Chapter 35

744K 19.9K 13.3K
                                    

Chapter 35


"ARE you sure na hindi mo isusuplong ang tarantadong iyon? I could make a call if you want?" pagpupumilit ni Rom habang nakatanaw kami sa barkong nakatakda kong sakyan papuntang Mindoro.


Binilhan nya ako  roon ng maliit ng bahay kung saan ako magtatago, habang inaasikaso nya kung paano mapapatumba ang Triad. Oo, sya ang tutulong para malutas ang tunkol kay Breeze. Ang tindi ng iyak ko habang nagpapasalamat nang sabihin nyang kaya nyang lutasin ang problema na nagpapahirap sa akin. Hindi ko akalain na pag-aaksayahan nya ng pera, koneksyon, at oras ang katulad ko.


Humarap ako kay Rom. Nasa loob kami ng kotse nya, sya ay nasa nasa driver's seat at ako sa passenger's seat. Naka-park kami malapit sa pier. Hindi ako natatakot sa kanya kahit ipinagtapat nya na hindi lang sya basta doktor, na parte pa rin sya ng emperyo ni Ybarra Montenegro, dahil iyon ang kailangan ko ngayon. Ang kapangyarihan at koneksyon na meron sya.


Hinimas nya ang balikat ko. "'Wag kang mag-alala, Ruby, magiging ligtas ang pamilya mo habang nagtatago ka. Naroon na ang mga tauhan ko na palihim na nakabantay sa kanila."


Tumango ako habang lumuluha. Maluwag na sa aking dibdib ang pag-alis dahil alam kong may mga nakabantay na sa aking pamilya at dahil alam kong tutugisin na ng mga koneksyon ni Rom ang Triad na kinabibilangan ni Breeze. 


Oo, aalis na ako, iiwan ko na ang lahat. Ako ang nagdala ng problema, ako ang problema, kaya ako isa ako sa dapat mawala. Ang sabi rin ni Rom ay mas makabubuti na umalis na ako para mas mapadali ang operasyon. Hindi involved ang kapulisan, kundi mga pribadong sibilyan na  tauhan nya, at ang koneksyon nya sa underground ang gagamitin nya para pabagsakin ang triad na nagpapahirap sa akin.


Niyakap ako ni Rom. "I promise that everything will be okay, baby."


Pinagtapat nya na rin ang tunay na nararamdaman nya sa akin. Mahal nya ako ng higit pa sa kaibigan. Hindi dahil nakikita nya na kamukha ko ang dati nyang asawa. Kundi dahil mahal nya ako bilang ako. Alam ko naman, ramdam ko naman noon pa, pero hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong isukli sa kanya.


Napasulyap sya sa oras na nasa stereo ng kotse. "Oh, his wedding is about to start." Ipinakita nya sa akin kanina ang wedding invitation na ngayong araw na ito gaganapin. 


Ang kasal ni Kyo kay Mari. Tuloy na nga talaga. Kaya walang paramdam sa akin ang lalaking iyon dahil busy sya. Masaya rin siguro ngayon si Ybarra, dahil mas lalaki na ang emperyo nito sa tulong ng ama ni Mari na kaisa nila sa negosyo.


"Be strong, Ruby..." Doon ko lang napagtanto ang luha sa aking mga mata. "Sa ngayon ay dapat masaya ka na okupado si Kyo, kaya hindi nya maiisipang balikan ang pamilya mo dahil sa pag-alis mo."


Tumango ako at nagpunas ng luha.


"Hindi rin naman siguro sya gagawa ng kahit ano sa pamilya mo dahil kapamilya nyo na rin ngayon ang leader ng fraternity nila."


Rom was right. Hindi magagawang saktan ni Kyo ang pamilya ko dahil malaki ang respeto ng lalaki kay Terrence Montemator Saavedra na napangasawa ni ate Rosenda.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon