Chapter 12

829K 20.7K 6.2K
                                    

Chapter 12


 ANO KAYANG ORAS na? Napahaba pala ang tulog ko. Pagod na pagod kasi ang buong katawan ko dahil sa magdamag kami kagabi ng mahal ko.


Magdamag nagtitigan. Syempre, na-miss namin ang isa't isa. 


Pagdating namin sa place nya ay isinuot nya ang kanyang maskara sa mga mata, kapalit ng shades. Hindi pa rin buo ang tiwala nya sa sarili. Sa kabila ng pagiging malamig nya sa panlabas, ang loob nya ay nananatili pa rin durok at nangangailangan pa ng lakas. Nang yakapin nya ako nang mahigpit ay para bang sinasabi nya sa akin na ako iyon. Ako iyong kailangan nya.


Kung paano nya rin ako titigan ay ramdam na ramdam ko na hindi nya ako kayang mawala. Hindi ko rin pala kaya na pabayaan sya. Napagdesisyunan ko na manatili sa tabi nya. Gagawin ko syang malakas hindi lang para sa sarili nya, kundi para sa akin na rin. Kung talagang mahal nya ako, kailangan nya akong protektahan, pati na rin ang mga taong mahalaga sa akin.


Tumagilid ako paharap sa kanya. Katabi ko sya sa malaki nyang kama, kapwa nakahubad, subalit maniwala man kayo, o sa hindi, natulog lang kami na magkayakap. Kuntento na kami na maramdaman ang init ng katawan ng isa't isa.


Napangiti ako nang makitang tulog na tulog pa sya. Parang baby na mahimbing. Para bang ngayon lang sya nakaranas nang tulog na payapa at walang inaalala. Malaya ko tuloy na napagmasdan ang kanyang mukha.


Ang ganda talaga ng pagkakatangos ng kanyang ilong, Ang hahaba ng kanyang pilik-mata na nakikita sa suot nyang itim na maskata, bumabagay iyon sa kanyang mapupulang mga labi. Napakaguwapong nilalang. Parang anghel na hindi kakayaning gumawa ng anumang kasamaan.


Tama. Hindi bagay sa kanya ang gumawa pa ng masama. Ang kailangan nya ay tunay na gabay, tunay na patnubay, na hindi naibigay ng tatay nyang plakado ang kilay! 

  

Hawig din ng pabebe ko si Don Ybarra, pero hindi hawig na hawig. Siguro kung may nakuha man sya rito ay iyong tangkad nya at kulay ng mga mata. Hmn, speaking of his eyes. Ano nga kaya ang itsura niya kapag wala siyang maskara sa mga mata? Malamang mas guwapo pa ang buong mukha nya sa iniisip ko.


Ano kaya't tanggalin ko ang suot nyang maskara? Samantalahin ko kaya habang mahimbing ang pagtulog nya? Mali. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko sya dapat pangunahan. Kung ano ang dahilan nya sa pagmamaskara, alam ko na dulot iyon ng kung ano mang trauma. Maghihintay na lang ako kapag handa na sya.


Bumangon ako at hinaplos ng aking mga daliri ang malambot niyang buhok. Ang sarap pa rin ng kanyang tulog. Dahil nakabangon ay nahulog ang kumot na takit sa aking dibdib. Sakto naman na biglang bumukas ang pinto, at mula roon ay isang matandang babae ang pumasok.


Agad kong itinabing sa aking hubad na katawan itong kumot. "W-who you po?!"


Ang mga mata ng matandang babae ay tumitig din sa akin. Napanganga naman ako nang matiyak na kulay blue rin ang mga mata nito. Kamaganak ba ito ng pabebe ko? 


Nabura din ang tanong ko sa isip dahil sa nakitang nakasuot ito ng maid's uniform. Bukod pa sa hindi sila magkamukha kahit kaunti, ay Filipino features din ang lahat ng makikita rito. Except na lang talaga sa kulay ng mga mata.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon