Chapter 16

752K 21.1K 11.6K
                                    

Chapter 16


YBARRA WAS right. Walang alam si K sa pakikipagrelasyon. Ang pagkakaalam nya, bilang isang kasintahan nya, ay comfort woman nya ako o fuck-buddy. Nasaan na iyong sinasabi nyang love me harder? Eh, wala namang ibang hard sa kanya kundi iyong kanyang ano? Ano ito, gaguhan?


Hindi ko kinaya nang aking marinig ko sagot nya, kaya kusang umangat ang aking mga palad upang sampalin sya. Subalit bago iyon dumapo sa kanyang pisngi ay nasalo nya agad ang pulso ko. Kainis naman ang reflexes nya!


His face frowned at me. "What the hell are you doing?"


Nanghihina ako ngunit nagawa ko pang bawiin sa kanya ang aking kamay. Marami sana akong gustong sabihin sa kanya pero nawala na ang mga iyon. Pumihit ako at nanakbo. Wala akong ibang gusto kundi ang makalayo sa lugar na ito, at higit lalo ay sa kanya. 


Bakit ba pabago-bago pa rin ako sa kanya? Bakit ba umaasa pa ako sa kanya? Bakit hindi ko pa rin matanggap na hindi sya ordinaryong tao. Alien sya! Wala syang alam kundi fuck and kill and repeat!


Ang sakit. Ang sakit-sakit lang kasi naniwala ako. Nagtiwala ako! Ang tanga-tanga ko! Bakit ako umasa na mababago sya? Hindi magbabago ang isang tao kung ayaw nito! Dahil ang tunay na nagmamahal ay may pakiramdam. Alam nito kung kailan masaya ang minamahal at kung kailan ito nasasaktan!

Lakad-takbo ako sa gilid ng kalsada habang luhaan, nang may sumabay sa akin na isang itim na kotse na madilim ang lo. Hindi ko na iyon dapat pansinin nang bigla akong hintuan. Nang lingunin ko ay aking nasilayan ang perpektong mukha ng hindi perpektong lalaki, na dahilan kung bakit ako ngayon nasasaktan.


Bakit sya nandito? Di ba galit sya dahil balak ko syang sampalin? At bakit sinundan nya ako sa halip na binalikan ang fiancee nya roon sa loob ng restaurant?!


"Get in."


Nakabaling lang ako sa kanya na tila ba hibang at wala sa sarili. I should be mad at him but something in his eyes chilled me out. Maybe I needed to talk to him no matter how hard it might be. Isa pa, gumaan rin ang pakiramdam ko sa isiping iniwan nya ang kanyang fiancee doon sa restaurant para kausapin ako. Kaya heto ako at pabebeng naglalakad papasok sa kanyang kotse.


Ngunit pagbukas ko ng pinto sa passenger seat ay nabigla ako. Sa tabi nya kasi ay prenteng nakaupo si Mari na hindi man lang ako nilingon.


"At the backseat, Ruby." utos ni Lord K na nasa driver seat.


Matagal pa ako bago nakakilos. Parang robot na tinungo ko ang backseat. Nang makaupo ako sa likuran nila ay mas lalong naging parang gripo sa luha ang mga mata ko. Ayaw ko sanang makita ako ng fiancee nya na ganito, pero anong gagawin ko? Hindi ko nga maawat ang mga luha ko!


Minaneho na niya ang kotse. Nang mapadaan sa isang kalsada kung saan may nakaparadang taxi ay tumigil sya, at doon ay walang imik na basta bumaba si Mari. Ako ay natatanga pa rin dito at hindi mawari kung ano ba talaga ang nangyayari.


Umandar muli ang sasakyan at dumaan ito sa pamilyar na daan. Pihadong dadalhin na naman nya ako sa kanyang mansyon. Anong gagawin namin doon? Ayaw ko! Ayaw ko na!

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon