Chapter 3
Tahimik lang na naglalakad si Tamar, patungong sakayan ng dyip. Habang naglalakad, hindi niya napansin ang isang babae kaya nabangga niya ito.
"Sorry." Malungkot niyang wika.
Tiningnan namang mabuti ng babae ang mukha ni Tamar na wari mo ay sinusuri. Napangiti naman si Tamar ng mapansing nakangiti ang babae sa kanya.
"Sorry talaga hindi kita napansin kaya nabangga kita."
"Sus ayos lang iyon. Walang problema. Pero namumutla ka. Gusto mo bang dalahin kita sa clinic?" Tanong nito kaya mabilis siyang umiling.
"Kagagaling ko lang dyan ngayon." Mapait niyang tugon.
"Mukhang malaki talaga ang problema mo ah. Hindi ako sigurado, but I guess may maiitulong ako." Nakangising wika ng babae na hindi maintindihan ni Tamar.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala naman, pero may itatanong ako sayo." Bulong ng babae at hinila pa si Tamar sa isang gilid na wala gaanong dumaraan. Nagpatianod lang naman si Tamar sa ginawang paghila ng babaeng hindi niya kilala.
"Anong ginagawa natin dito? At isa pa sino ka?" Naguguluhang tanong ni Tamar na ikinaayos ng babae sa kanyang pagkakatayo.
"Ako nga pala si Marione. Bali nagtatrabaho ako sa isang club." Bulong nito na bahagyang nagpagulat kay Tamar.
"Sandali lang. Paano ka naman makakatulong sa problema ko?"
"Virgin ka pa ba?" Tanong ni Marione na literal na nagpalaki ng mata ni Tamar. Naeeskandalo siya sa tanong nito.
"Huh? Seryoso ka sa tanong mo? Iyan talaga ang itatanong mo? Mas itatanong mo pa iyan kay sa pangalan ko?" Halos magpaypay si Tamar ng kamay dahil nag-iinit siya sa tanong na iyon ni Marione.
"Okay, sa reaksyon mo, virgin kang talaga. Anong pangalan mo?"
"Pwede ba wag kang maingay! Naeeskandalo ako sayo eh." Aniya na tinawanan lang ni Marione.
"See, virgin talaga. Anong pangalan mo?"
"Simmon." Walang gatol na wika ni Tamar. Kung tutuusin naman ay hindi siya nagsisinungaling. Kinuha lang naman niya ang Simmon sa second name niya na Persimmon. Medyo natatakot pa rin siya sa babaeng kaharap. Naiisip pa niyang baka binubudol lang siya nito.
"Okay Simmon, magpapakilala ako sayo at mukhang natatakot ka na sa akin. Hindi naman ako masamang tao. Pero dahil sa kahirapan, kailangan kong kumapit sa patalim. Pero hindi ito illegal drugs okay. Umalis ang isang stripper namin sa club. And need namin ng pap----."
"Ayaw ko. Hindi ko kayang gawin ang sinasabi mo." Putol ni Tamar sa sasabihin ni Marione.
"Pag-isipan mo. Hindi naman kita mamadaliin. Ako desperadong, makahanap ng isa pa sa amin. Malaki din ang kitaan. Maghuhubad ka lang kasama ng isang lalaki sa madilim na kwarto. Wala siyang gagawin kundi panonoorin ka lang. If may extra curricular man kayong gawin. Depende na iyon sa iyo kung gusto mo. Kund ayaw mo, pwede ka namang tumanggi." Paliwanag ni Marione pero sunod-sunod pa rin ang pag-iling ni Tamar.
"Ayaw ko. Hindi ko kaya."
"Ikaw ang bahala. Pero tanggapin mo itong card. Tawagan mo ako kung magbabago ang isipan mo. At baka nagtataka ka kung bakit ikaw ang nilapitan ko. Hindi mo pati sinasadya ang pagkakabangga sa akin dahil ako ang bumangga talaga sayo. Napansin ko kasi na mukha kang problemado at galing kang clinic. Malamang kailangan mo ng pera. So ayan, lang ang masasabi ko. Sana magbago ang isipan mo." Anito kaya napatitig si Tamar kay Marione.
"Bakit ako? Hindi lang naman ako ang nag-iisang lumabas ng clinic na mukhang problemado." Naguguluhan niyang tanong.
"Dahil ikaw lang na nakita kong, may sexy body with beauty. Pak na pak, ang kagandahan mo Simmon. Sure na mabenta yan sa mga mayayamang suki ng club. Isa pa malayo pa lang kita ko na ang natural beauty mo, maliban sa medyo maputla ka talaga ngayon." Halos mapangiwi si Marione sa huling sinabi nito.
BINABASA MO ANG
His Maid Stripper (Hooker Series 14)
RomanceBlurb Masayahin at hindi kakikitaan ng problema, iyan si Tamar Persimmon Rodriguez. Sa simpleng buhay ay kontento na siya. Hanggang sa maagang binawi ng langit ang kanyang pamilya. Lumuwas siya ng Maynila, para makipagsapalaran. Naging katulong siya...