Chapter 36

688K 21.6K 7.7K
                                    

Chapter 36


AKO BA TALAGA ANG MAGANDANG ITO?


Bughaw na bughaw ang mga mata, manipis ang ilong, mapupulang mga labi, at napakakinis ng maputing balat. Lahat ay dating hindi naman ganito. Dahil ibang tao na nga raw ako. Ayon sa dokumento na ibinigay sa akin ni Rom, hindi na ako si Ruby Castillo, kundi ako na si Erika Montenegro.


Hashtag pabebeng Montenegro.


"You're staring at the mirror again," tinig na mula sa aking likuran.


It was Romnick Montenegro. Nakakakita na siya ulit. Matapos ang ilang taong paghihintay, nakakuha na rin siya ng donor para sa kanyang bagong mga mata. He went to the US for an eye surgery, and after five months ay bumalik na sya. Bumalik na syang itim na ang mga mata. Ang daming hindi kapani-paniwala, pero ganoon yata talaga kapag mapera, nagagawa ang kahit imposibleng bagay.


Tinanong ko kay Dr. Preston Salvador kung gaano kaposible ang eye surgery na mapapalitan ang kulay ng mga mata, pero ngumisi lang sa akin ang doktor na iyon. Nang wala akong bantay ay sumalisi ako sa computer sa laboratory para mag-search, pero imposible ang lahat ng paliwanag na nakita ko sa internet. As in imposible at delikado. 


Lumapit si Rom sa gilid ng kama na aking kinauupuan. May dala syang tray ng pagkain na inilapag nya sa aking bedside table. "Come on, Erika. It's been a year since you the day you first saw your new appearance. Pero hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin makapaniwala na ikaw nga iyan."


Ang iritableng timbre ng boses ni Rom ay lumalabas sa tuwing nakikita niya akong ganito, iyong namamangha sa aking bagong anyo. Ang gusto niya kasi ay tuluyan na akong masanay sa kung ano at sino ako ngayon. Ang gusto niya ay yakapin ko na nang tuluyan ang bago kong katauhan.


Sa loob ng mga nagdaang buwan ay araw-araw akong sumasailalim sa iba't ibang therapy para tuluyan na akong gumaling. Sa loob din ng mga nagdaang buwan ay araw-araw akong binibisita ng iba't ibang foreign tutor na kinuha niya para sa akin. Lahat ng elite etiquettes ay itinuturo sa akin, mula sa tama at may class na pananalita, pagkilos, pakikisalamuha, pananamit, at pagkain. 


English only policy rin dito sa laboratory. Bawal daw akong kausapin ng pa-Tagalog dahil kailangan ko nang masanay maging sosyal. Araw-araw ang pagsasanay ko para tuluyan nang maibaon sa limot ang jologs na si Ruby Castillo. Medyo nasasanay na nga ako. Pati tuloy POV ko ay na-sho-shookt na lang ako dahil minsan ay spokening dollar na rin.


Kung siguro ay ako pa rin ang dating maarte, pasosyal at feeling rich kid na Ruby Castillo ay siguro masayang-masaya akong maging si Erika Montenegro ngayon. Pero nag-iba na kasi ako sa paglipas ng panahon... 


"Listen to me." He lifted my chin with his finger. "You have to be strong. You can't be Ruby anymore. If you walk out through that door with that name, believe me, in just a few hours you'll be in jail."


Oo na, alam ko naman. Alam ko na sa kulungan ang bagsak ko at tiyak din na mapapahamak ang pamilya ko sa Cebu kapag nalaman ng mga awtoridad na ako si Ruby Castillo. Pero hindi ito ang inaalala ko ngayon. Nangangamba kasi ako roon sa pagkain na kaharap ko. May palagay akong iba ito sa iniisip kong putahe.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon