Chapter 13
Napailing na lang si Alarik ng pagbalik niya ng table ay nakangising mukha ng tatlo ang tumambad sa kanya. Nandoon pa ang mga mapanundyong tingin ng mga ito.
"What!" Paasik niyang sabi sabay upo sa upuang nakalaan sa kanya.
"Kumusta?" Tumataas pang kilay ni Lindon at mukhang excited sa sasabihin niya.
"Anong kumusta?" Baliwala niyang sagot sabay inom ng alak.
"Hindi mo man lang nakuha ang stripper na pinili mo? Mahina." Napapailing pang saad ni Lindon.
Napangiti naman si Alarik ng maalala na naman ang halik na pinagsaluhan nila ng babae. Pero agad din siyang napakunot ng noo ng maalala ang babae sa panaginip niya. "Weird." Hindi niya mapigilang sambit na rinig naman ng tatlo.
"Anong weird?" Sabay-sabay pang tanong ng mga ito sa kanya.
"Ah, wala." Ipinapatuloy na lang ni Alarik ang pag-inom pero hindi naman siya tinantanan ng tatlo sa kakukulit kung ano ang nangyari sa darkroom.
"Ang tsismoso ninyong tatlo. Walang nangyari. Hindi ko rin hinayaang makapaghubad iyong babae. Pero masasabi kong maganda si Simmon kahit may takip ang kalahati ng mukha niya at kita lang ang mga mata."
"Woooh. Bakit parang gusto ko ding makita yang Simmon na iyan? Maagap pa naman. Pwede pang makita." Ani Arnold ng ibagsak ni Alarik ang hawak na alak
"Bakit?" Tanong ng tatlo na hindi naman masagot ni Alarik. Paano niya sasabihin ang pinag-usapan nila ni Simmon.
"Hayaan na ninyo si Alarik. Minsan lang yang, bumakod. Sa isang stripper. Pagbigyan n'yo na." Sabat ni Harry kaya natawa na lang din ang dalawa.
Natahimik naman si Alarik. "Ano bang meron sa babaeng iyon bakit parang, kinulam yata ako?" Tanong niya sa sarili at napailing na lang.
Naubos nila ang napakaraming alak at hindi namalayan ni Alarik na sobra na ang pagkalasing niya. Hindi nila akalaing aabutin sila doon ng madaling araw. Kaya naman hinayaan na lang niya ang mga kaibigan na ihatid siya sa bahay niya.
Nagmamadali namang magpalit ng damit si Tamar para makauwi ng bahay. Pagkalabas ni Rik ng kwarto sa darkroom ay biglang sumakit ang ulo niya. Wala siyang dalang gamot dahil nasa dressing room ang bag niya. Para hindi mahalata ay mabilis siyang lumabas ng kwarto. Nakita naman siya ni Bruno.
"Ayos ka lang Simmon?" Tanong ni Bruno sa kanya.
"Oo naman kuya. Kaya lang medyo nahihilo ako. Kulang yata ako sa pahinga. Pwede bang matulog muna?" Tanong niya dito sabay lapit ni Kristan sa kanya.
"Wala ka namang lagnat. Pero sabagay. Saan ka ba muna matutulog?" Wika ni Kristan.
"Sa may dressing room sana. Puntahan na lang ninyo ako pagkailangan na ako." Ani Tamar at hinayaan muna siya ni Bruno at Kristan na makapagpahinga.
Halos takbuhin niya ang dressing room para hanapin ang gamot niya. Sobrang sakit ng ulo ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya ang sarili. Nasa trabaho pa rin ang iba niyang kasamahan, kahit si Marione. Kaya walang makakakita sa idinadaing niyang sakit.
"I-inay, i-itay, D-Dates." Mahina niyang sambit sa pangalan ng mga magulang at kapatid, hanggang sa maabot niya ang mahabang couch. Napahiga siya doon hanggang sa mawalan ng malay.
"Simmon." Tawag ng isang boses na nagpabalikwas kay Tamar. Si Marione iyon at nakangiti sa kanya.
"Mukhang pagod ka ah. Ano bang ginawa sayo ng customer mo? Pumayag ka na bang makipag-ano?" May halong biro ang panunudyo ni Marione sa kanya.
BINABASA MO ANG
His Maid Stripper (Hooker Series 14)
RomanceBlurb Masayahin at hindi kakikitaan ng problema, iyan si Tamar Persimmon Rodriguez. Sa simpleng buhay ay kontento na siya. Hanggang sa maagang binawi ng langit ang kanyang pamilya. Lumuwas siya ng Maynila, para makipagsapalaran. Naging katulong siya...