Chapter 53

647K 21K 9.7K
                                    

Chapter 53


NANGILID ang mga luha ko nang aking makita si Kyo. Nahihilo pa ako at masakit pa ang aking sikmura kaya hindi ko masabi kung panaginip lang ito o parte ng aking pagdedeliryo. Pero kahit ano pa ito, masaya ako na muling makita sya. Kahit sa pangarap lang ay maramdaman ko na ligtas na ako.


Nagtagis ang kanyang mga ngipin nang makita nya ang kalagayan ko. Saka ko lang naalala kung gaano ako kamiserable ngayon. May putok ako sa labi, may sugat sa gilid ng aking noo at nanghihinang nakaupo sa sahig. "Kyo..." Kung ganoon ay totoo sya. Totoo nga na nandito sya!


Kitang-kita ko ang madilim niyang mukha, para siyang papatay ano mang oras.


Namumutlang nilingon ni Rom ang mga lalaki. "W-what the hell are you doing here!?"


Paano'y hindi lang nag-iisa si Kyo. Kasama nya ang ang buong miyembro ng Black Omega Society. Hindi lang ang banda, kundi ang buong undreground elite fraternity.


Tumutok ng baril si Rom sa kanila. "P-paano kayo nakapasok dito?"


"Simple lang," ani Cloud. "Dumaan kami sa pinto."


Nanginig na ang pagkakahawak ni Rom sa baril. "How did you get past my men?! I'm sure by now ay alam na nila na naririto kayo! Ilang piraso lang kayo kumpara sa isang daang tauhan ko!" 


"Hindi mo na maaasahan ang mga tauhan mo, Rom." Macoy said abruptly. Natatawa pa ito. "Nananaginip na sila ngayon."


"The Saavedra Phoenixes took care of them," ani naman ni Terrence Montemayor Saavedra. Nasa likuran ito nina Macoy. Nakaitim na shirt at jeans habang ang kulay tsokolateng mga mata ay lumiliyab sa lamig. "You have messed with the wrong woman, Romnick Montenegro."


Ang ibang kasama pa nila ay nagsipagpalagutukan na ng mga kamao. Iyong iba ay nagpatunog ng leeg. Si Macoy ay ngising-ngisi na nagsalita, "Yeah, you've made the biggest mistake of your life. You see these brothers who are with us, mga bored na to sa gym kaya sumama rito sa amin. Nabitin pa sila sa bakbakan sa labas kasi dumating ang Saavedra Phoenixes, kaya sinama na namin dito sa loob."


"Dammit!" Napamura si Rom, pagkuwan ay bumaling ito kau Breeze. "Pagbabarilin mo sila!"


"Wag mo ng subukan, Breeze." Nakangising pinaglalaruan ni Cloud sa mga palad ang isang garapon. "Hawak namin ang titi mo."


Napalunok si Breeze. "Mga putangina nyo!" subalit akma pa lang nitong kakalabitin ang gatilyo ay nahawakan na ni Kyo ang hawak nitong baril.


Mabilis na nakalapit si Kyo sa lalaki at walang kahirap-hirap na pina-ikot ang katawan nito sa ere. Parang katulad niyong mga action movie na napapanood ko sa tv.


Namalayan na lang ni Breeze na nakalupagi na sya sa sahig. Tulala ito at tila ba hindi makapaniwala. Napakabilis kasi ng mga pangyayari. He was an ex soldier pero ganoon sya kadaling nagapi. Maging ako ay napanganga sa mga pangyayari.


Hawak na ni Kyo ang baril ni Breeze, at kalmado lamang na naglakad upang lampasan ito. Dumeretso ng tingin kay Rom. "Let me handle this," sabi nya sa mga kasama.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon