Chapter 54

584K 18.2K 4.1K
                                    

Chapter 54


ANG KAPAL TALAGA NG LALAKING ITO!


Matapos nyang hindi magpakita ng ilang araw, matapos magpa-miss nang sobra, at matapos akong pag-alalahanin, ay bigla syang darating para makitira dito sa bahay namin?! 


At idinawit nya pa ang anak niya! Isinama nya rito sa bahay nila Mama si Kia para may isangkalan sa akin. Porket alam niyang malapit na sa akin iyong bata ay gagamitin niya na! Aba, magaling siya!


Akala nya yata ay makakadagdag iyon ng pogi points. Ang hindi nya alam ay hindi ko pa rin sya hahayaang maka-score. Galit pa rin ako sa kanya. O pwede ring nagtatampo. Matapos akong makalabas sa hospital ay hindi ko na nakita kahit ang dulo ng buhok niya. Ni wala man lang siyang pasabi kung ano ng nangyayari sa kanya. Ni hindi niya inisip na baka nag-aalala ako sa kanya. Parang kagaya ng dati, iyong para bang wala syang pakialam sa akin. Parang balewala na naman ako. Ni hindi niya nga yata ako naaalala sa ilang araw na wala siyang paramdam. 


Ayaw ko na ng ganito. Nakakapagod at nakakasawa na. Hindi ko pa rin ma-spelling ang ugali niya. Palagi na lang akong nanghuhula at nangangapa.


Pagkatapos ngayon nga ay bigla-bigla siyang susulpot bitbit ang maleta nilang mag-ama. At di lang iyon, heto at katabi ko siya sa kama. Eh, wala naman kasi silang ibang tutulugan. Naka-lock kasi lahat ng guestrooms namin, at nawawala raw ang mga susi ayon kay Amang.


At ito nga, dito siya sa kama ko nakahiga. At dahil nandito sya kaya hindi ako makatulog! Kanina ay nasa lapag sya, pero naawa naman ako kaya pinahiga ko rito sa kama, na isang wrong move pala!


Sino bang makakatulog kung ganito at ang bango-bango at ang guwapo ng katabi mo? Ang malala pa, ang likot ng kamay niya. Kung saan-saan nakakarating.


"Pabebe ko..." ungot niya.


Tinabig ko sya palayo. "Ano ba kasi..."


Sa likuran nya ay naroon lang si Kia na mahimbing pa rin ang tulog. Tabi-tabi kami, malaki naman kasi ang kama ko na ipinabili pa ni Mama. Queen size. Kasya kaming tatlo, pero itong si Kyo kung makadikit sa akin ay parang wala ng espasyo.


"Hindi ka ba nahihiya sa anak mo?" inis kong sita sa kanya. Baka kasi marinig kami ng bata.


"I'm just hugging you."


Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay. Ano ba talaga ang tumatakbo sa utak ng lalaking ito? Puwede ko kayang buksan ang ulo nya para aking makita? Sobrang curious kasi ako.


"I miss you, Ruby. And I'm sorry. I know you're upset because I just showed up now. I really wanted to come see you, but I had to take care of certain things first. Ang kaso ni Rom, si Kia, at si Lander. Gusto ko kasi na pag nasa 'yo na ako, wala na akong ibang aasikasuhin pa."


Matatalim ang mga mata ko sa kanya pero nanunubig na. Ngayon lang sya sa akin nagpaliwanag nang ganito. Dati kasi ay hindi sya marunong, o kaya ay magulo at kulang ang mga salita nya. Kaya nga nagkalabo-labo kami dahil wala kaming matinong komunikasyon. Pero nagtatampo pa rin ako kaya lumayo pa rin ako sa kanya. "Bakit hindi ka man lang nagsabi o nagparamdam? Sana sinabihan mo man lang ako para hindi ako nag-alala!"

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon