Chapter 25

621K 19.1K 3.1K
                                    

Chapter 25


SI KYO NGA!


Iyong pag-iyak ko biglang naging tears of joy.


Hindi niya ako iniwan!


Hindi niya ako pinaasa lang! Mas lalong hindi siya nagti-trip lang! At higit sa lahat... hinintay niya ako! Hinintay niya ako kanina pang madaling araw!


Ang ikinatutuwa ko pa ay tuwid na sya managalog. Ang sarap kasi sa tainga ng kanyang tinig lalo na't sa wikang Filipino.


At in fairness, nakilala ko siya agad kahit pa parang iba ang ayos niya ngayon. Naka-dark shades siya kaya tanging ang matangos na ilong lang niya at ang mapupulang labi ang aking nakikita. Pero kabisado ko na kasi ang tindig nya, ang bango nya, at kinalabog agad ng buong-buong boses niya ang dibdib ko, kaya paanong di ko siya makikilala?


Naka-hoody sweater nga pala siyang kulay itim ngayon at ang hood ay nakataklob sa ulo niya at as usual, medyo hapit ang pantalon niya mula sa itaas patungo sa kanyang binti. Sa loob ng hoody niya ay isang plain white shirt. Para siyang magja-jogging rito sa airport.


Ngiting-ngiti na ako nang biglang tumunog ang kanyang tiyan. Napatingin ako doon.


"This is your fault kungbakit nagugutom na ako."


Cute nya!


Napalabi ako sa kanya. "S-sorry..."


"I will not tolerate you this time. I should punish you later."


Punishment? Gusto ko yan!


O di ba? Nakalimot nang five years ago lang ay grabe akong nasaktan. Ngayon ay mukhang ready na naman!


Kinuha nya ang aking kamay. Wala na naman akong nagawa kundi ang magpatianod nang hilahin nya ako.


"S-saan tayo pupunta?"


Wala syang imik habang naglalakad sya at hila-hila ako. Tamad nga pala ang lalaking ito na sumagot sa mga tanong ko. O kung papalarin pa ako ay sa sampung tanong ko, isa ang sasagutin nya.


Di kami masyadong pansin ng mga tao sa paligid dahil nga sa ayos nya. Mukha lang syang boyfriend na gwapo at mabango, pero hindi member ng Black Omega Society band. Ito nga siguro ang kanyang plano.


Malayo pa lang kami sa exit ay may mga sumalubong na sa aming unipormadong lalaki. Naka-shades din ang mga ito at naka-coat ng itim na kagaya ng mga napapanuod ko sa isang action movie.


Pinasunod kami ng mga ito sa isang parte ng airport na iba ang daan kaysa sa ibang mga pasahero. Sa labas ay may isang maliit na eroplano. Sa di kalayuan ay natatanaw ko ang isang eroplanong hindi kalakihan. Isang private jet na sa TV at magazine ko lang madalas nakikita. Pumreno ang aking mga paa nang mapagtanto na doon kami pupunta.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon