayo patas? Tsk, complicated naman talaga ma in love!"


Humawak si Macoy sa balikat ni Kyo. "Mahal nyo pa ang isa't isa, di ba? Nagsisisi na kayo sa mga nagawa nyo at handa naman kayong bumawi at magbago, di ba? Siguro sapat na iyon, unless gusto nyo na talagang tapusin. E di wala na dapat usapang ganito. Pero heto at katatapos nyo nga lang mag-drama dito."

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon