Chapter 37

369 8 0
                                    

Chapter 37

"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ni Tamar ng umagang umaga pagkalabas niya sa paglilinis sa Solteria ay nabungaran niya si Alarik.

Kinawayan na ni Bruno at Kristan si Alarik ng makita ito.

"Bakit ba ang aga-aga pa ay ay taray mo na. Ganyan ka ba sa manliligaw mo?"

"Hindi naman. Sayo lang, wala naman akong manliligaw na iba kung hindi ikaw lang."

"Mabuti naman kung ganoon at baka may kalagyan ang mga manliligaw mo sayo," bulong ni Alarik na hindi umabot sa pandinig ni Tamar kaya naman lalo siyang nainis sa binata.

"Umalis ka na lang sa harapan ko at hindi na ako pumapayag na ligawan mo ang tulad mong mayaman na walang pagpapahalaga sa pera ay hindi nababagay sa isang tulad ko. Alam kong hindi mo dapat tinitipid ang sarili mo basta sa pagkain. Kaya lang nakakairita sa pakiramdam iyong isang platong pagkain mo, katumbas na ang dalawang buwang sahod ko dito sa club bilang taga pagwalis sa umaga."

"Hanggang ngayon ba galit ka pa rin ng dahil doon? Paano mo naman nalaman na mahal ang pagkain doon ay hindi man lang naman tayo nakapasok."

"Nakalimot lang akonsa nakaraan ko, pero marunong akong magkwenta. Nabasa ko doon sa labas. Appetizer na parang kasing laki lang platito amg lagayan one hundred dollar na. Eh paano pa iyong normal na pagkain. Hindi na lang," inis na inis  na wika ni Tamar sa lalaking kaharap.

Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit galit na galit ang pakiramdam niya dito. Gayong wala naman itong ginagawang masama.

Napangiti naman si Alarik. "Aayain sana kitang kumain ng breakfast."

"Thank you na la--,"

"Nagluto ako ng sinangag, longganisa at itlog. May dala din akong kape at orange juice, bottled water at  toasted bread na nilagyan ko ng butter. Lahat mga stock lang sa bahay. Yayayain sana kitang kumain sa may parke na malapit dito." ani Alarik kaya napatitig si Tamar sa binata. "Kung ayaw mo naman, ay ayos lang. Pasensya ka na kung narito akong muli." Malungkot na saad ni Alarik.

Doon lang napansin ni Tamar ang malaking paper bag na hawak ni Alarik sa isang kamay.
Akmang tatalikuran na ni Alarik si Tamar ng pigilan siya ng dalaga.

Napatingin naman si Alarik sa kamay ni Tamar nannakahawak sa kanyang braso. Bago siya muling napatingin sa mukha ng dalaga.

"Hindi yan galing sa mamahaling restaurant?"

"Hindi," na ikinailing pa ni Alarik. "Naisip ko kasing baka magalit ka na naman kung sa labas na naman kita yayayaing kumain kaya ako na lang ang nagluto ng lahat. Maaga akong gumising para dito. Alam ko namang maaga kang nagtutungo sa Solteria para maglinis kaya siguradong hindi ka pa kumakain. Literal na sa labas pala sana kita yayayain. Dahil sa parke ang balak ko. Kaya lang, pasensya ka na kung may pagkamakulit ako." ani pa ni Alarik na tinalikuran na si Tamar.

Hindi niya tuloy alam kung paano kukunin ang loob ni Tamar. Akala niya ay magugustuhan nito ang effort niya. Hindi rin pala.

"Alarik," tawag ni Tamar na nagpalingon kay Alarik.

"Ayos lang, wag mo akong alalahanin."

"Nagugutom na ako," nakangiting wika ni Tamar at nilapitan kaagad si Alarik. "Bakit kasi hindi mo kaagad sinabi na luto mo ang kakainin natin. Gusto ko iyon," napangiti na lang si Alarik at hinawakan pa ang kamay ni Tamar.

Naglakad na lang sila patungong parke na malapit doon at naghanap ng lamesang nalililiman ng puno doon.

"Masarap kang magluto, pwede ka ng mag-asawa," ani Tamar ng maubos niya ang pagkaing laan sa kanya.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon