Chapter 16
"Anong oras na!" Gulat na sambit ni Simmon ng maramdaman ang pamimigat at pananakit ng kanyang katawan.
"A-aray talaga." mahina niyang sambit habang pinipilit na maigalaw ang sarili.
Biglang niyang naimulat ang mga mata at napansin ang napakadilim na lugar. Kahit ang sarili niya ay hindi niya makita. Ilang sandali pa ang lumipas ng rumehistro sa isipan niya ang naganap sa kanila ni Rik sa nagdaang gabi.
"Rik." bigkas niya sa pangalan nito.
Hindi man niya nakikita ang mukha, alam niyang namumula iyon batay na rin sa pag-iinit nito na kanyang nararamdaman.
Napasinghap pa siya ng maramdaman ang mainit na kamay na nakapulupot sa baywang niya. Naramdaman pa niya ang paghapit nito sa kanya ng gumalaw siya.
Hindi niya malaman ang gagawin lalo na at hindi niya malaman kung anong oras na. Gabi man o umaga ay iisa lang ang makikita mo sa darkroom. Madilim sa parte kung nasaan sila. Pero ganoon pa rin ang ilaw kung saan siya sumasayaw.
"Lagot ako nito. Kailangan kong makauwi ng bahay bago malaman ni boss na wala ako sa bahay niya." bulong pa niya sa sarili ng mas lalong pagdikitin ni Rik ang hubad nilang mga katawan.
"Bakit?" narinig pa niya ang malambing nitong boses.
"Nagtanong ka pa talaga? Rik hindi ito hotel. Club ito. Kaya need ko ng umalis. Hindi ko alam kung anong oras na. Pero kailangan ko na talagang umuwi." sagot niya kay Rik ng hindi napigilan ng binata ang sarili.
Hinalikan nito si Simmon, sa pagkakataong hindi ito makakatanggi. Naging traydor naman ang katawan ni Simmon at sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ni Rik. Hanggang sa nangyari ang dapat mangyari. Pinagbigyan nila ang kanilang sarili na angkinin muli ang isa't-isa.
"Rik aalis na ako." paalam ni Simmon habang parang nakahang naman sa isipan ni Rik ang nangyari sa kanila ng dalaga.
Tuwing magdidikit kasi ang kanilang mga katawan at parang gustong-gusto niyang angkinin ito. Kaya naman, ng makatapos sila sa isa na namang mainit na tagpo sa oras na iyon ay siya na ang lumayo sa dalaga. Baka hindi na niya ito pauwiin at dalahin na lang niya ito sa bahay niya.
"Thank you Simmon."
"Anong thank you? Hindi ako tumatanggap ng thank you. May bayad ang serbisyo ko." may pagkasarkastiko pang tinig ni Simmon na ikinatawa ni Rik.
"I mean thank you for giving yourself to me. Hindi ko nga alam kung bakit parang sobra naman ang pagkahumaling ko sa katawan mo. Kung pwede nga lang kitang itago na lang sa bulsa ko." pag-amin ni Rik sa dalaga. Wala namang masama na umamin, ang masama ay ang maglaro sa damdamin ng mga babae.
"Okay lang iyon. Pero bayaran mo ako. Bayad ang serbisyo ko sayo."
Natatawa naman si Rik pagiging sigurista ni Simmon. Sabagay, wala ng libre sa ngayon. Higit sa lahat, kakaiba si Simmon sa lahat ng babaeng nakilala niya, ng biglang sumagi sa isipan niya si Tamar.
"Hindi pwede, napakainosente ng isang iyon." pagkausap pa niya sa sarili hanggang sa iabot niya kay Simmon ang pera na nagkakahalaga ng isang daang libo.
"Ganito kalaki ang bayad mo para sa isang gabi? Mabilis kong mabubuo ang isang milyon ko?" natatawa pang wika ni Simmon.
"Hindi fifty thousand lang ang bayad ko sayo, fifty thousand para sa bunos mo. Nakausap ko na ang manager ninyo, at sa akin ka ng dalawang linggo. Maliwanag?"
Wala namang nagawa si Simmon sa sinabing iyon ni Rik. Bayad siya nito at trabaho niya iyon. "Mas mabuti nga iyong may tip. Para naman makaipon ako kagaad. Higit pa doon. Baka matagalan akong hindi makapagtrabaho. Kaya kailangan ko ng pera para mabuhay ko ang sarili ko. Higit sa lahat masuportahan ko ang mga gamot ko makatapos ang operasyon." aniya sa sarili saka bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
His Maid Stripper (Hooker Series 14)
DragosteBlurb Masayahin at hindi kakikitaan ng problema, iyan si Tamar Persimmon Rodriguez. Sa simpleng buhay ay kontento na siya. Hanggang sa maagang binawi ng langit ang kanyang pamilya. Lumuwas siya ng Maynila, para makipagsapalaran. Naging katulong siya...