EPILOGUE

852K 21.1K 8.8K
                                    

LOVE ME HARDER EPILOGUE


NAKATUTOK sa akin ang bughaw niyang mga mata habang bahagyang nakataas ang sulok ng kanyang mapupulang mga labi. Unti-unti syang humakbang upang lapitan ako.


Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mga mata. Gusto ko ng umiyak at yakapin siya. Gusto ko na syang halikan dahil miss na miss ko na sya. Pero nagpigil ako. Gusto ko na magkausap muna kaming dalawa. "A-ano pala ang sabi mo kanina?" Pilit akong nagpapakakaswal kahit ang totoo ay piyok-piyok na ang boses ko. 


"Ang sabi ko, kung pwede ba akong magpa-autograph?"


Mabuti na lang at nakayanan ko pang gumalaw. Umiling ako.


He frowned. "Why not?"


"I-I only sign on boxers..." pumiyok ako.


Naningkit ang kulay karagatan niyang mga mata. "Seriously?"


"Okay, we're done." Tinalikuran ko sya. Nakuha ko pang mag-inarte! E, kasi naman, pinaghanap nya pa ako! Malamang na pinapanood nya ako kanina habang mukha akong hilong talong sa kakahanap sa kanya!


Akma na akong hahakbang nang awatin nya ako. "Wait! Eto na nga, oh."


Isa-isa ng pumatak ang mga luha ko. "B-bakit ang tagal mong nawala?" Nang humarap ako sa kanya ay umiiyak na ako. Hindi ko na kasi napigil ang pagbagsak ng aking mga luha.


Natigil siya sa pagkakalas ng sinturon sa suot niyang pantalon.


Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. "Sabi ko space lang... hindi ko sinabing maglaho ka na parang bula! At saka 'wag kang maghubad dito!"


"I thought you'd only sign on my boxers?"


"Mamaya na lang ang autograph mo 'pag solo na kita." Lumabi ako. "S-saan ka ba nagpunta, ha?" Nilapitan ko siya at hinampas. "B-bakit ngayon ka lang nagpakita?"


He was just looking at me.


"H-hinanap kita pero hindi kita makiya. T-tinatawagan kita pero di kita ma-contact. Nag-message ako sa FB mo pero wala kang reply. K-kahit seen zone wala..." Napahikbi na ako. "G-gusto ko lang naman sanang sabihin sa'yo na miss na miss na kita... Na handa na ako... Na bumalik ka na, hindi na ako galit..."


Bigla siyang humakbang palapit sa akin hanggang sa tumama na ang katawan ko sa kanya. Hanggang sa halos magpalitan na kami ng paghinga sa sobrang lapit namin sa isa't isa.


Tumungo siya at walang pasabi na siniil ako ng makapugtong hiningang halik.


Napapikit ako saktong lumapat ang mainit niyang mga labi sa akin. Maalab, may pananabik at marahas ngunit hindi sa mapanakit na paraan.


He kissed my lips like his life depended on it. Nakakawala sa huwisyo ang klase ng pag-angkin niya sa mga labi ko.


Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon