Chapter 22
Pagkaalis ng club ay bumalik lang ng bahay si Alarik para kunin ang pagkaing ipinaluto niya sa cook. Matapos niya itong bayaran ay nagpaalam na rin ito sa kanya.
Bumalik lang din siya sa kwarto ni Tamar para kunin ang gamit nito. Inayos din niya ang gamit na medyo kumalat na kagagawan niya.
Palabas na siya ng kwarto ng maalala ang pangalan ni Simmon.
"Simmon? Bakit naman naging Simmon ang pangalan niya?" Hindi niya iyon lubos maisip kaya napatanong siya. "Aaminin ko na rin sa kanya ang lahat mamaya. Sana naman ay hindi siya mailang at sana ay hindi niya ako iwasan." aniya at inilagay lang niya sa kotse ang mga gamit na kakailanganin ni Tamar.
Pagdatung niya sa ospital ay nandoon na ang tatlo niyang kaibigan. Tumupad ang mga ito na babalik sa gabi. Hindi tuloy niya alam kung paano makakausap si Tamar ng masinsinan ngayong nandoon ang tatlo.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kaming tatlo dito?" tanong ni Arnorld sa kanya. Napatingin naman siya kay Tamar na ngayon ay mahimbing ang tulog.
"Late na kasi dumating iyong pinagluto ko ng pagkain na pwede kay Tamar. Kaya naman hinintay ko pa." pagdadahilan niya na medyo may katotohanan.
"Ah. Kanina pa kasi kami dito. Tapos kanina pa ring tulog yang si Tamar. Noong dumating kami. Nagkakagulo ang nurse at doktor. Sumakit na naman ang ulo. Pinainom ng gamot at tinurukan ng pampakalma. Mamaya pa daw magigising. Kaya naman, hindi din niya alam ng dumating kami. Ang doktor niya na nakausap natin ang nagpaliwanag sa amin." paliwanag naman ni Lindon.
"Bakit hindi ninyo ako tinawagan?" tanong ni Alarik sa tatlo.
Napako naman ang tingin ng mga ito ng hawiin ni Alarik ang buhok sa pisngi ni Tamar at bigyan ito ng isang halik sa ilong at noo.
"Anong meron sa inyo?" mapanuring tanong ni Harry na tinawanan lang ni Alarik.
"Wala pa. Pero sisiguraduhin kong magkakaroon kami ng ugnayan.
"Wooh! Iba yan ah," sigaw ng tatlo ng pigilan ang mga ito ni Alarik.
"Baka magising si Tamar. Isa pa nasa ospital kayo kaya wag kayong sumigaw." paasik ni Alarik ng siya naman ang tawagan ng tatlo.
"Wala pa ngang relasyon, nag-a-assume na kaagad." tatango-tangong wika ni Arnold.
"Hindi daw pwede si Tamar kasi kay Alarik s'ya." naiiling na sabat ni Lindon.
"Kaya iwan na muna natin iyang dalawa. Kasi baka akala ni Alarik girlfriend na niya si Tamar, habang ang tulog wala pang alam sa nais na mangyari sa kanila ng boss niya." natatawang wika ni Harry na ikinailing na lang si Alarik.
Nagpaalam naman muna ang tatlo sa kanya. Pero nagbilin naman ang mga ito na kung may kailangan siya. Isang tawag lang ni Alarik sa mga ito at pupuntahan siya kaagad ng tatlo.
Ilang sandali pa ay pumasok naman ang doktor ni Tamar na si Dra. Samaniego. Sinuri nito ang natutulog na si Tamar.
"Kumusta siya dok?" tanong ni Alarik na ikinabuntong hininga ng doktor.
"Maayos naman siya, mayroon lang akong gustong malaman, pero bukas ko na itatanong paggising niya. Kumain na rin naman siya kanina." paliwanag ng doktor.
"Ganoon po ba? May dala po akong pagkain para sana kay Tamar."
"Ilagay mo na lang sa ref. Mamaya pag nagising siya, ipainit mo na lang sa canteen. Basta healthy foods ang ipakain mo sa kanya okay."
"Yes dok. Ipinaluto ko iyon at siniguradong pwede kay Tamar."
"Mabuti kung ganoon. Kailangan muna niyang magpalakas, bago siya sumailalim sa operasyon."
BINABASA MO ANG
His Maid Stripper (Hooker Series 14)
RomanceBlurb Masayahin at hindi kakikitaan ng problema, iyan si Tamar Persimmon Rodriguez. Sa simpleng buhay ay kontento na siya. Hanggang sa maagang binawi ng langit ang kanyang pamilya. Lumuwas siya ng Maynila, para makipagsapalaran. Naging katulong siya...