Chapter 20
"Hold on Tamar! Hold on!" nag-aalalang wika ni Alarik habang mabilis na nagmamaneho ng kotse niya.
Hindi niya alam kung anong nangyayari sa dalaga. Natakot siya sa kalagayan nitong may iniindang sakit at nagsuka hanggang sa mawalan ng malay.
"Pick up the phone a*shole!" sigaw ni Alarik habang tumatawag sa group chat nilang magkakaibigan. Ilang sandali pa at nagsunod-sunod din ang pagsagot sa tawag.
"Anong proble. . . ," si Arnold.
"Atin. . . ," si Harry.
"Yow bro. . . ," si Lindon.
Sabay-sabay na wika ng tatlo ng sigawan ang mga ito ni Alarik.
"Follow me at the biggest hospital, near at my place. ASAP!"
"Why?" sabay-sabay pang tanong ng tatlo.
"Don't asked questions. Just follow me!" may diing wika ni Alarik na kahit sa cellphone lang sila magkausap ay napakunot noo ang tatlo.
"Yes boss!/ Copy!/ Right away!" sabay-sabay na wika ng tatlo, na agad ding pinatay ang tawag.
"Tamar." bangit pa niya sa pangalang ng dalaga, ng mapansin ang biglang pagdami ng pasa nito sa braso, isama pa ang pamumutla ng labi.
"Sh*t!" malakas niyang sigaw at mas binilisan pa ang pagmamaneho.
Papasok pa lang ng ospital si Dra. Samaniego ng marinig niya ang malakas na busina ng kotse na paparating. Napakunot noo pa siya, sa kaalamang makakaabala sa ibang pasyente ang ginagawa ng kung sino mang nagmamaneho sa kotseng iyon.
Inis niyang hinintay ang driver ng kotse na tumigil sa harap ng emergency room. Nakataas pa ang kanyang kilay at handa na sanang sermonan ang driver nito ng mabilis itong lumipat sa passenger seat para kunin ang babaeng walang malay na nakadeposito doon.
Ang inis na kanyang nadarama sa lalaking driver ng kotse ay napalitan ng pag-aalala sa dalagang bigla niyang namukhaan.
"Where's the doktor!?" may diing tanong ni Alarik sa gwardiyang nandoon na nilapitan din kaagad ng isang nurse.
"Tamar! Anong nangyari sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Dra. Samaniego na ikinakunot noo ni Alarik.
"Do you know her?"
"Yes! She's my patient and I'm her doktor. So anong nangyari sa kanya? Sinabi niya kaninang sumakit ang ulo niya. After noon ay naputol ang tawag at hindi na naman niya sinasagot ang tawag ko. Oh my gosh!" ani pa ng doktor.
"Anong sakit niya?"
"Mamaya ko na sasagutin. Kailangan ko na muna siyang suriin." sagot ng doktor, habang pinagtutulungan ng nurse at ni Alarik na maihiga ng maayos si Tamar sa kama sa emergency room.
"Dyan ka na lang muna mister, ako na ang bahala kay Tamar."
Napasapo naman ng ulo si Alarik. Hindi niya alam na may sakit si Tamar. Wala siyang alam sa mga nangyayari dito. Lalo na at napakamasayahin naman ng dalaga. Higit sa lahat hindi niya ito kinakikitaan na may iniindang sakit. Maliban na lang noon ng makita niya itong may pasa sa binti na ang sabi nito ay nasanggi lang sa kung saan.
Nakaupo lang si Alarik sa may bench sa labas ng emergency room. Nakayuko siya at nakasapo ang palad sa noo ng dumating ang tatlo niyang kaibigan.
"Anong nangyari?" tanong ng tatlo na nagpaangat sa ulo ni Alarik.
"Hindi ko alam. Bigla na lang nawalan ng malay si Tamar. Higit sa lahat, natakot ako na bago nangyari iyon ay mayroon siyang iniindang sakit bago pa siya nawalan ng malay. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya isinugod ko na dito sa ospital. Kaya tinawagan ko na rin kayong tatlo."
BINABASA MO ANG
His Maid Stripper (Hooker Series 14)
RomanceBlurb Masayahin at hindi kakikitaan ng problema, iyan si Tamar Persimmon Rodriguez. Sa simpleng buhay ay kontento na siya. Hanggang sa maagang binawi ng langit ang kanyang pamilya. Lumuwas siya ng Maynila, para makipagsapalaran. Naging katulong siya...