Chapter 4
Napakunot noo si Alarik ng mapagtanto kung sino ang tumatawag. Napailing na lang din siya, dahil mula pa kaninang umaga ay kinukulit na siya nito.
"Anong problema mo?" Tanong ni Alarik na malakas na tawa ang naging sagot ng kausap.
"Anong problema ko? Ikaw anong problema mo? Sabi ng sekretarya mo, maaga kang umalis. Napakadaya mo Alarik. Ang usapan ay usapan."
"Wait ano bang usapan natin?" Maang na tanong ni Alarik. Kaya mas lalong napatawa ang kausap.
"G*go! Puntahan na lang kita dyan sa bahay mo."
"Hindi!" Malakas niyang wika.
"Oh! Bakit ba para kang may tinatago? Curious na talaga ako kung ano ang meron dyan sa bahay mo. Alam kong wala kang ibang taong gustong papuntahin dyan. Kaya lang nakakapunta naman kami nina Harry at Lindon dyan. Matagal na ang huli kaya nga inaaya ka namin ngayon. Pero parang mas gusto naming dyan na lang pumunta kung ayaw mong sumama."
Ramdam ni Alarik ang pagngisi ni Arnold. Alam niyang makukulit ang mga kaibigan pagginusto ng mga ito, hindi mo talaga mapipigilan.
"Hindi pa nakakapaglinis ang taga linis ko Arnold. Isang linggo na kasing hindi nakakapunta ng bahay at nagkasakit. Kaya pakiusap, ayaw kong mapahiya sa inyo na, hindi ako kumukuha ng kasambahay, pero hindi naman mapanindigan ang malinis na bahay." Mahinahong wika ni Alarik at ipinapanalanging wag ng mangulit ang kaibigan.
"So, sasama ka na? Minsan lang naman tayo lalabas."
"Saan ba?"
"Club Solteria, wag kang mag-alala. Ilang beses ng nagtungo doon ang dalawang tukmol, normal na club lang iyon. May kumakanta lang, may sumasayaw pero hindi mo naman kakikitaan ng kalaswaan. Normal sa isang club, ang ganun. Pero kung gusto mo naman ng iba, at exciting na gawain, sa darkroom tayo. Mas okay doon."
"G*go! Pag-iinom, iinom lang tayo at iyon na. Walang ibang kung ano."
"Ang kj nito. Sige na. Ewan ko dito sa dalawa kung may nais na iba, hihintayin ka na lang namin dito sa labas ng bahay mo." Natatawang wika ni Arnold at doon lang niya napagtanto ang boses ng dalawang kaibigan na tumawa na rin ng malakas.
"Kanina pa kayo dyan? Mga g*go talaga."
"Ang harsh mo Alarik ha. Kararating lang. Para siguradong sasama ka sa amin. Dito ka na namin pinuntahan. Tara na." Sabat ni Lindon na sa tingin niya ay kinuha kay Arnold ang cellphone nito.
"Okay magbibihis lang ako."
"Okay na yang suot mo. Hi, nasa labas lang kami ng gate mo. Tara na." Pamimilit pa ni Harry, ng silipin ni Alarik ang labas ay kumaway pa ang tatlo.
"Natapunan ako ng kape, sandali lang."
Mabilis na pinatay ni Alarik ang tawag ng mapansin niyang lalabas ng bahay si Tamar. Mabilis din niyang tinakbo ang dalaga para hindi ito makita ng tatlo. Ayaw niyang maging tampulan siya ng tukso, ng mga kaibigan.
"Sir!" Gulat na wika ni Tamar ng bigla siyang yakapin at hilahin ni Alarik papasok sa pinakaloob ng bahay. Hindi pa siya nakakalabas ay pinapasok na kaagad siya nito.
"Wag kang maingay. Nasa labas ang mga kaibigan ko at hindi ka nila pwedeng makita. Isa pa alam mo naman na ikaw lang ang hinayaan kong maging katulong ko dito sa bahay." Paliwanag ni Alarik na ikinatango niya.
"Alam ko yan boss. Paano po iyan nandito pala sila, paano kita maiipagluto ng pagkain."
"Lalabas ako, kasama sila. Doon na rin ako kakain. Yang ikaw na lang ang magluto para sa sarili mo. Kumain ka bago uminom ng vitamins mo. Mas okay na may laman ang tyan mo."
BINABASA MO ANG
His Maid Stripper (Hooker Series 14)
Любовные романыBlurb Masayahin at hindi kakikitaan ng problema, iyan si Tamar Persimmon Rodriguez. Sa simpleng buhay ay kontento na siya. Hanggang sa maagang binawi ng langit ang kanyang pamilya. Lumuwas siya ng Maynila, para makipagsapalaran. Naging katulong siya...